"Sab."
Nang marinig ko ang boses niya ay halos lumabas na ang puso ko mula sa katawan ko dahil sa bilis ng pintig nito.
Ilang segundo din akong nataranta at hindi malaman ang dapat gawin pero sa huli ay nilakasan ko nalang ang loob ko at hinarap siya.
"Bakit ka nandito?" tanong ko habang matapang na tininingnan siya pabalik mata sa mata.
Hinanda ko na ang sarili ko para sa sagot niya pero laking gulat ko nang binigyan niya lang ako ng isang malapad na ngiti.
"Sagutin mo ako, Eson!" Halos manginig na ako sa inis dahil sa lalaking 'to samantalang siya pangiti-ngiti lang ang ginagawa.
"It's really you, Sab." I saw how his sparkled when he said that.
Shit! Ito na naman ako. Nanghihina na naman ako dahil kausap ko siya. Para kasing nakikita ko na namang masaya siyang nakikita ako ngayon.
"Eson, naman! Sagutin mo ako. Bakit ka nandito ngayon?" I forced myself to act strong eventhough I am going nuts right now because I am actually seeing him. Ilang buwan nadin kasi kaming hindi nagkikita.
"E ikaw?" tanong niya pabalik sa 'kin. "Bakit ka nandito? Sino 'yong kasama mong lalaki kanina?"
I froze the moment I heard his last question.
Alam kong nakita niya ako kaninang kasama si Dominic at ngayong nagtatanong na siya ay mas nakaramdam pa ako ng takot.
Pero teka lang, bakit ako natatakot? Ano naman ngayon kung nakita niya akong may kasamang ibang lalaki?
"Wala kang pakialam."
"Bakit?!" Napapisik ako nang taasan niya din ako ng boses. Nakita ko din ang paghilamos niya sa mukha senyales na naiinis nadin siya. "If only I saw his face clearly then I would recognize him and I will tell him immediately to get away from you!"
Sa pangalawang beses ay natigilan ulit ako dahil sa pagtaas ng boses niya.
Mabuti naman pala at hindi niya namukhaan si Dominic dahil baka hindi talaga makapagpigil ang isang 'to at magkandagulo-gulo dito. Mukhang galit talaga si Eson e. Sa totoo lang ay ngayon ko lang din siya nakitang ganito ka inis.
"Who's that guy? Is he the reason why you're here? Ano'ng pangalan niya? Baka kilala ko siya at--"
"At ano?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong sagutin siya. "Ano'ng sasabihin mo? Sasabihin mong layuan niya ako? Bakit naman? May karapatan ka bang palayuin siya sa 'kin? Ano'ng karapatan mo?"
Dahil sa sunod-sunod kong tanong ay siya naman ang natigilan at hindi makapagsalita.
Ilang segundo pa kaming nagsagutan gamit ang mga mata namin bago siya makapagsalita ng tuluyan. "Kinalimutan mo na ba talaga ako, Sab? Ganon nalang ba kadali sa 'yong kalimutan ako? Kasi ako Sab hanggang ngayon hindi padin kita nakakalimutan."
The moment I heard his last sentence, I feel like all my defenses crushed down again.
Pota naman, Sab! Bakit ganito ka? Bakit isang salita lang galing sa kaniya nakakalimutan mo na agad kung bakit mo siya nilayuan?
"Sab," he continued, "I really missed you. Months of not seeing you and months of you ignoring me brought so much pain to me."
Naglakad siya palapit sa 'kin pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko.
Nang maramdaman ko ang kamay niya sa 'kin ay pakiramdam ko hindi ko na mapigilan ang sarili kong hagkan siya.
I also missed him so much. Miss ko ng makausap siya. Miss ko na ang mga halik at dampi niya.
BINABASA MO ANG
Sana Pwede Pa
Fiction généraleSana Series #1 Sabrina Manalo, a wayward college student who is in search for true love, was caught up with a man she knew right from the very start she would never end up with because of their differing situations. Genre: General Fiction Language:...