XX: Infatuation

65 5 0
                                    

CHAPTER TWENTY

I woke up and I no longer had his hand on mine

Napatayo agad ako nang mapagtanto ang ginawa ko kagabi, was it a dream? Shit. Nakakahiya. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong hiya ulit, ba't ko ginawa iyon? Napasampal ako sa noo ko dahil gumugulo sa utak ko na baka kung ano na lang ang isipin niya. Wala na si Cal dito sa sahig natagpuan ko lang ang aking kamay na nasa bandang unan—kung saan ko hinawakan ang mainit at malambot niyang kamay. Just the thought of our interlocked hands ay halos sumabog ako dahil sa init na nararamdaman ko saaking mukha.

Pinatanong ko ang aking mukha sa unan dahil ayoko magpakita sakaniya. I approached his hand, at ako ang unang gumalaw. I'm not a body language expert neither is him, ngunit sa paginterwised ko pa lang sa aming mga daliri ay kitang kita na kung ano ang ibig sabihin nun. Why do I felt safety? Why do I feel like I need more of his touch? Am I liking him? Tangina.

"Chelsea?" Napatayo ako ng mabalis at kamuntikan pa ako mauntog sa pader nang marinig ko siyang pumasok.

"Gusto mo ba kumain dito o mamaya na?" Napaiwas ako ng tingin sakaniya dahil sa mga titig niyang at halos naman manggatog ang tuhod ko kahit nakaupo ako. Posible pala yon?

Napalunok ako. "Hindi na." Dali-dali kong inayos ang sarili ko at pinatong ko na lang ang aking blazer sa shirt na suot ko na bigay ni Joy. Siguro ay papadalhan ko na lang siya ng mga damit dahil hindi ko na masusuli ang isang 'to, takang-taka si Cal sa kinikilos ko dahil ang bilis ko gumalaw. I just want to be far away from him pero kagabi lang ay halos ipagsiksikan ko ang sarili ko sakaniya. Ugh! Chelsea ano bang nangyayari sayo?! Akmang pupulutin ko ang mga sapatos ko nang hawakan niya ako sa braso. I looked up and his eyebrows arched.

"Kalma ka lang, akin na tutulungan na kita." He's confused pero mas nagtataka ako dahil wala manlang siyang reaksyon sa nangyari kagabi, naiinis ako na binaliwala niya lang iyon pero ayoko din namana na maalala niya. Potek? Ang gulo ko!

"Ako na." I said at sinuot agad ang sapatos ko.

Nakatingin lang siya saakin nauna na ako lumabas sa kwarto, I just realized na paangat pa lang ang araw dahil wala pang liwanag at medyo madilim pa ang paligid tapos hindi pa yata gising ang mama niya tsaka si Joy. Buti naman dahil pakiramdam ko'y nakita nila ang panghahalay na ginawa ko sakanilang kapamilya na si Cal kahit hindi naman! Ano ba yan napipikon na ako sa mga naiisip ko.

"Para kang may ginawang masama dyan, tulala ka na naman." Nagitla ako dahil sa biglang pagsulpot ni Cal saaking tabi.

"Bakit? Meron ba?" I asked.

Napailing siya agad. "Wala." He simply said then naglakad na palabas ng bahay kaya sumunod na lang din ako.

Tahimik lang naming tinahak ang masikip na daan mabuti wala pa masyadong tao, siguro ay ala-singko pa lang ng umaga. Napayakap ako sa aking sarili dahil din sa lamig, nang makarating kami sa kotse ay agad ko iyon binuksan at pumasok sa loob tsaka hindi na siya inintay na pagbuksan ako o kung ano na naman ang posible niyang gawin na magbibigay ng awkwardness sa buomg atmosphere.

"Gusto mo pumunta sa Cloud 9? May masarap na kainan duon." Oh shit. Pag mas matagal ko siyang kasama ay baka ipaalala niya ang nangyari kagabi, hindi naman ako makatanggi sa di malaman na dahilan gusto kong lumayo sakaniya pero ayaw ko din naman siyang mawala sa paningin ko. Bwisit!

"Ikaw bahala." I just said at kunware nakatingin sa mga mabibilis na kotse sa daan.

"Okay. Edi tara, maganda duon.

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"Bakit wala kang pake?" And late ko na narealize na sobrang nakakapangsisi na sinabi ko pa iyon, naiinis kasi ako! Ano bang ginagawa niya? I'm a person who don't give a damn about anything or anyone at ganito pa lang ang pakiramdam na kapag ako na mismo ang nabaliwala, pero bakit ba ako nagagalit? Ano nga naman ang pake ni Cal?! Wala!

Forever Ends HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon