Kabanata 6

13 2 0
                                        

"Hoy! Sino na naman ang ka-date mo kanina?!" Malakas na boses ni Mama ang bumungad sa 'kin pagpasok ko ng bahay.

"Ano'ng ka-date sinasabi mo diyan?" masungit kong tanong. Paniguradong kukulitin na naman ako nito e.

"Nagsisinungaling ka na ngayon sa 'kin?"

"E hindi naman kasi talaga ako nakipagdate, Ma. May pinuntahan lang kami ng kaibigan ko."

"Babae ba o lalaki 'yang kaibigan mo?"

Natigilan ako sa tanong niya. Nang makita niyang hindi agad ako nakasagot sa kaniya, nagpakawala siya ng isang nakakalokong ngiti.

"So hindi 'yan si Eson? May bago ka na? Naku, anak, hah. Two timer ka na ngayon?"

"Ewan ko sa 'yo." Inirapan ko nalang siya pagkatapos ay iniwan sa sala. Naglakad na ako papuntang kwarto ko.

"Siguraduhin mo lang hindi ka mabibisto ni Eson, hah?! Sayang siya, anak! Ang yaman pa naman!" sigawan ni Mama bago ako tuluyang makapasok ng kwarto.

Padabog akong umupo sa kama. Minsan nakakabadtrip nadin kasi pagkapakialamera ni Mama e.

Ilang minuto din akong sinumpong ng inis ko pero nawala ito nang tumunog ang telepono ko at nakitang si Eson ang tumatawag.

Hindi na ko nag-aksaya ng ilang segundo. Mabilis ko itong sinagot.

"Hello, Son?" Halos mapunit na bibig ko sa kakangiti ng pagkalapad-lapad.

"Hi, Sab. Kamusta?"

Shet. I feel like I'm going to giggle like a high school girl after hearing his hot baritone voice.

"O-okay lang naman. Kakagaling ko lang from school. Ikaw ba?"

"Nandito pa ko sa office ko. Overtime na naman. Nakakapagod na nga e. I called you to recharge for a bit."

Dahil sa sinabi niya ay napakagat nalang ako ng hintuturo ko para mapigilan ko ang pagtili.

"Just rest for a bit. 'Wag abusuhin ang utak at katawan, Son. Kung pagod ka na pahinga muna. O 'di kaya balikan mo nalang 'yang trabaho mo bukas."

"I wish I could, but tomorrow is the deadline of this presentation."

"Oh is that so? Then just rest for few minutes. 'Wag mo din kalimutang magdinner, hah? It's better to work your mind when your stomach is full."

I heard him giggle on the other line. "You know what, you don't sound like a college student. Parang kaedad lang kita kung magbigay ka ng payo."

"Was that a compliment or nah?"

"T'was a compliment, Sab. Thank you for your advice, by the way."

"Sure. Gusto ko lang na maayos ang kalagayan mo."

"Same with me. I also want you to be fine so c'mon. Tell me about your school. May nangyari ba kanina? May quiz ba kayo? Recit? Activity?"

"Haha. None po. Our classes were all discussions."

"The usual day?"

When I heard the word "usual", hindi agad ako nakasagot. Alam ko kasing hindi lang "usual" 'tong araw na to e.

I was able to know Dominic's family problems. In return, nalaman niya din ang problema ko sa Tatay ko na hindi ko naman pinagsasasabi kung kani-kanino lang. Maski si Eson nga hindi pa alam e.

"Sab?"

I was brought back to reality when Eson called my name again.

"H-hah? Ah... Yeah. Today's just a usual day. School lang ako tas uwi."

Sana Pwede PaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon