XVII: Runway

74 5 0
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

Pagkaahon namin sa pool ay dumiretso na ako ulit sa bathroom at nagshower ulit. Habang si Cal ay kalaro na naman si Kenny dahil nagising siya gawa ng ingay na narinig niya sa pool. Hindi ako makapaniwala sa nangyari kanina, akala ko ay mamatay na ako sa pagkakalunod.

"Cal huh? So pwede na din ba kitang matawag na Chelsea?"

Nasa living room ulit kami dahil natatakot daw matulog magisa si Kenny na hindi ko naman magets akala ko ba matapang siya kasi lagi niya pa akong inaasar sa mga horror films. Binalingan ko ng tingin si Cal sa kabilang gilid ni Kenny.

"Anyone can call me Chelsea, sa labas o loob man ng kumpanya. I actually hate formalities." Sagot ko. Hindi ko naman inutusan ang mga empleyado ko na magbigay galang saakin and Kate knows that, that's why she go with first name basis at hindi kung ano-ano pang kaartehan. Kasi hindi ako katulad ng ibang tao na sobrang ayaw sa mga pangalan—I actually like mine.

"Ahh. Hindi ko alam yan ah"

"Panong hindi? Di mo naman tinatanong"

"Nakakatakot ka kasi kausapin eh." He said but I just rolled my eyes.

Sumandal ulit ako kay Kenny at sa pagkakaton na 'to ay sigurado na ako na balikat nga ito ng aking kapatid. "Ate and Kuya what were you both doing in the pool?" Saglit kaming nagkatinginan ni Cal. Ginulo ko ang buhok ni Kenny, "Alam mo? Bakit ba kasi ang hilig mo makinig sa usapan ng iba." I said.

"I'm not! You two were making noises! And I can't sleep."

"No. Ang pangit naman pakinggan niyan Kenny!" Napaharap ako bigla sakaniya at nakakunot ang noo ni Cal nang masilayan ko siya.

"Bakit naman? Anong pangit don?" Takang-takang tugon ni Cal habang ako ay napatahimik na lang. Bakit ba?! It doesn't sound good! O baka ako lang ang nagbibigay ng dalawang meaning? Napapikit ako ng bahagya, this is not me! I wouldn't even think about that! Nakakainis naman ano ba 'tong nangyayari saakin parang hindi ako normal lately. Sumasagi pa lang sa isip ko na baka nakita ni Kenny na binuhat ako ni Cal sa edge ng pool ay halos kabahan ako ng todo.

"Sorry na Kenny, tulog ka na." Cal said then hinilot ang sentido ng kapatid ko katulad ng gusto niya kapag natutulog siya.

"Hindi na ulit kayo gagawa ng ingay?" Napaayos ako ng higa at binatukan ang madaldal kong kapatid.

"Stop that. Gusto mo bang hindi na ulit makita si Cal?'

"You wouldn't do that." Paglalaban ng kaptid ko.

"At bakit?"

"Ikaw nga ate hindi mo siya pinapaalis! You want kuya Cal here." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya kaya't napatingin ako kay Cal na nakahiga na din sa sofa.

Kitang kita ko ang ngisi ni Cal.

"Hindi ah. I can tell him to go out right now." Muli akong tinignan ni Cal, like the way he looked at me kanina sa pool, napalunok ako.

"Sige nga, aalis na ako?" Cal said.

"Shut up! Just sleep." Humiga na ako ng tuluyan at kinumutan ang sarili ko. Malaki ang sofa, that's why it is spacious for the three of us.

"Okay manang." Ugh. Stupid spoiled kid.

Maya-maya pa ay tumahimik na ang buong living room, inangat ko ang aking mukha to see if Kenny's sleeping at tama ako, nakatulog na siya agad. Para kaming mga sisiw na nagsiksikan sa living room dahil sa lawak ba naman ng penthouse ay dito namin napiling tumambay at matulog sa sofa. Napapikit na lang ako habang nakasandal sa balikat ng aking kapatid.

Forever Ends HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon