XLV: Left Me

51 5 0
                                    

CHAPTER FORTY FIVE

One day before I lose all my rights to my own company.

Napatulala ako sa loob ng kumpanya ko ngayon, wala ng kalaman-laman ang masaya at masigla kong kumpanya nuon. Matagal na din umalis ang mga empleyado ko't naghahanap ng bagong trabaho, ang mga gamit naman namin—mga pinaghirapan kong layouts, clothes, and magazines ay wala.

Nagbabadya ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang mahabang lamesa at ang loft office ko na nasa taas nun. It's just plain, walang kabuhay-buhay. Ito ang parte ng kumpanya kung saan nabuo lahat ng masasaya kong memorya, mga pagkakataon na pinapahiya ko silang lahat, at kung saan natuto ko ulit maging masaya na tao.

"It—"

"It's all gone." Pagtutuloy ko sa tugon ni Red. Katulad ko'y malalim din ang iniisip niya habang nagmamasid sa paligid.

Nanghihina ako, kaya ko pa lumaban? Isaac's constantly giving me hope na mababawi ko din ang lahat ngunit hindi ako makapante. I feel like it'll all be gone forever. Napasakit isipin, napaupo ako sa sofa ng lounge kung saan lagi ako iniintay ni Cal. Ganito din yung feeling ko nang umalis ako sa penthouse, ang hirap pakawalan.

Mas masakit kasi hindi ko nakita na mangyayari ito at hindi ako handa.

Napaharap kami ng sabay ni Red nang biglang may nagbukas ng pinto from lounge at bumungad saamin ang mga estudyante ko. Halos malaglag ang mga panga ko nang magkakasama sila.

Teo ran towards me at nagulat ako nang lumuhod siya sa harapan ko.

"Miss Chelsea, w-wala ako nagawa. Pinilit ako ni kuya. I'm so sorry, forgive me Miss. He's threatening me." Napaluhod si Teo sa paanan ko habang humahagulgol sa iyak.

Napayuko ako sakaniya sa gulat. "Hey, tell me. What happened?" Hinawakan ko ang kamay niya at puro pasa iyon maski ang mukha niya'y parang nakatikim ng paulit-ulit na bugbog.

Napalingon ako kay Red at bahid sakaniyang mukha ang pagtataka.

"Ikaw yung gagong kapatid ni Killian?" May halong inis na sambit ni Red habang nakatitig kay Teo.

"O-opo. I don't want any of this to happen, he forced me." Nanginginig ang kaniyang mga kamay.

"Edi putangina, why did you come here? You still did it." Red said.

Napaluhod ako kay Teo kung saan ay humahagulgol siya ng iyak, napalingon ako sa tatlo na kasama niya.

"Hindi po! Teka lang teka!" Pumagitnan si Daniesha kay Teo at Red. "Miss Chelsea, galit na galit din kami kay Teo at first. Di din kami naniwala, pero let him explain." Bahid ang takot at pagaalala sa mga mukha nila ngayon, hindi katulad nung mga panahon na nakikipaglokohan at tawanan ako sakanila sa St. Alexandria.

"Nakakaawa na siya." Malamig na tugon ni Kenji at sumangayon naman si Jasio sakaniyang tabi.

Sa totoo lang ay nahihiya ako ngayon na kaharap ko sila, nakikita nila kung gaano kapalpak at katanga ang buhay ko.

"Makikinig ka pa din sa mga bata na 'to Chels?" I understand why Red is so upset right now, katulad ko'y bahagya na din siyang magtiwala sa mga tao.

Napahinga ako ng malalim at hinila patayo si Teo. Sobra ang iyak niya, kitang kita kung gaano siya katapat ngayon.

"Let him speak."

"S-Sorry po..." Paguulit ni Teo.

Napaupo na lamang si Red saaking sinabi, hindi na din naman siya nagreklamo. Pasensya na Red, hindi din kita masisisi kung bakit nagiging ganito ang reaksyon mo sa lahat ng bagay.

Forever Ends HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon