XII: Fool's Lawyer

86 5 2
                                    

CHAPTER TWELVE

I woke up not feeling good about myself today at minsan lang ito mangyari kaya wala akong niisang tao na kinakausap ngayon, it's just exhausting at minsan naman ay parang nagsasayang lang ako ng laway sa mga taong 'to.

Kahit si Cal na kanina pa ako kinakausap at kinukulit ay hindi ko kinikibo dahil mas lalo lang ako naiirita sakaniya kapag naalala ko ang nangyari kagabi, si Kenny naman ay pinasa ko na sakaniya kaninang umaga para wala na mangbwibwisit ng araw ko. Sana naman ay maging maayos ang takbo ng lahat at walang malas akong malanghap ngayon.

Nasa loob na kaming dalawa ngayon ng room ngunit ngayon ay punong puno dito ng mga kakaibang damit at mga mannequin, it kinda reminds me of wicked, halos parehas lang din ang mga empleyado ko at estudyante. Sa una pa ay nagkakagulo sila dahil hindi magkaintindihan kung sino ang nakaassign sa mga kaniya-kaniyang gawain ngunit isang sigaw ko kang sakanila ay tumahimik na din sila.

"Parang may mali." Nakaupo kaming dalawa ni Cal sa gitna ng room habang nagpapaypay ako at tinitignan ang mga estudyante ko tapos biglang kinalabit niya ako.

Wala akong ganang humarap sakaniya. "Oo, mali na kinausap mo ko."

"Kanina ka pa wala sa mood." Hindi ko alam kung anong mood yung tinutukoy niya, iyong sisigawan at ipapahiya ko siya sa madaming tao? Kasi sa pagkakaalam ko ay yun lang ang mood na meron ako.

Pinili ko na lang itikom ang bibig ko, kagabi kasi ay napagtanto ko na parang paulit-ulit na lang akong nagagalit at napipikon sa lahat ng bagay. Saan nga ba nagumpisa ang lahat? Saan pa nga ba. I've never been happy ever since, tch. Bakit ba ang lalim ng iniisip ko lately? Kailangan itatak ko sa utak ko na masaya ako ngayon, I literally owned a whole company. Right. I am happy.

"Miss Chelsea! Tama ba 'to?" Lumapit saakin si Daniesha habang bitbit nila ni Jasio ang isang malaking gown na inspired sa kulay ng Pilipinas dahil ang napili kong theme sakanila ang cultural history ng bansa. I think it'll catch the attention of that nerdy teacher Trish.

Inikot niya ang gown at napasimangot ako nang makita ko na may malaking mali kaya kumuha ako ng gunting at ginupit ang likod kung saan nakikita ang threads and glue, para akong nagkagoosebumps sa nakikita ko. "First thing na matutunan niyo is laging itatago ang loose threads." Kitang kita ko ang gulat sa mga mata nila nung ginupit ko, it's for their own good! Kesa naman mapahiya sila on the day at pagtawanan lang ng isang nerdy na teacher.

"Okay po!"

"Ang sakit sa mata, naiiyak ako." Pumeke ng iyak si Jasio at humawak sakaniyang dibdib na para bang nasaktan sa ginawa ko.

"Shh! Ulitin na lang natin!" Hinila na siya ni Daniesha sa buhok at pinagpatuloy ang palpak na gawa nila.

"Pinaghirapan nila iyun di naman halata yung threads." Sabi ni Cal at nanonood pala siya sa ginawa ko kanina.

"Wag ka na nga lang magsalita at nasisira ang araw ko sayo. Tsaka may uutos ako sayo." Bigla nagbago ang expresyon niya na kanina ay bagot na, binigyan niya ako ng malawak na ngiti. Kung bored siya ngayon, mas lalo na ako! Para kong pinapanood ang mga paghihirap ko dati sa eskuwelahan na 'to na ayaw ko ng balikan.

"Kunin mo yung cellphone ko sa office, andun sila Jonathan itanong mo na lang sakaniya." Napansin ko na parang napangisi pa siya sa utos ko ngunit binaliwala ko na lang ang weirdo na iyon.

"Sige Miss Chelsea! Dyan ka lang." At saan naman ako pupunta? Kung pwede nga lang tumakas dito ginawa ko na. Dali dali siyang kumaripas ng takbo palabas na parang may hinahabol, baliw nga talaga siya.

Nagpatuloy na lang ako sa pagpaypay ng aking sarili dahil wala naman akong ibang magawa kundi panoodin ang mga estudyante itong napipilitang tapusin ang kanilang mga nakaassign na gawain.

Forever Ends HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon