XXI: Hurt Me

66 6 0
                                    

CHAPTER TWENTY ONE

It's hard to keep something and deny anticipation for someone. Maybe I was just thrilled, iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko habang papunta kami sa bahay ni Red. I admired Cal pero hanggang duon na lang, it's normal right? Kasi sa buong buhay ko I never bond anyone like him with no lies and betrayal na tinatago. Paghanga nga lang siguro.

Sinasabi ni Joy at Vince na in denial si Cal, pero bakit ako yata iyon?

"Psst Chels. Baka gusto mong bumaba!" Nagitla ako nang nasa labas ng bintana si Cal at kanina pa pala kumakatok. Grabe? Nacarried away ako ng sobra sa mga naiisip ko, nakakabother kasi iyong nararamdaman ko knowing na kasama ko din siya ngayon. It's really weird.

Napahinga ako ng malalim tsaka bumaba. "Ito na, teka lang." I said tsaka lumingon sa sarili kong repleksyon sa labas ng bintana ng aking kotse. Paano ba naman ay andami namin nadaanan, inutusan ko pa siyang mag-stop over kami saglit dahil sobrang nagugutom ako kaya ngayon buhaghag na ang buhok ko, buti na lang may mapanali ako saaking kamay.

Nasilayan kong nakatitig si Cal sa repleksyon ng salamin kung saan ako nagtatali ng buhok, nagtama pa kami ng tingin.

"Stop staring Cal."

Napangisi siya. "Bakit? May epekto ba kung titignan kita?"

"Wala."

"Edi pwede kita matitigan ng mas matagal?" Tinulak ko siya ng bahagya dahil alam kong mangaasar na naman siya.

"Itigil mo nga yan, puro ka kalokohan." I said tsaka nagumpisa nang maglakad patungo sa maingay at magulong bahay ni Red kung saan nagaganap ang party.

"Di naman ako nagloloko." Nanlaki ang mga mata kong nang maramdaman ko ang kaniyang kamay na humawak sa bewang ko, his hand moved swiftly at halos himatayin ako sa ginawa niya, potek naman wala manlang pasabi?!

"Gusto mo yun diba?"

"Ang alin?" Buti ay nagawa ko pang makapagsalita.

"Iba ngiti mo pag hinahawakan ka sa bewang." Siniko ko siya.

"Ba't naman ako ngingiti ha? It's normal." Pagsisinungaling ko. Shit. Bakit ba bigla na lang siya nagiging ganito? Nakakahalata na ba siya? I should do the opposite at itago ang pakiramdam na dumadaloy sa sistema ko ngayon.

"Sige sabi mo. Narinig ko pala na by partner ang party ni Sir Red." He said. Tama nga siya, all of my employees are talking about this night party in one whole week at ang iba pa ay sinurpresa ang mga jowa nila para makasama at makapartner nila dito ngayon. Hindi naman big deal iyon saakin dahil halos taon-taon naman akong walang kasama tuwing ginagawa ni Red ang okasyon na 'to, it's kind of a thing now para na din sa mga empleyado namin and friends.

"Yeah. And so what?" Tanong ko nang makapasok kami sa loob ng malaking bahay ni Red, modern ang bahay niya medyo maliit pa nga sa loob ngunit maluwag sa likuran kung nasaan lahat ng tao ngayon, all of my employees are here may nakikilala din akong mga naging nakasama namin dati sa Berlin tapos yung iba ay kaibigan na siguro ni Red.

"Pwede ba kita maging partner ngayon Chelsea?" Malakas ang tugtog sa buong paligid ngunit nagawa kong marinig ang tanong ni Cal.

Napalunok ako. "W-Why? Itatanong mo saakin kung kelan nandito na tayo?" At nautal pa ako, napahalakhak siya sa sinabi ko. "Tsaka boss mo ko noh." Dagdag ko pa.

"Pero hindi ngayong gabi."

"It's a no." Diretso kong sagot at napangisi siya.

"Expected naman." Seryoso niyang tugon tapos binitawan na ang bewang ko. I kinda regret what I said, pero hindi ko dapat ipamukha sakaniya ang nararamdaman ko for him. I can't let him know that his simple acts can make me insane kaya dapat ilimita ko na ang sarili ko kay Cal.

Forever Ends HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon