Ilang araw din akong nagkulong lang sa bahay. Kahit anong sabi sa 'kin ni Mama na hindi dapat ako mahiya kasi wala namang sapat na ebidensya na Daddy nga talaga ni Dominic ang kasama ko sa picture, nahihiya at natatakot padin akong pumasok ng school.
Iniisip ko palang ang mga tinginan at mga masasakit na salitang ibabato sa 'kin ng mga estudyante mamaya sa school, dumadagundong na ang puso ko sa sobrang kaba.
Wala na sana akong balak pumasok sa school total isang buwan nalang din naman bakasyon na pero isang araw, bigla nalang akong sinabihan ni Mama na tumawag daw sa kaniya ang taga-Guidance Office ng school.
"Tumawag sa 'kin ang school mo kani-kanina lang. Kailangan daw nating pumunta ng school mo bukas. Kakausapin ka daw nila pati nadin ang pamilya ni Dominic."
Napasapo ako sa ulo ko matapos kong marinig ang sinabi niya. Takot na takot na nga akong makita o marinig ang sasabihin sa 'kin ng mga taga-school bukas tapos ngayon malalaman kong makakaharap ko pa ang pamilya nila Dominic? Baka tuluyan na akong patayin nila Jennifer at ng Mommy niya pagnakita nila ako bukas.
"Pupunta tayo don bukas para matapos na ang lahat. 'Wag kang kabahan, Sab, kasi sigurado ako ipapalabas ng pamilya ni Dominic bukas na hindi si Eson 'yong kasama mo. May imahe sila na kailangan ingatan kaya sigurado ako hindi na nila palalakihin ang gulo."
"Hindi mo kilala 'yong Clara, Ma. Napakama-pride 'yon tsaka hindi mabasa ang utak. Baka tuluyan na niyang kalimutan ang asawa niya at sabihin na totoo talaga ang mga pinagsasabi ng mga tao."
Nakita ko ang pag-aalala ni Mama dahil sa sinabi ko kaya unti-unti nading bumalik ang kaba ko na baka nga bukas na ang katapusan ko. Oras na sinabi ng Mommy ni Dominic na nagloko nga ang asawa niya, sirang-sira na kami pareho ni Eson. Masisira din sina Jennifer at Johanna pagtuluyan nang magkahiwalay ang mga magulang nila.
Unti-unti na ulit akong kinain ng kaba nang sabay kaming napatingin ni Mama sa phone ko dahil nag-ring ito. Nakita namin pareho ang pangalan ni Eson sa screen.
"Tumatawag pa 'yan sa 'yo?" agresibong tanong niya.
"Hindi! Hindi na. Ewan ko bakit tumatawag 'to ngayon."
"Sagutin mo at tanungin kung kamusta ba siya sa asawa niya, kung ilalaglag ba siya ng asawa niya o hindi. Pero siguraduhin mo lang Sab na huling tawag na 'yan."
Kinuha ko na ang phone ko sa ibabaw ng lamesa at sinagot ang tawag. "Hello?"
"Sab! Kailangan kitang makausap. Tinawagan ka din ng school?" Halatang nagmamadali siya basi sa pananalita niya.
"Oo. Pupunta din daw kayo bukas? Kasama mo si Clara?"
"Oo."
"Kamusta kayo? Galit ba siya sa 'yo? Anong naging reaksyon niya nong lumabas ang balita?"
"Siya kalmado pero ang nanay at tatay niya galit na galit sa 'kin. Pakiramdam ko mapapatay nila ako sa sobrang galit. Kaya nga napatawag ako sa 'yo."
"Bakit? Bakit ka napatawag? Pa'no pagnahuli ka na naman nila na tinatawagan ako? Gulo na naman 'to, Son. Ayoko na ng gulo."
"This would be the last time I'll call you or talk to you. Tumawag lang ako para bukas. We have finally decided."
Biglang nadagdagan ang kabang nararamdaman ko dahil sa sinabi niya. Napatingin ako kay Mama at tinanguan niya lang ako na parang nagsasabing dapat ko nang kausapin si Eson tungkol sa napag-usapan namin kani-kanina lang na dapat magsinungaling sila para hindi na mamantsahan ang imahe at reputasyon ng pamilya nila.
To my suprise, hindi ko na kailangan pang sabihin 'to sa kaniya dahil nag-umpisa na siyang magsalita tungkol dito.
"I just want to tell you that everything would be fine, Sab, as long as we'll obey what they want us to do. And the best we can do after this is to completely cut our ties with each other. Alam ko namang tapos nadin ang lahat sa 'tin kaya 'tong sinasabi ko para sa inyo ni Dominic. I guess it's better to just end things. I'm really sorry, Sab. Dahil sa nangyari kailangan mo pang layuan ang anak ko."

BINABASA MO ANG
Sana Pwede Pa
General FictionSana Series #1 Sabrina Manalo, a wayward college student who is in search for true love, was caught up with a man she knew right from the very start she would never end up with because of their differing situations. Genre: General Fiction Language:...