XLVIII: Past

46 5 0
                                    

CHAPTER FORTY EIGHT

Cal

"Mageenroll ka na ba para sa second semester pre?" Napakamot ako sa ulo kasi kanina pa ako kinukulit ni Killian kahit nasa tricycle pa lang kami.

"Oo nga." Irita kong sagot.

"Kala ko ba wala ka ng pera? San na naman galing yan?"

Sumagi sa isip ko ang kinuha kong pera na para sana sa pangpagamot ni papa, babawi na lang ako tutal may bago akong napasukan na trabaho bilang barista sa isang club. Kailangan ko lang talaga makahabol sa enrollment dahil ayoko mapagiwanan.

"Nangutang lang ako kay Vince." Pagsisinungaling ko habang nakapila na kami sa cashier.

"Sus baka maduming pera ulit yan."

"Kung makasalita ka dyan ah, ikaw? San galing pera mo ngayon? Parehas tayong dukha." Simula pa lamang ay nakita namin ang isa't isa na lumaki at labanan ang kahirapan kaya hindi din ako makapaniwala na nasa pangatlong taon na kami ng law. Parang isang malaking kalokohan ngunit ito talaga ang inaasam naming pangarap.

"Nangutang lang din." Napangisi ako, alam kong hindi yan utang. Katulad ko'y nagsinungaling lang din siya. Killian nga naman, kilalang-kilala ko na ang galawan.

Alam kong hindi maganda na kinuha ko pa ang natitirang pera na dapat ay kay papa, pero dadating din ang panahon makakabawi ako't magiging isang ganap at totoong abogado. Konting tiis na lang makakagraduate din ako.

"Nga pala, lilipat na ko sa Taguig next semester." Kakatapos lang namin magbayad at lahat ay biglang sumeryoso ang ihip ng hangin dahil sa balita ni Killian habang pauwi na kami.

"Ano? Saan ka naman pupunta? Eh wala ka nga pangbayad sa tricycle kanina." Pabiro niya akong siniko.

"Kumuha ako ng scholarship sa St. Alexandria, tsaka kapos na kami sa pera pre baka wala na kami makain pag dito pa din ako nagaral." Napasinghap ako sa sinabi ni Killian, mahirap nga ang buhay para saamin dahil wala kaming pagasang umangat, patuloy lang kami umaasa sa perang hindi naman namin pinaghirapan. Ramdam ko din na masakit nga talaga sa bulsa ang eskuwelahan na 'to sa Antipolo pero kasi wala na akong ibang choice, law ang pinapasukan ko.

"Wag ka nga malungkot bibistahin kita."

"Kadiri wag na." Sagot ko kaya napatawa siya.

"Umuwi ka na nga. Eto bente oh." Inangat niya mula sa bulsa niya ang bente kaya agad ko iyon inagaw sakaniya.

"Hoy tanga! Joke lang yon!" Tumakbo na ako palayo sakaniya habang tinatawanan ko siya.

"Gago ka ibalik mo bente ko!" Hindi ko na siya pinansin at pinakyuhan ko pa siya. Sympre hindi naman ako masamang tao ibabalik ko 'to singkwenta na.

——

Lumipas ang ilang buwan at lumipat na si Killian sa St. Alexandria na sinasabi niya. Sa mga nakalipas na araw ay ang daming nangyari saakin, alam kong masaya na si Killian sa mga bago niyang kaibigan at buhay. Nakakainggit dahil nandito pa din ako, hindi na ako nakalaya sa posisyon ko na 'to. Dumating ang kinakatakutan ko at pumanaw na ang papa ko, tapos napalayas kami sa apartment na tintirahan namin.

"Kuya...wala pa ba tayo matitirahan?" Nagbabadya na ang luha ko habang nakikitawag sa tindahan upang tawagan si Vince para makatira muna sakaniya ng pansamantala.

Forever Ends HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon