Kabanata 29

4 0 0
                                        

"Shame on you, Sabrina! You bitch!" Nanggagalaiting boses ni Jennifer ang narinig ko matapos kung maramdaman ang sakit ng napakalakas na sampal sa mukha ko.

For a moment, I was clueless. Pakiramdam ko'y tumigil sa pagproseso ang utak ko at tumigil sa pag-ikot ang mundo.

Nang makabawi'y napagdesisyonan kong harapin ang pinanggalingan ng boses pero bago ko paman siya makaharap, nakita ko ang gulat na mukha ni Eson.

The moment I saw Eson's face, my heart hammered even stronger. A hunch creeped deep in myself.

I nervously face the person who slapped me and yelled at me and what I saw brought a magnitude earthquake within me.

I am seeing Jennifer with eyes full of hatred. Sa likod niya ay si Dominic na animo'y maiiyak sa nakita.

"How dare you, Sabrina! How dare you ruin our family!"

After hearing Jennifer's words once again, a tear fell from my eye.

Am I getting this right? She's saying I ruined their family. Does that mean the guy I am deeply in love with is their father? Then that makes me a mistress of their Dad?

"J-jen..." I am trying so hard to utter words but I can't 'cause it feels like my brain can't function well.

"How dare you play with us? You manipulated us with your dirty game! Napakawalang-hiya mo!" Every words coming from Jennifer felt like a stab in my heart.

"J-jen, w-what... are you t-talking about? I-I... I don't k-know." Hindi ko na alam kung ano ang mga salitang lumalabas sa bibig ko. Nabalot na ako ng kaba sa buong katawan.

"You didn't know?" She grabbed my hair and pushed me. Ramdam ko ang sakit ng sabunot niya pero wala na akong pakialam. Gusto ko lang maliwanagan sa lahat ng nangyayari ngayon.

"Hindi mo alam? Hindi mo alam na 'tong lalaking kasama mo may asawa't anak na? Hindi mo alam na 'tong lalaking 'to tatay ng mga kaibigan mo?"

When I confirmed that what I think was right, I felt like I was hit by a big truck the nth time.

Just what the fuck?

Si Eson? Si Eson na taong mahal ko? Tatay nila Dominic at Jennifer? Siya ang taong tinutukoy ni Dominic na kinamumuhian niya? 'Yong taong parang walang pakialam sa kanila?

"Jen, this was all a misunderstanding." Nakita kong akmang lalapit si Eson sa 'min para siguro awatin si Jennifer pero hindi na niya nagawa nang suntukin siya ni Dominic sa mismong mukha nito.

Narinig ko ulit ang sigawan ng mga tao dito sa loob ng restaurant pero wala na akong pakialam. Ang tanging gusto ko lamang ay ang maayos ang gulong 'to.

"Hindi ka na nahiya, Jefferson!" malakas na bulyaw ni Dominic kay Eson.

Isang luha na naman ang pumakawala galing sa mata ko nang marinig ang pangalang Jefferson.

Nakita ko na dati ang pangalang Jefferson sa invitation ng birthday ni Johanna pero hindi ko alam na ang tatay niya at ang Jefferson na nakikita ko, pareho. Wala talaga akong ideya na magkakaganito.

"Dominic, not here please. Let's talk in private."

"And why?" Si Jennifer naman ngayon ang nagsalita. "Ayaw mong malaman ng lahat dito na nahuli ng mga anak niya ang tatay nila na nakikipagkita sa babae nito? Bakit? Nahihiya ka? O baka ayaw mo lang ipahiya sa maraming tao 'tong babae mo?" Ngayon ay ibinalik naman ni Jennifer ang tingin niya sa 'kin. "I thought we're already good, Sab. I treated you as a friend. I trusted you even though our past was not that good. Hindi ko akalaing magagawa mo 'to sa 'min ni Kuya Dominic para lang makapaghiganti ka sa 'kin."

Sana Pwede PaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon