LV: Midnight Walk

33 5 0
                                    

CHAPTER FIFTY FIVE

"That's the motherfucker's house." Turo ko sa bahay ni Isaac habang tinatahak namin ang madilim na subdivision.

Cal just laugh and I know pinagaan ni mom ang loob niya, I don't know why mom did that. Siguro nga mother knows best, she hates Isaac the way I hate him too before. Pero ngayom I just want to forget everything, I want a fresh start, yung wala ng tao mula sa nakaraan ko ang makakasira ng future ko ulit.

But here's Cal. Walking with me in the middle of the night, parehas kaming hindi mapakali at hindi makatulog kaya naman inaya ko na lang siyang mag midnight walks dito sa Cebu.

"Desperado pa din sayo." Walang halong pagseselos o pagkainis ang pagkasabi ni Cal, maybe alam na niyang hindi lang si Isaac ang may kasalanan nuon kundi pati siya.

"I don't want him. Ikaw? Baka may nililigawan ka na." Ang sakit pala marinig iyun mula saakin, what if ganun nga ang nangyayari? Nandito lang talaga siya para magpaliwanag at closure.

We're talking like a old friends. Hindi na kami bata at mga immature para magtanim pa ng sama ng loob sa isa't isa, well nung una sympre ganun ako, naging immature ako dahil sa galit ko kay Cal. Ngunit napagtanto naming parehas na walang papatunguhan iyon kung hindi namin papakinggan ang side ng isa't isa.

So here we are. "Wala. Ayoko na magmahal—" May sasabihin pa sana siya ngunit nagback off siya. "Masyadong masakit pala magmahal." He rephrased at natatawa pa siya.

"Ang drama. Wag na nga tayo magdrama ang sakit sa ulo."

"Ikaw kasi eh..." He smirk. Ang lapit namin sa isa't isa ngunit mas matangkad siya kaya naman kakailanganin ko talagang iangat ang ulo ko upang makita siya.

Sobrang therapeutic ng paglalakad na ito marahil ang tahimik ng paligid tapos tanging street lights at buwan lang ang nagbibigay ng ilaw saamin ngayon, he's reminding me the times when sabay kaming umuuwi from St. Alexandria or papunta sa kumpanya.

Good old days.

"Sige edi let's just do what the hell we want. Cebu is fun at night din." Masaya kong tugon siguro ay nabigla siya marahil minsan na lang ako maging masaya. But this one is real, after a long months of no happiness around me—ang saya ng damdamin ko ngayon. Maybe because of Cal. Ganyan kalakas ang impact niya saakin kahit siya din ang dahilan ng pagluha ko araw araw.

"Basta ikaw kasama ko kahit tumalon pa tayo duon." Turo niya sa dulo ng bangin.

"Weh? Gumaganyan ka na naman ah."

Ngayon ko lang muli nasilayan ang ngiti mo Cal matapos ang lahat na nangyari. I miss his smiles.

"Makulit ka eh." Para kaming bumabalik sa nakaraan but with no pains, mga kasiyahan lang.

Lumabas kami sa subdivision upang tumawid. Nakabuntot lang siya saakin siguro ay nagtataka na siya kung saan saan ko na kasi siya dinala sa loob ng subdivision habang tinuturo ko ang mga bahay ng mga umaway saakin o mga estudyanteng nagsumbong saakin sa guidance o kaya naman mga naging kaibigan ko ng pansamanlata nuong bata ako.

"May paborito akong lugawan dito. Tara!" Hindi ko mapagilang maexcite nang matanaw ko ang karenderya ng katulong namin dati, nung bata ako lagi niya ako dinadala dito at walang makakatalo ng lugaw nila.

"Baka sarado na." Ani Cal dahil walang tao sa labas.

"Hindi! 24/7 yan kaya." Hinila ko siya papasok ng karenderya at bakas ang gulat sa mukha ni Cal nang sumalubong saamin ang madaming taong kumakain ng lugaw ng ganitong oras. May mga bikers, workers at kabataan ang nandito ngayon.

Forever Ends HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon