XXIX: Beginning Is The Happiest

52 5 0
                                    

CHAPTER TWENTY NINE

Hindi ko na pinagintay magsalita pa si Cal at napabalik na lang ulit ako sa taas, sa opisina ko. Napahingal ako sa kaba, narinig niya lahat ng sinabi ko! Grabe ang hiya na nararamdaman ko ngayon, I mean I'm not embarrassed. Hindi pa lang ako komportable pagusapan ang nararamdaman ko tapos nasabi ko agad iyon nang nanduon pala siya! Curse Blair.

Napatalon ako sa gitla nang may kumatok sa glass door and I can see through Cal standing there. Hindi ko pa naman siya pinapapasok pero pumasok agad siya!

"Totoo ba?" Hindi ko siya magawang tignan, nakayuko lang ako. I'm in the middle of debating myself kung sasabihin ko ba ang totoo o hindi, I could lie and he would believe it. Dapat ko nga ba sabihin? Na alam ko naman makakadagdag lang 'to sa iisipin niya and he could be uncomfortable with it too.

"Oo." Pagaamin ko sa tinatago kong feelings sakaniya.

"Tangina..." Mahina niyang mura, kinakabahan ako kung nagagalit ba siya ngayon o ano.

Pero nang lingunin ko siya ay hindi siya mapakali at parang napapangisi pa. Hindi ko maintindihan ang expresyon na ginagawa niya, napakagat ako sa labi.

"L-Lalabas na ko." Akmang lalabas na ako ng office nang hilahin niya ang kamay ko para harapin sakaniya, ramdam ko ang pintig ng puso ko.

"Paano pa kita maiiwasan sa mga nalaman ko? Tangina...namimiss na kita Chels." Pangalawang mura na niya ngayon, nagiinit tuloy ang pisngi ko sa ginagawa niya. Shit.

Unti unti niyang hinawakan pababa ang magkabila kong kamay, hindi ako makagalaw pakiramdam ko'y kinulong niya ako sa mga bisig niya. But I want it, I like the feeling of it—including him.

"Una pa lang kitang nakita alam kong hindi ka lang basta babae Chelsea, isa kang espsyal na babae at ikaw lang yung nagustuhan ko ng ganito." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.

Halos mabingi ako, hindi ko din mapigilang mapangiti. Akala ko'y mababaliwala at mapupunta sa wala 'tong nararamdaman ko pero hindi aakalain na sasaluhin din pala niya ako.

"What do you mean?" Gusto ko ulit marinig ang sinabi niya, ang sarap sa tenga. Gusto ko linawin niya ang lahat. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.

"Gustong gusto din kita Chelsea matagal na hindi ko lang alam kung paano ko sasabihin. Araw araw ko nakikita sitwayson mo na lagi ka nahihirapan, kaya di ko alam kung tatanggapin mo ba 'tong nararamdaman ko para sayo." Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay niya and look deeper in his eyes.

"Nagiintayan lang pala tayo." Halos matawa ako.

"Pero ang bilis mo naman ako angkinin." Pagbibiro niya sakaniyang narinig sa paguusap namin ni Blair.

"Ganun mo ko kagusto?" Nakakahiya naman! Siguro ay pulang pula na 'tong mukha ko dahil sa mga sinasabi niya.

"Yes Cal." Pagbabalik ko, tapos natigilan siya at parang siyang babaeng nakarinig ng matamis na salita dahil sa excitement na nakabahid sa mukha niya.

"Chels dahan dahan, di ako sanay." Ngisi niyang tugon.

"So ano na?" Para kasi kaming mga bata na nagaminan, sumeryoso ang mukha niya.

"Chelsea...liligawan kita. Hindi 'to tanong, gagawin ko talaga."

I've never been so happy before, I promised myself that I would never like or even love someone again, hindi naman ako isang masamang tao para ipagkait sa sarili ko ang saya na pwede kong maranasan, attachment will ruined my life again—ni hindi ko nga hinahayaan ang mga tao sa paligid ko na maging kaibigan ako. I'm not afraid of love, I'm afraid of the pain that it will give me.

Forever Ends HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon