Kabanata 11

6 0 0
                                    

"Looks like naubos mo na tokens natin kakahulog diyan," ani Xyrine nang maabutan namin si Dominic na naglalaro padin ng claw machine.

"Hindi ko talaga 'to titigilan hangga't wala akong makuha."

Natawa nalang ako sa tinuran niya. Bigla ko kasing naalala no'ng naglaro din kami ng claw machine sa Rob Jaro. Inis na inis din siya non kasi wala siyang makuha sa claw machine.

"Dati naman palagi kang sinuswerte diyan, hah? Ngayon hindi na kaya tigilan mo na 'yan. Mauubos tokens natin sa 'yo e."

"Ang tagal niyo kasi bumalik. 'Yan tuloy, hindi ko na naman napigilang maglaro dito."

"Well... Nakausap ko lang naman ang boyfriend ni Sab kanina."

Agad akong napatingin kay Xyrine dahil sa sinabi niya. Si Dominic agad ding inalis ang atensyon sa claw machine pagkatapos ay napatingin din kay Xyrine.

What the fudge did just Xyrine said?

"Just kidding," she said then laughed so hard. "I can't with your expression, Sab." Hanggang ngayon ay natatawa padin siya.

Hindi ko talaga makuha ang babaing 'to. Minsan tunog sincere naman siya pero minsan parang may iba pang meaning ang mga sinasabi niya.

"But I really heard Sab a while ago talking to her boyfriend," she continued.

Inilipat ni Dominic ang tingin niya sa 'kin kaya agad umiling sa kaniya. "That's not my boyfriend."

"He's not yet your boyfriend." She even put emphasis to the word 'yet' while laughing.

Ugh! Can I grab this girl's hair?

"Fine, then. Believe what you wanna believe." Pakialam ko naman kasi sa iniisip niya, 'di ba?

Natawa nalang si Xyrine sa sinabi ko pagkatapos ay nanahimik na.

Mabuti naman at tumigil na siya dahil kung hindi, baka hindi ko din mapigilan ang sarili ko.

Maya-maya pa'y napagdesisyonan nalang namin na sa Dance Revo naman maglaro.

"Shocks. Why is this so difficult!" Xyrine exclaimed while she and Dom do the dance revo.

Napailing nalang ako sa kaniya.

Wala talang perpektong tao sa mundo. She's pretty and smart but she sucks at dancing. I'm not throwing shade though. I'm just stating a fact. Well... she's cute while struggling to dance.

Dominic, on the other side, I can tell that somehow he can dance. Nasasabayan niya ang beat e.

"Ayoko na!" sigaw ulit ni Xyrine nang makababa na sila ni Dom mula sa platform. She's breathing heavily right now which means she's really tired of dancing.

"As usual Xy, you're not good at physical stuff. Ang dali mong mapagod," natatawang wika ni Dom.

Pinandilatan lang siya ng babae.

"Ikaw, Sab? Magaling kang sumayaw?"

Napatingin ako kay Dominic dahil sa tanong niya pero hindi pa ako nakakasagot nang magsalita uli si Xyrine.

"Guys, I just need to take this phone call," she said while showing to us her phone. Daddy niya ata tumatawag.

Dominic and I both nodded kaya lumayo na muna siya at sinagot ang tawag.

"Anyways, ano na, Sab? You good at dancing?"

"Ako pa. Meron ba akong hindi kayang gawin?" I was just joking but I tried to sound proud.

"Hindi ako naniniwala," sulsol niya sa 'kin.

"Edi 'wag."

Dahil sa sagot ko ay binigyan niya ako ng mga nanunusok na tingin. Natawa tuloy ako habang tinitingnan siya.

Sana Pwede PaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon