XXIV: Countless Stars

67 5 1
                                    

CHAPTER TWENTY FOUR

I'll admit, unti unti na ako naattach sa mga taong nasa paligid ko. Hindi ko alam kung kelan nagsimula, hindi ko alam kung saan o dahil kanino. Pero I know it started when the people around me starts to care.

In the past few days puro trabaho lang ang inaasikaso ko, sabayan pa na tinutulungan ko din ang Class E na makagawa ng fashion clothes for their campaign next month, it is their new project kaya abala kaming lahat.

"Stay ka lang sa one direction para hindi sumablay yung thread." Turo ko saaking estudyante na si Jasio at kanina pa kasi siya nagkakamali dahil baliko ang mga threads sa damit na ginagawa nila. Literal na hindi pantay.

"Ehhh!! Ayoko na! Pagod na yung kamay ko." Piningot ko siya sakaniyang tenga atsaka binigyan siya ng paninabong tela.

"Ay ano bayan Jasio! Nakakatatlong ulit na tayo, sayo ako napapagod eh." Sabi ko dahil halos mangalay na ang kamay ko, pano ba naman ay sa kumpanya at dito ay puro kamay ko ang ginagamit—to make layouts and designs tapos ngayon naman parang bumalik ako sa dati dahil kailangan gumawa mismo ng mga damit. Nakakastress pakiramdam ko nawawala na ang kaluluwa sa bandang kamay ko.

"Miss Chelsea! Tama ba 'tong pattern? Hindi masyadong magarbo? O baka it's too laos na?" Lumapit saakin si Paris habang hawak hawak ang draft niya, napasimangot ako.

"Medyo kahawig mo." Umaliwalas ang mukha ni Paris.

"Maganda?"

"No. Napaka-oa at masyadong common."

"Ay grabe naman." Napabagsak ang mukha niya tsaka bumalik sakaniyang desk upang gumawa na naman ng bagong draft.

Ganito palagi ang nangyayari saamin araw araw, ang purpose ko naman dito ay para iguide sila kaya I'm doing it right now. Kapag hindi ko sinabi ang totoo at pinlastik ko lang sila ay walang silang mararating baka maging katulad sila sa klase ni nerdy teacher Trish.

"Jasio you should know the difference of ankle level and feet level! Ang haba naman nyang ginagawa mong coat." Baling ko sakaniya.

"Susuko na po talaga ako huhubells." Pekeng iyak niya pa.

"Jasio nabading ka na ba? Ba't di ka pa din tapos?" Lumapit saamin si Kenji at dala dala niya ang black suit na may kakaibang designs like a luxurious brand. Napanganga ako.

"Yung gawa mo nga mukhang binebenta sa bangkenta."

"Hoy Jasio! Makasalita ka ah, base pa nga lang nauumpisahan mo." Pagsasaway ko sakaniya.

Sinuri ko ang gawa ni Kenji. "Ayos ba Miss?" I can't deny the fact na sakaniya ang pinakamagandang gawa at ang ayos ng lahat ng gawa niya. I can see that he can be a streetwear designer.

"Pwede na."

"Pwede na? Ano po meaning nyan?"

"Pwedeng mong ulitin, pwede din hindi." Litong lito siya sa sinabi ko pero in the fashion industry, iyan ang madalas kong naririnig nobody really recognize my works not until I am sure of my works and I don't have doubts about it.

Actually these students have the potential to be models in the future, paloko-loko lang sila pero nuong pinapanood ko ang practice nila nuong runway ay ang seryoso nila na halos hindi sila iyon. Sana nga talaga ay maging consistent na ang ganito dahil ang layo na ng nararating namin, ilang buwan na lang ay makakagraduate na sila.

"I gotta go Daniesha, sabihin mo nga sa mga classmates mo na gandahan naman nila gawa nila at ang sakit sa mata." Sabi ko at dinampot na ang mga gamit ko.

"Wait Miss! Sama ka ulit saamin sa lunch?"

"I can't. Kailangan ko bumalik sa kumpanya."

"Ay corny ni Miss. Wala na." Narinig pala ni Jasio ang pinaguusapan namin kaya sumingit agad siya.

Forever Ends HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon