XXXII: Young

40 5 0
                                    

CHAPTER THIRTY TWO

"Cal eyes on the way!" Habang papasok kami sa theater ng resorts world ay kanina pa kamuntikan mabangga si Cal sa mga dumadaan na tao.

"Nakakadistract kasi kagandahan mo." Nakangisi niyang tugon.

"Ikaw nga dyan ang daming nakatitig sayong babae." Pagkasabi ko pa lang nun ay pinadaan niya ang kamay sa aking bewang para hilihin ako sa katawan niya, kitang kita ko agad ang kakaibang reaksyon ng mga babaeng maligkit ang tingin sakaniya sa ginawa ni Cal.

"Wala akong pakielam sa mga babae na yan, ikaw ba sila?" Natawa ako sa sinabi niya sabayan pa ang parang nandidiri niyang expresyon.

Hindi ko maiitatanggi ang kagwapuhan ni Cal ngayon, we have matching outfits na parang aakalain na couple kami ngayon. Habang papunta kami dito'y hindi siya mapakali sa ganda ng suot niya.

"First time ko makakaattend ng event ng mga mayayaman, ayos ba mukha ko?" Hinarap niya pa talaga niya ako sakaniya gamit ang baba ko, I fixed his collar and smiled at him.

"You look okay." I said.

"Yun lang?" Napasimangot siya at hinawakan muli ang kamay kong nasa collar niya.

"Yeah you look good." Paulit-ulit ko na nga sinasabi yun sakaniya kanina parang hindi naman siya naniniwala sa sinasabi ko. I can't believe din na masasabi ko iyon sa isang lalaki ulit, a special one.

"Let's go." Inabot ko ang kamay niya pababa atsaka hinila na siya papunta sa loob ng theater kung saan nagdadagsaan ang iba't ibang importanteng tao na nasa mundo ng business world.

Ngunit napatigil si Cal na laking pinagtaka ko. "Why?" Nakasimangot pa din siya at hindi ko naman mawari ang gusto ng taong 'to.

"Sabihin mo muna." My eyebrows narrowed making a confused look.

"Ang alin?" Napasinghap siya na parang may iniintay na sabihin ako.

"Wag na nga."

"Sobrang gwapo mo ngayon Cal—honestly, everyday, though." I said while gripping my hand on his.

Jusko magtatampo pa talaga ang isang 'to sa kalagitnaan ng event?

"Grabe, kinilig naman ako don." Halos mapunit ang labi niya sa lawak ng kaniyang ngiti, I can't help but to smile too. Iyon lang pala ang gusto niya maybe words can touch his heart quick, minsan kasi actions ang gusto ng karamihan but he likes hearing words too. Now I know.

Pagkapasok namin sa theater ay nagulat ako na naguumpisa na pala ang lahat, nasa gitna ng stage ang tatay ni Blair na si Mr. Young. Holy shit, akala ko'y maaga kami—what the hell happened to my wall clock? Tahimik ang buong theater at pinupuno ang mga upuan ng mga taong nakasalamuha ko na din sa previous events, I don't really like one of them. They're kind of annoying handing over their business cards kahit hindi ko naman sila kinakausap or maybe kakausapin lang nila ako to negotiate. Well, what do I expect in the business world?

"Let's go there Cal." Hila hila ko pa din si Cal habang tahimik kaming papunta sa bakanteng upuan nang may kumalabit saakin na staff.

"Chelsea Villanueva kanina ka pa hinahanap ni Mr. Young, they need you on stage now."

"For what?" Taka kong tanong sakaniya.

"Opening speech po."

"What? I didn't know I would make a speech right now." Wala naman silang sinabi na may gagawin ako dito, akala ko'y manonood lang ako.

I looked over at Cal at nagtataka din siya. See? It's not written on the invitation ngunit makulit ang staff.

"Hindi kasi makakapunta ang representative ng mga Villalobos kaya kayo na lang ang pinalit."

Forever Ends HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon