"Oh here she is, the slut. Balita ko wala na sila ni Michael."
"Good for Mike. Duh. Sino ba'ng papayag na maging boyfriend ng isang kabit ng ex mayor."
"Akala ko nagayuma na talaga si Mike. Nagtagal din sila ng isang taon e."
"For sure she's offering herself so that Mike won't leave her."
I rolled my eyeballs upon hearing their gossips. Bitches! I'm sure they are saying their remark out loud for me to hear it and to be hurt eventually. Well sorry to say but I don't care.
Tsismisan nila ako hanggang gusto nila basta ako, walang pakialam. Magkakawrinkles lang ako kakaproblema sa kanila.
Taas-noo kong tinahak ang daan papuntang CAS building. Gusto ko kasing ipakita sa kanila na hindi naman ako nasasaktan sa mga pinagsasabi nila.
I walked the path like some sort of a top model-- heads up, stomach in and chest out.
Hanggang nakarating na nga ako ng CAS building kaya hinanap ko na sunod ang magiging classroom ko ngayong unang araw ng klase.
"QH 112?" Napadpad ako sa isang classroom na sirado ang pintuan. "I'm 15 minutes late already yet the classroom is still close?"
I shrugged the thought out of my head.
Ayokong mag-overthink. 1st day of class palang naman e.
Binuksan ko nalang ang pintuan ng classroom na walang iniisip na kung ano. Pero laking gulat ko nalang nang may mga estudyante na pala sa loob at ang mas nakakahiya pa, lahat sila nakatingin na sa 'kin. Napalakas ata pagkabukas ko.
"Ops. Sorry," ani ko sa kanila.
"Don't you know how to knock, Miss?"
Shocks! Mas nadagdagan pa ang kahihiyan ko nang makitang may professor na pala dito at mukhang nag-uumpisa na sila ng klase.
"I'm sorry, Sir. I thought there's no on-going class here."
"And what makes you think that?" tanong uli ng matandang professor sa 'kin. "You're from this class, right?"
"Yes, Sir."
"You're enrolled so I assume you have a copy of your RF. What's the time of our schedule here?"
"8:30-10." 'Yan nga. Pakabait ka lang, Sab. First day of school palang.
"Then what time is it now?"
Napatingin ako sa wrist watch ko pagkatapos ay sumagot, "8:48, Sir."
"Which means?"
"I am late."
The professor clapped his hands sarcastically. "Congratulations. You're late on your first day. Should I give you a reward?"
"I am really sorry, Sir. I assure you that this thing will never happen again."
He slowly nodded his head. "You're lucky because this is our 1st day of school. Now stop interfering on our class and find your seat."
Tumango nalang din ako sa kaniya bilang sagot. Mabuti naman at ibinalik na niya ang tingin sa whiteboard.
Napatingin ako sa loob ng classroom para sana humanap ng bakanteng upuan pero bumungad agad sa 'kin ang mga mapanghusgang tingin ng mga kaklase ko.
Tss. Ano pa nga ba'ng maaasahan ko? Paniguradong kung anu-ano na namang mga masasamang bagay ang iniisip ng mga 'to sa 'kin.
Hindi ko nalang sila pinansin at nagsimula nang maglakad palapit sa nag-iisang bakanteng upuan sa likuran ng classroom.
Hindi ko na kinausap ang seatmate ko. Agad akong sumalampak sa upuan at nakinig sa discussion ng professor.
BINABASA MO ANG
Sana Pwede Pa
Fiksi UmumSana Series #1 Sabrina Manalo, a wayward college student who is in search for true love, was caught up with a man she knew right from the very start she would never end up with because of their differing situations. Genre: General Fiction Language:...