Kabanata 10

13 0 0
                                        

It's already one in the afternoon when I finished fixing myself. Ngayon na kasi ang araw na nang-aya si Xyrine na mag-mall kami kasama si Dominic. Kaninang umaga nga'y ni-chat pa niya ako para iremind. Friends na kasi kami sa FB at mutuals nadin sa IG.

I looked at my reflection in the mirror for the last time. Black off-shoulders, black fitted jeans and white sneakers- ito lang ang suot ko ngayon. Naglagay nadin ako ng make up pero 'yong simple lang.

When I became satisfied with my look, I immediately grabbed my beige mini-shoulder bag where I put my wallet, phone and make up. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto.

"Ang ganda naman ng anak ko!" Ngiti agad ni Mama ang bumungad sa 'kin.

"Ma, maliit na bagay," pabiro kong sagot kaya mas lumapad pa ang ngiti niya.

"Kasama mo classmate mo tsaka 'yong kaibigan niya, 'di ba? Mag-iingat ka hah? Sabihin mo next time pasyal sila dito sa bahay."

Nasabi ko na kasi kay Mama na kasama ko sila Dominic at Xyrine mamaya. Nabigla pa nga siya no'ng una kasi akala niya wala akong kaibigan sa klase namin.

"Yes, Ma," sagot ko kahit wala naman akong balak na papuntahin sila dito. "Alis na po ako."

"Sige," aniya pagkatapos ay lumabas na nga ako ng bahay at naglakad papuntang labasan para makasakay na ng jeep.

Hindi naman ako nahirapan sa pagsakay kaya eksaktong 1:30 PM palang nasa Jaro Plaza na ako. Bumaba ako dito at sumakay uli ng jeep papuntang SM City.

Dahil hindi naman traffic, naging mabilis lang ang byahe kaya 1:50 PM palang nakarating na ako sa SM.

I got my phone from my shoulder bag and saw that Xyrine already messaged me.

Xyrine:
Sab, I'm here na. Nandito ako ngayon sa Coffeebreak. Si Seph daw papunta nadin dito.

Nagtipa nalang ako ng reply sa kaniya.

Me:
Punta na ako diyan.

Tinungo ko na nga ang Coffeebreak at dahil wala naman masyadong tao, nakita ko agad si Xyrine sa loob. She's wearing a peach dress paired with black sandals.

I can't deny the fact that she really is pretty. Maputi siya samantalang ako morena. 'Yon nga lang, mas matangkad ako kaysa sa kaniya.

Ilang sandali lang bago ako makapasok sa coffee shop, nakita din naman niya agad ako. I saw how her face lighted up when she saw me.

"Here, Sab!" she mouthed while smiling.

Nginitian ko din siya pagkatapos ay lumapit sa table kung sa'n siya naroroon.

"Ang aga mo," ani ko pagkatapos ay naupo na sa upuan.

"Kararating ko lang din naman. Si Seph padating nadin naman daw siya. Nakisabay nalang ata sa Daddy niya papunta dito. Malapit lang naman kasi office ni Tito dito."

I gave her a smile as a response. Kilalang-kilala na niya talaga si Dominic pati pamilya nito.

"Ano ba'ng business ng family ni Dominic?" tanong ko para kahit papano naman ay may mapag-usapan kami.

"Hindi mo alam? I thought you guys are friends? Hindi niya naikwento sa 'yo?"

May pumisik atang ugat sa sentido ko matapos marinig ang tanong niya. Hindi ko alam kung inosente lang ba talaga ang tanong niya o may iba pa siyang gustong sabihin.

"Hindi e," ang tanging naisagot ko.

"They have a clothing business. Daddy niya nagmamanage ngayon. Mommy niya kasi doctor."

Sana Pwede PaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon