“Dito na lang, Son,” ani ko nang makarating na kami sa tapat ng Barangay Hall. Sa gilid kasi nito ang daan papasok sa bahay namin.
Itinigil na nga ni Eson ang sasakyan. “Gusto mo samahan kita papasok sa inyo?”
“Hindi na,” agad kong sagot. Nahihiya ako kasi nakatira lang kami sa squatter’s area. Alam ko namang mayaman to si Eson e. Baka mamaya niyan hindi pala siya komportable sa lugar namin.
“You sure?”
“Yes, Son. Okay na ako.” Nilapitan ko siya at niyakap. Pagkatapos ay ako na ang bumukas ng pinto ng kotse at lumabas.
Paglabas ko ay ibinaba niya pa ang bintana ng kotse niya at kinawayan ako. Ganun na rin ang ginawa ko pagkatapos ay humakbang na paalis pero laking gulat ko nang marinig ko ang pamilyar na boses ng isang babae.
“Sabiee!!!!!”
Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at tama nga ako sa iniisip. Si Mama nga ito.
“Kamusta ang araw ng maganda kong anak?”
Napasapo ako sa ulo matapos marinig ang sinabi ni Mama. Panigurado kasing narinig na din ni Eson ang tanong niya. Ibig sabihin nito, kailangan ko na silang ipakilala sa isa’t-isa.
“Oh! Sino ‘to?” At eto na nga. Napansin na nga niya si Eson sa loob ng kotse.
“Hi po,” Eson said then he immediately got off from his car.
Hays. Mukhang wala na akong choice kundi ipakilala nalang sila sa isa’t-isa. “Son, Mama ko nga pala, si Clara. Ma, si Eson po.”
Kita ko ang paglaki ng mga mata ni Mama dahil sa sinabi ko. Ano pa nga bang maaasahan ko? Paniguradong ang saya nito ngayon kasi nakita na niya ang “mayaman” kong “kaibigan”.
“Hi po,” Eson greeted again while smiling politely.
Ibinaba ni Mama ang tingin niya sa suot ni Eson.
Oo, Ma. Nakasuit and tie siya kaya tigilan mo na ‘yan.
“Ikaw pala si Eson?” Sa wakas ay nagsalita na din ito. “Palagi kang kinukwento ng anak ko sa ‘kin. Ako nga pala si Clara. Nice to meet you.” Ngayon ay nag-alok na siyang makipag-kamay kay Eson. Tinanggap naman ito agad ng huli.
“Hinatid mo si Sab? Salamat, hah?”
“Walang anuman po.”
“Gusto mong pumasok muna sa bahay?”
Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran ni Mama. Ang kulit talaga nito.
“Ma, may kailangan pa pong gawin si Eson. Hinatid niya lang talaga ako ngayon.”
Tama naman ang sinabi ko e. Tinanong ko siya kanina sabi niya may meeting pa daw siya 5:30.
“Ay ganon ba? Sayang naman.”
“Opo e. ‘Di bale, next time nalang.”
“Sige kung ganon,” sagot ni Mama.
“Son, may meeting ka pa, ‘di ba? Okay na ko dito.”
“Talaga? Sige, sorry talaga hah? Hindi ako magtatagal kasi importante talaga 'tong meeting ko.”
“Okay lang ‘yan,” sagot ni Mama. “Salamat ulit.”
“Okay po. Alis na ako,” paalam ni Eson pagkatapos ay sumakay na ulit ng kotse niya.
Nang sa loob na siya’y kumaway muna siya sa ‘min bago pinaandar ang kotse at umalis.
Bigla nalang tumili si Mama pagkatapos ay mahinang pinisil ang tagiliran ko. “Ikaw talagang bata ka. Ang galing mong maghanap ng lalaki. Ang gwapo non tsaka halatang mayaman.”

BINABASA MO ANG
Sana Pwede Pa
General FictionSana Series #1 Sabrina Manalo, a wayward college student who is in search for true love, was caught up with a man she knew right from the very start she would never end up with because of their differing situations. Genre: General Fiction Language:...