XIV: Boyfriend & A Fortune Teller

78 5 0
                                    

CHAPTER FOURTEEN

Buong araw nakahiga lang ako sa kwarto ko dahil hindi ko mahanap ang gana ko para bumangon at harapin na namana ang eskuwelahan na iyon, gusto ko na lang matulog buong magdamag at sana nga di na lang ako magising dahil in the moment na magising ako ay may mambwibwisit na naman saakin.

Ngunit kanina pa ako binubulabog ni Cal, maghahapon na kasi at panigurado akong nagtataka siya kung bakit hindi pa din ako bumabangon para pumasok sa kumpanya. Tsaka bakit ba nandito pa din siya? Literal na hindi na talaga siya umuuwi, kahapon ay naabutan ko pa siyang bagong ligo galing pa talaga sa mismong kwarto ko! Aniya ayaw daw siya paalisin ng kapatid ko at totoo nga dahil nuong sinabihan ko si Cal na umalis ay halos ihulog ako ng kapatid ko sa pool.

Kaya naman nakatakip ang magkabilang tenga ko ngayon ng unan. "Hellooo! Masakit pa din ba yung noo mo?" Bawat oras yata ay bumabalik siya sa tapat ng pinto ko para manggulo at gisingin ako. Potek naman oh.

"Sorry na hindi ko talaga sinasadya yung nangyari kahapon dali na! Late ka na!" Hindi na ako nakapagtimpi pa at napabangon na ako, ano ba naman 'yang lalaki na iyan parang gago naman!

"Siraulo ka talaga! Lagi mo na lang ako ginigising."

"Gising ka na!" Masaya niyang tugon nang makita ako.

"Hindi ba halata?"

"Late ka na kasi naka lock naman yung pinto, pero buti buhay ka pa!"

"At bakit pag hindi nakasara? Papasok ka na naman?

"Oo?" Alanganin niyang sagot kaya inirapan ko siya, buti na lang talaga ay naisip kong isara ang pinto kagabi dahil alam kong papasok na naman si Cal para manggising na tila kaniya ang pamamahay na ito.

Kung hindi lang tumunog ang phone ko ay mababatukan ko sana siya ngunit mukhang importante ang phone call kaya dali dali ko iyon kinuha and it's Red calling, looks like may emergency nga sa kumpanya.

"Hell—"

"Good morning to you babe, kakagising mo lang?" Nakaspeaker pala ang phone ko kaya agad ko itong hininaan at medyo lumayo para mas marinig ko siya.

"Yeah. Ano ba! Why did you call?" Sigaw ko sa kabilang linya, ang dami niya pang kalokohan na sinasabi.

"Ba't di ka pumasok? Miss na tuloy kita." Halos masuka ako sa sinabi niya with his soft tone, kadiri naman.

"Kasi ayoko and I can do whatever I want, isang araw lang 'to." I also ditched my class pero sinabihan ko na dati si Daniesha na tuwing mawawala ako due to some issues ay asikasuhin nila ang kanilang runway project.

"Aight aight. Edi free ka pala para kunin yung official photos ni Mister Vergara sa Nasugbu na gagamitin natin for tomorrow's update?"

"I said hindi ako makakapasok! Bakit sakin mo pa iuutos yan?"

"Everybody's busy in here dahil bukas na deadline nito, so? Ano babe?" Ugh! Nakakainis minsan na nga lang makapagpahinga, at bakit sa Nasugbu pa? Sobrang layo ng Batangas from here what the hell is wrong with that photographer.

"Bawal niya ba ipadala na lang or email?" I asked.

"Na stuck daw kasi sila gawa ng bagyo in Batangas no strong internet connection and hindi din sila makaalis. Ikaw, you're choice Chelsea—it's either wala tayong mabebenta this month or kukunin mo sa Nasugbu." Kahit sa telepono lang ay nararamdaman ko ang nakangising labi ni pula.

"Fine." I said dahil wala naman akong magagawa.

"Thank you babe! Magingat ka ah—"

Pinatayan ko na agad siya ng phone at hinagis iyon sa sofa. Nang gawin ko iyon ay ngayon ko lang napansin na nakatitig pala saakin si Cal na mukhang nakikinig sa usapan namin.

Forever Ends HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon