Malapad ang ngiti kong pumasok ng eskwelahan. Pa'no ba naman kasi, hindi parin maalis sa utak ko ang dinner namin ni Eson kahapon.
After we have our dinner, we went straight to the cinema to watch a movie. No'ng nilalamig ako, hinawakan niya ang kamay ko para kahit papano mainitan ako.
Gosh! Grabe ang kilig kong naramdaman kagabi. Kahit ngayon ramdam na ramdam ko parin ang hawak niya sa kamay ko.
"Hello, buddy," masaya kong bungad kay Dominic nang madatnan ko siyang nakaupo na sa loob ng classroom.
Tinanguan niya lang ako bilang tugon kaya agad namang kumunot ang noo ko.
Bakit parang may mali ata sa kaniya ngayon?
"You okay?" I asked again.
"I'm good, Sab," he answered but I was not convince by his answer. Nakasimangot siya e.
Hindi ko nalang siya kinulit. Baka kasi ayaw niyang magkwento. Lahat naman kasi tayo may mga bad days kaya hinayaan ko nalang.
My morning went typical. Class- dismissal- class- lunchbreak!
"Cafeteria na tayo!" Inakbayan ko pa siya para mahawa ng happy virus ko. Ramdam ko parin kasi na may mali sa kaniya. Hindi na niya ako kinukulit gaya dati. "Tara na?"
For the second time, he only gave me a nod. Hinayaan ko nalang at hinila na siya papuntang COOP.
"You sure you're really okay, Dom?" I asked him again 'cause I'm not comfortable with our silence.
Maingay sa paligid namin pero sa pagitan naming dalawa ang tahimik. Halos makalahati ko na pagkain ko pero siya nakakailang subo palang.
"I'm okay, Sab," sagot niya.
"But it seems that you're not. You're being quiet today."
Hindi uli siya sumagot.
"You know, you can tell me if something's bothering you. I'm willing to listen."
As soon as I said that, he stared directly to my eyes. I don't know if I'm right but I can really see sorrow in his eyes.
"Si Dad kasi," he finally admitted.
"You're Dad? Bakit? Ano'ng nangyari?"
"Alam mo bang gustong-gusto sana kitang samahan kahapon sa job-hunting mo?"
Napalunok ako matapos niyang sabihin ang salitang job-hunting. Hindi naman kasi ako natuloy kahapon. Kumain ako ng dinner kasama si Eson.
"But I didn't 'cause I chose them more than you," he continued. "Pamilya ko sila e. Masayang-masaya pa ako kahapon nang malaman na sa wakas lalabas nadin kami para magdinner. Ang tagal nadin kasi simula naging masaya kami sa hapag-kainan. Lagi na kasing nag-aaway sina Mommy't Daddy. Kahit ano'ng tago nila sa 'ming magkakapatid, nalaman padin namin. Ewan ko ba. Nagkakasawaan na siguro sila sa isa't-isa. Ayun, hindi kami sinipot ni Daddy kahapon. 'Yong walang kwenta na 'yon pinaasa lang kami. Okay lang sana kung ako lang e, pero sina Mommy at ang mga kapatid ko, they were excited. They were excited to see him."
I saw how his eyes became teary. Parang ilang segundo nalang iiyak na siya.
Hinayaan ko nalang muna siya. Hindi ako nagsalita o ano. Kailangan niya munang masabi ang gusto niyang sabihin para maging magaan ang damdamin niya.
"Hindi siya deserving maging tatay namin. Hindi siya deserving maging asawa ni Mommy." He smirked. "Nalaman kong pinakasalan niya lang pala si Mommy kasi nga nabuntis sa 'kin. But that's not a good reason for him to treat my mother this way, right? That's a shit reason! Kung alam naman pala niyang hindi siya magiging mabuting asawa, sana hindi nalang niya pinakasalan si Mommy. At kung alam niyang hindi siya magiging mabuting ama sa 'min, sana pinabayaan niya nalang kami kay Mommy."

BINABASA MO ANG
Sana Pwede Pa
Ficción GeneralSana Series #1 Sabrina Manalo, a wayward college student who is in search for true love, was caught up with a man she knew right from the very start she would never end up with because of their differing situations. Genre: General Fiction Language:...