XLI: Isaac Enriquez

50 5 0
                                    

CHAPTER FORTY ONE

Kung kailan nagiging masaya na ako, kung kailan natuto na akong maging mapangkumbaba na tao ulit katulad ng dati ay tsaka gugulo ang lahat. I never felt this happiness before in my life, particularly with Cal. Tapos heto naman ang problemang kukunin ang pinaka importanteng bagay sa buhay ko, mga pinaghirapan ko ng ilang taon ay mukhang mababaliwala na lang sa isang iglap.

Kapag may saya daw, may kapalit na mas dobleng sakit.

I woke with tons of phone calls, mga numerong hindi naman nakasaved sa contacts ko. Some are threatening me, and some are down grading my company dahil alam nilang babagsak ito. Mostly naman mga sponsorship from brands na halos 80% of them dropped from working with us at inurong ang contract. Harold even contacted me, ready na siyang ipa-suspend ang license and my business certificate bilang isang magazine designer. Buong gabi hinanap ko lahat ng papeles ko at official papers na magpapatunay ng lahat, I'm on the winning side against whoever this asshole is. Hinding hindi nila mapapabagsak ang ganito kalaking kumpanya wherein hundreds of licensed contracts, titles and rights are belong to me and my company's name only. Kaya nakakapagtaka ang nangyayari, commonsense na lang. Mga tao nga naman ang bilis maniwala.

Napaharap ako sa salamin dito sa cr ng kumpanya ko, ang laki at puffy na ng nagmumugto kong mata marahil literal na tatlong oras lamang ang tulog ko kakaisip.

"Madami tayong kaaway at karibal ngayon, it could be them doing all these mess." Red once told me yesterday. Sobrang daming tao ang nagpropotesta saamin palagi, even Icon magazine hates us dahil nga karibal namin sila. Kung ganun kadami ang humahanga saakin ay ganun din kadami ang natatanggap ko na galit sa ibang tao.

But something is suspicious and odd about Blair, how she acted yesterday at the alumni. Ba't pa tatakbo? Kung pwede naman makipagusap ng maayos? Nakakastress ang lahat, ang daming mga tao ang pumapasok sa isip ko na maaring nasa likod nitong paninira.

Lumabas na ako ng cr at sumalubong saakin ang ilan kong empleyadong nagaabang ng balita, our work stopped kahit ayaw namin, we are forced to stop. Hindi na din nagpakita ngayon ang iba kong empleyado, bilang na lang sa kamay ang sumusuporta saamin ngayon na tao dito.

Mabuti ay iilan na reporters na lang ang nasa labas ng kumpanya ko hindi katulad kahapon. Hindi ko alam kung magandang balita ba iyon o ano.

"Baby..." Cal came rushing from the door bahagya pa siyang nakapasok dahil sa mga taong nagdadagsaan sa labas. Agad niya ako binigyan ng yakap at hindi ko na mapigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko na tila kahit anong oras ay bubuhos na.

Niyakap ko ng mahigpit si Cal. Gosh, I needed that. Para akong nabuhayan at nalakasan ng loob dahil sa prisensya at hawak niya. He lift my chin up upang makita ang buong mukha ko. "Shit Chelsea, nagpahinga ka ba?" Alala niyang tanong.

"Yeah kanina lang." Ang hirap naman sabihin na tatlong oras lang yon.

"Sorry ngayon lang kita nadamayan." He sighed while rubbing my cheeks.

"It's okay, priority mo ang family. How's Joy?"

"Successful yung surgery, recovery na lang." Nakahinga ako ng maluwag sa magandang balita. Dahil dun alam kong makakapante na din si Cal kahit papaano, I don't want to see him struggling, masakit din iyon para saakin. I know he feels the same way for me right now.

"That's good." I smiled pero parang hindi siya nasisiyahan. Malamang kung ganito ang sitwasyon ng girlfriend mo'y sasaya ka pa ba? It's not okay.

Forever Ends HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon