VII: Hate Always Wins

87 5 2
                                    

CHAPTER SEVEN

Sabi nga nila expect the unexpected, how ironic it is. Ako, nandito ngayon sa loob ng St. Alexandria sa loob ng pitong buwan and I don't even know how to survive in this school. Siguro nga lagi kong binabaliwala ang mga opinyon ng ibang tao, that's why it came for me and ako ngayon ang nagdudusa to save my company from falling.

"Miss pretty Chels, ang lalim ng iniisip mo ah." At isa pa 'tong dalawang kasama ko. I cannot force my other employees to work for me in here dahil mas importante ang masolusyunan nila ang mga designs or strategies sa Wicked with Red.

So I am stuck with two idiots.

"Wag mo nga ginugulo si Miss Chelsea, gusto mo pati ikaw mapunta na din sa impyerno like our company?" Napaangat ako ng tingin kay Beatrice, minsan hindi din siya nagdahan dahan sa mga sinasabi niya, para bang kung ano na lang pumasok sa isip niya, iyon ang sasabihin ni Beatrice.

"Whatever, mas gusto ko nga dito! Madaming gwapo at may sarili pang office si Ma'am pretty Chels na pwede tayo sa loob!" Halos pasigaw na sambit ni Jonathan kay Beatrice.

The whole office is reminding me of our old head's office vibe and it seems kinda off for me kasi it was never my dream to teach students, si Kenny na nga lang na sarili kong kapatid ay halos hindi kayanin ng buong lakas ko na alagaan at pagsilbihan siya.

Maya-maya ay may biglang kumatok sa pinto na agad naman pinagbuksan ni Jonathan.

"Cal! Saan ba galing ang baklang to!" Agad akong nagangat ng tingin sa sinabi ni Jonathan at laking gulat ko na pawis na pawis at may dalang malaking paper bag ang aking maintenance.

Three idiots pala.

"Miss Chelsea..." Lumapit siya sa desk ko at nilagay duon ang paper bag, binuksan niya iyon at nilapag ang mga sushi at iba pang Japanese foods! Agad nanlaki ang mga mata ko sa takam. "Sorry medyo natagalan, kaya sana kumain ka na." Hindi ko na pinansin ang sinabi niya dahil agad kong kinuha ang chopstick at nagsimula nang kumain, sobrang paborito ko 'to! Tagal na din nuong huling kain ko ng Japanese foods.

"How did you know na paborito ko 'to?" I asked in the middle of eating the sushi.

Pakiramdam ko ay kanina pa siya nakatingin saakin habang nakain ako dahil ang lawak ng ngiti niya, so weird.

"Tinanong niya samin of cource." Mataray na sagot ni Jonathan.

"Ang mahal nyan diba? Para kang kumakain ng ginto?" Singit ni Beatrice. Kaya napatingin kami lahat sa aking maintenance.

"Ayaw kasi ni Miss Chelsea ng pares edi humanap ako ng pagkain na talagang kakainin niya." Inosente niyang sambit, minsan ay nagtataka na din ako kung nagbabait-baitan lang ba siya saakin para tumaas ang sweldo niya o sadyang ganito na siya.

"Ang sweet naman ng baklang to! At sa boss pa naten." Nakita kong napakamot sa ulo ang Cal na iyon kaya nagkatinginan kami agad ko siyang tinaasan ng kilay but he just smiled.

Hindi niya pinuputol ang tingin niya so I just back off and pretend to look at my meal. God, that's weird.

"Cal bakit wala akong pagkain? Gutom din naman ako." Beatrice said at agad siyang binatukan ni Jonathan.

"Tumigil ka nga bakla! Kaya walang nagkakagusto sayo puro ka hingi!"

At bago pa man sila makapagbangayan ay may kumatok na naman sa pinto, "Hello nandito ba si Miss Villanueva?" May isang matinis na boses ang sumilip sa pinto, mukha siyang nagtuturo dito dahil sakaniyang suot and that nerdy glasses of hers with tight hair bun. As expected din, hindi ko na naman siya kilala at mukhang bago din dito. Bakit nga ba ako naghahanap ng kilala ko? I should stop that.

Forever Ends HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon