Because I was physically and mentally exhausted yesterday, I wasn't able to wake up on time today. My class is 8:30 AM but here I am now, walking myself to our classroom when in fact it's already 9:05 AM.
Class ko ngayon sa striktong teacher namin pero bahala na. Sana lang talaga hindi niya ako mapansin mamaya habang pumapasok ako sa classroom.
Few minutes of walking and I finally arrived at my destination. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok.
Nang makapasok ay kita kong nakatalikod ang Prof kaya naupo na ako agad sa bakanteng upuan sa likod. This is not my proper seat but it's better to sit here. Hindi makikita ng teacher na late ako at hindi din makikita ni Dominic na pumasok na ako. Napag-isip-isip ko kasi kagabing iwasan nalang muna sila ni Xyrine.
Ilang minuto ang nakalipas habang nagsasalita padin si Sir sa harap, nahagip ng peripheral vision ko na napatingin sa 'kin si Dominic. Sa likuran lang din naman kasi ang upuan niya.
Tsk. Fine. Kanina ko pa siya binabantayan kung mapapansin ba niyang nandito na ako.
I noticed how he glanced at me for how many times but I decided to act as if I don't see him.
Nagkunwari akong nakikinig sa teacher hanggang nag-attendance na nga siya at natapos na ang klase.
Agad akong lumabas ng classroom at nagtungo papuntang likuran ng Quezon Hall pero nangyari na nga ang iniisip ko. Naisip ko kasi kagabing dalawa lang naman ang pwedeng mangyari ngayon-- kakausapin ako nina Xyrine at Dominic o iiwasan dahil nga sa nangyari kahapon.
"Sab!" I felt his hand on my right shoulder. "Sab, ayaw mong magpa-COOP?"
I shook my head and avoided his gaze. I also shrugged my shoulders for him to let go of me.
"Sab," rinig ko ang pag-aalala sa boses niya, "I'm... I'm really sorry for what happened yesterday."
Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa kaniya. "Why are you saying sorry? Wala ka namang kasalanan."
"Then I'm sorry in behalf of my sister."
I shook my head for the second time. "You shouldn't be the one asking sorry for her when in fact she herself is really not sorry for what she did."
Pagkatapos ay naglakad na ulit ako pero sinundan padin niya ako. "Sab, you'll avoid me because of what happened?"
"Dominic," I stopped again and looked at him, "everything's a mess now. Sinaktan ako ng kapatid mo, sinaktan ko din siya. Sa totoo lang, nahihiya ako sa 'yo kasi kaibigan kita pero sinabihan ko ng masasamang salita ang kapatid mo pero siya naman kasi ang nauna e. I tried so hard to suppress my anger but she's too much. I guess it's better if we'll just avoid each other."
This time, I walked fastly and finally, I noticed that he already stopped following me. Ganiyan nga Dom. Mas mabuting iwasan nalang natin ang isa't-isa.
Nagtungo ako sa shed sa likod ng Quezon Hall pagkatapos ay naupo dito. I got my phone from my bag and saw a message from someone.
Tsk. Dagdag pa sa problema ko 'tong isang 'to.
Eson:
Sab, I'm really sorry last night. I was so busy and I was so tired that I forgot to call you. I'm really sorry.Eson:
Babawi ako. I'll meet with you later. Pwede ka?Napahinga ako ng malalim dahil sa mensahe niya.
Siguro ito na nga ang oras na pinaka-kinakatakutan ko. Pinag-isipan ko 'to ng mabuti kagabi at buo na ang desisyon ko ngayon.
Nagtipa ako ng mensahe pabalik sa kaniya.
Me:
Sige. 4 PM sa JD malapit sa Inspiro. If you really wanna talk to me you will leave your office early. Shift ko na kasi by 5 PM sa call center.
BINABASA MO ANG
Sana Pwede Pa
General FictionSana Series #1 Sabrina Manalo, a wayward college student who is in search for true love, was caught up with a man she knew right from the very start she would never end up with because of their differing situations. Genre: General Fiction Language:...