Kabanata 40

7 0 0
                                    

Nakaharap ako ngayon sa salamin habang tinitingnan ang repleksiyon ko. Nag-ayos ako dahil maya-maya lang ay makakausap ko na ng personal ang taong kahit kailan hindi ko naisip na makakausap ko ng maayos.

"Ayos ka lang, nak?" tanong ni Mama nang nakita niya akong nakatunganga sa salamin.

I looked at her reflection to the mirror and smiled.

"Okay na ako, Ma." Pagkatapos ay hinarap ko siya. "Kailangan ko nang umalis kasi kapag ginabi ako mamaya traffic na naman pauwi."

Nginitian din ako ni Mama pagkatapos ay tinanguan. Kinuha ko na ang sling bag ko at nag-umpisa nang maglakad palabas ng bahay.

"Alis na ako, Ma," huli kong paalam pagkatapos ay kumaway nadin siya.

Naglakad uli ako papuntang labasan at saktong pagkarating ko don ay may humintong jeep kaya sumakay na ako.

Pupunta ako ng City. Don sa isang exclusive restaurant mamaya napagkasunduan naming mag-usap.

Madaming bagay ang iniisip ko habang nakasakay ako ng jeep. Magiging okay ba ang pag-uusap namin? Pakikinggan niya ba ang mga pakiusap ko sa kaniya? Wala bang magagalit kapag nagkita na naman kami?

Iniling ko nalang ang ulo ko at napagdesisyonang 'wag nang magproblema ng kung anu-ano. May tiwala naman ako sa kaniya e.

Nang makarating sa Mandurriao ay pumara na ako.

Dahil hindi pa ako nakapunta sa restaurant na sinabi niya, ilang minuto pa akong naghanap kung saan ito. Buti nalang may Google Map kaya sa wakas nakita ko nadin ang restaurant.

I looked at the façade of the resto. Halatang pangmayaman kasi halos nakaglass lahat ng pader at gold din ang kulay ng mga sulok.

Itinulak ko na ang pintuan at bumungad sa 'kin ang magandang interior ng restaurant. Hindi sila kita ng mga tao sa labas pero kita nila ang mga nangyayari sa labas. May mga malalaking chandelier din na nakasabit sa bubong.

Pangmayaman nga talaga ito kasi unti lang ang mga tao. 'Yong parang exclusive na exclusive place talaga.

"Good afternoon, Ma'am. What can I help you?" bungad sa 'kin ng isang waitress.

"It's okay," I answered while smiling. "I got it. We have a reservation in one of your rooms."

"Okay, Ma'am." The waitress smiled at me before leaving.

I like it that the waitresses and waiters are smiling. Though this place is exclusive, they are radiating the energy that everyone is welcome here.

Naglakad na ako at hinanap ang room kung saan kami dapat magkikita. Though may mga tables na sa labas, may mga rooms din kung saan pwedeng kumain at mag-usap, at mas mahal pa ito kaysa sa mga tables sa labas.

Pwede namang don nalang kami kumain sa labas pero alam kong naninigurado lang siyang walang kahit anong gulong mangyayari.

Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pinto. Nang tuluyan itong nabuksan ay napatingin ako sa loob at nakita siya.

Sabi ko na nga ba at mauuna ito sa 'kin. Napaka-punctual kasi nitong tao.

"Sab, upo ka," unang mga salita niya nang makita niya ako.

Nginitian ko nalang siya pagkatapos ay naupo na sa kabilang upuan.

"Kanina ka pa?"

"Hindi. Kararating ko lang din dito."

Lie. Alam kong kanina pa siya dito. Sabi ni Mama dati isa 'to sa mga positive attributes niya. Ayaw niyang late siya sa mga usapan. Hate na hate niya daw ang mga taong ganon.

Sana Pwede PaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon