VIII: Drug Dealers Take The Bus

95 5 3
                                    

CHAPTER EIGHT

"That's Kenny's room you can stay there as long as you want hanngang di nagsasawa ang kapatid ko sayo." Tinuro ko ang guest room ng aking penthouse na pansamantalang ginawang kwarto ni Kenny. I'm so exhausted right now kaya wala na akong lakas para makinig sa reklamo ng kapatid ko.

Napalingon ako kay Cal nang hindi pa siya gumagalaw, umikot ang paningin niya sa paligid na tila namangha sa kabuuan ng penthouse, agad akong nagtaka sakaniya. "Lalaking taga maintenance department, narinig mo ba sinabi ko?" I snapped in front of him kaya nakuha ko ang atensyon niya then smiled at me.

"Yes Miss Chelsea, hanggang magsawa ang kapatid mo." Malawak na ngiti niya. Iyon lang ba ang narinig niya o talagang he emphasized it.

"Kuya Cal! Let's play playstation!" Kumaripas ng takbo si Kenny patungo sa kwarto niya habang hila si Cal, matatawa na sana kung hindi ako pagod dahil para silang mag-ama na naligaw ng landas.

Dahil na din sa pagod ay agad na kong pumasok sa sarili kong kwarto and did my night routine, hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko halos humiwalay ang kaluluwa ko saakin—I badly want to sleep pero I want to work too, ngayon pa knowing that my company can fall anytime. And that class I just handled was giving me too much stress and irritation that I never knew I had, siguro nga the universe intentionally crossed that class and I paths 'cause maybe I can do something good? I cringe just thinking about it. But here I am, holding a pen and paper to plan that stupid runway project for them...

Ilang oras ang makalipas ay may naaninag ako sa labas. Bahagyang nakabukas ang pinto ko kaya natanaw ko si Cal na nakaupo sa sofa and si Kenny ulit na nakahiga sa lap niya, pinapatulog na naman niya ang kapatid ko? Nagtataka ako kung bakit ginagawa niya pa din ang lahat ng 'to kahit hindi na sakop ng trabaho niya, he's not even paid to babysit Kenny.

Lumabas ako then balak ko lang sana tignan ang kapatid ko ngunit napansin ako ni Cal, he looks tired but still manages to smile—I hate it.

"Gising ka pa? Matulog ka na, Sunday naman bukas." He said to me with his tired voice.

"Gusto ko ng cheeseburger." His eyes met mine naglaho ang mga ngiti sakaniyang labi, dahan dahan niyang sinara ang kaniyang mga mata then the next thing I knew, tulog na siya! Ano ba naman yan! Si Kenny ba ang nagpapasweldo sakaniya at grabe siya makasilbi sa aking kapatid.

I let out of exaggerated sigh then slammed the door behind me that created a loud noise. Bahala na kung magising si Kenny at siya! Dapat lang na magising siya at sana hindi na siya makatulog habang buhay siyang gising! Alas tres na ng madaling araw at kailangan ko na talagang matulog, konting galaw at inis ko na lang ay baka himatayin na ako sa antok that's why I fell asleep fast.

——

Thankfully my morning alarm is off, it seems that sunlight wakes me up. Naiirita pa din ako, ngunit kailangan kong bumangon and I bet it's afternoon right now napahaba yata ang tulog ko. Tinanggal ko ang aking sleeping mask at bumulaga sa lamesang nasa harapan ko ang isang malaking cheeseburger.

I drooled over it, kagabi pa ako nagcracrave dito kaya agad ako napatayo at dali daling dinampot ang cheeseburger, nagsalubong ang kilay ko nang may note pala na nakadikit.

"The fuck with this note?" A smiley face in the morning? Sounds scary. And there's a letter 'C' written on the bottom, so this is from Cal? Siya lang naman sinabihan ko na gusto ko ng cheeseburger pero pinili niyang matulog.

"Gising ka na pala! Kanina pa kami—" Habang ngumunguya ako ng cheeseburger ay biglang bumukas ang pinto at nagkatinginan kami ni Cal, napatigil siya sa di malamang dahilan at agad ako nagtaas ng kilay sakaniya.

Forever Ends HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon