Kabanata 35

5 0 0
                                        

Naglalakad ako ngayon papuntang bahay namin na parang wala parin sa sarili.

Nasasaktan ako. Oo, nasasaktan ako. Nasasaktan akong malaman na sila na ngang dalawa. Umasa kasi ako. Umasa akong gusto niya ako hindi lang bilang kaibigan.

"Nak, musta ang klase?" bungad sa 'kin ni Mama pagpasok ko ng bahay.

Napatingin ako sa kaniya pero hindi ako sumagot.

Ilang segundo lang ang nakalipas ay nilapitan na niya ako at niyakap.

"Bakit? Ano'ng problema?" banayad niyang tanong habang mahigpit padin akong niyayakap.

Wala naman akong sinabi sa kaniya pero nakuha niya agad na may problema ako. Siguro halatang-halata naman dahil sa nakabusangot kong mukha.

"Wala, Ma," pagsisinungaling ko. Ayoko kasing mag-alala na naman siya.

"'Yong totoo?" Sa tono ng boses niya halatang hindi siya naniniwala sa 'kin. "Sige na, nak. Makikinig si Mama."

Sa dami na ata ng luhang naiyak ko, ngayon parang wala ng gustong lumabas galing sa mga mata ko kahit gusto ko na namang umiyak.

I sighed when I finally decided to tell her what my problem is right now.

Kumawala ako sa yakap niya pagkatapos ay hinawakan ang kamay niya at marahan siyang hinila papuntang sofa.

Nang makaupo kami'y tiningnan niya ako na parang naghihintay ng gusto kong sabihin.

"Ewan ko, Ma," I started speaking. "Hindi ko alam ba't nasasaktan ako ngayon. I mean... alam ko namang nasasaktan ako kasi nga sina Dominic at Xyrine na pero hindi ko alam ang eksaktong rason bakit nasasaktan ako."

"Hindi mo alam o sadyang ayaw mo lang aminin na 'yan ang dahilan ba't nasasaktan ka ngayon?"

Parang kidlat na tumama sa 'kin ang tanong niya.

Bakit? 'Yon ba talaga ang dahilan? Gusto ko ba talaga si Dominic? E kung gusto ko siya, ano ang nararamdaman ko dati para kay Eson?

"I'm sure that I like Eson," katwiran ko sa kaniya.

"You like him because that's what you're thinking. You like him because he's your ideal type. But like is different from love. You love a person with no particular reason. Wala, naramdaman mo nalang isang araw mahal mo na pala siya. Hindi mo alam kung ano ang eksaktong rason o bakit siya kahit may mga bagay ka naman na hindi gusto sa kaniya, basta mahal mo lang siya. Baka nasanay ka lang kasi alam mo naman dati na andiyan siya lagi para sa 'yo kaya hindi mo binigyang pansin ang nararamdaman mo. O baka naman dati palang talaga alam mo nang gusto mo siya kaya lang mas pinili mo'ng 'wag pansinin ang nararamdaman mo para sa kaniya?"

Nang marinig ko ang mahabang eksplenasyon niya, bumalik ang isipan ko sa mga nangyari sa 'min ni Dominic.

He's a transferee so he wanted to be friends with me. Ayoko kaya nangulit siya. No'ng huli, wala akong nagawa kasi mapilit siya kaya naging magkaibigan kami.

He's really a kind person. He knows his manners. Alam niya kung ano ba dapat ang gawin kapag may makita siyang matanda, alam niya kung ano'ng gawin para makuha ang tiwala ng mga bata, alam niya kung pa'no makipag-kaibigan.

Pero tama nga ata si Mama. Akala ko hanggang pagkakaibigan lang ang nararamdaman ko para sa kaniya. Tsaka aamin ko dumating talaga ako sa point dati na sinabi ko sa sarili kong dapat 'wag ko siyang magustuhan.

Natatakot kasi ako. Natatakot ako na matulad kami sa dati kong mga relasyon na hindi na kami naging magkaibigan ng mga ex ko pagkatapos naming magbreak.

Sana Pwede PaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon