Eson:
How are you? You haven't replied to my message this morning. Kahit nitong mga nakaraang araw minsan ka nalang din nagre-reply sa 'kin. Is there a problem?Umiling ako at ibinalik nalang sa shoulder bag ang cellphone ko matapos mabasa ang message niya.
Hanggang ngayon kasi binabagabag parin ako sa mga sinabi nina Xyrine at Dominic kaya paminsan-minsan nalang ako nagrereply sa kaniya. Tsaka may pupuntahan din ako ngayon kaya hindi ko muna siya makakausap.
"Sa'n nga kayo ulit, nak?"
Napatingin ako kay Mama dahil sa tanong niya. "Sa Salt Gastro Lounge lang, Ma. Malapit sa San Ag."
"Mahal diyan, 'di ba? Talaga nga namang yayamanin 'yang mga kaibigan mo. Gusto ko silang makita. Papuntahin mo naman dito minsan."
I let out a small smile and shook my head as a response. "Alam ko na 'yang mga style mo, Ma."
"Bakit?"
"Sige. Kunware 'di mo alam."
Basta kasi salitang mayaman ang bilis niya diyan e.
"Ganon na ba talaga ang tingin mo sa 'kin?" she asked me defensively as if she just heard what I thought.
"Bakit? Hindi ba?" tukso ko pa sa kaniya.
"Grabe ka talaga sa 'kin. Gusto ko lang talaga makita 'yang mga kaibigan mo. Ang babait kaya nila sa 'yo."
"Makikita at makikita mo din 'yan sila, Ma. Sa ngayon, alis na muna ako. Baka kasi traffic na naman at ma-late ako."
"Sige, mag-iingat ka." She smiled at me widely. "Pero infairness, lalo ka pang gumanda dahil diyan sa suot mo."
Napababa ang tingin ko sa suot kong light pink off-shoulder dress pagkatapos ay napangiti nadin. "Ma, ako pa. Hindi lang kaya maganda ang mukha nitong anak mo. Maganda din ang fashion sense."
"Syempre mana ka sa 'kin e."
Natawa nalang kami sa mga kalokohan namin.
"Sige na, Ma. Alis na ako."
"Mag-iingat ka, hah?"
I nodded at her then waived for the last time before going out of the house.
Naglakad na ako papuntang labasan pagkatapos ay pumara ng taxi.
Yep! Magta-taxi ako ngayon. Kahit papano may budget na e. Natanggap na kasi ako sa Inspiro bilang call center agent nitong Lunes lang. Medyo off timing nga kasi kailangan kong mag-aral para sa midterms pero nakaya naman.
Nang makapara na ako ng taxi, agad na akong sumakay dito.
"Sa'n tayo, Ma'am?" tanong ng driver.
"Salt Gastro Lounge lang po malapit sa San Ag."
Nakita kong tumango ang driver pagkatapos ay pinatakbo na niya ang taxi.
Everything went well not until we reached the street near the Capitol.
Grabe ang traffic!
Tiningnan ko ang wristwatch ko at nakitang 1:50 PM na. Siguradong male-late ako nito.
Minutes have passed and the traffic went worse. Pasado alas dos na pero hindi pa ako nakakaabot ng Downtown.
Akala ko okay lang kasi Filipino time naman na kapag 2 PM ang usapan, 3 PM na ang dating pero dito ako nagkamali. My phone vibrated and when I checked it, it's a message from Xyrine.
Xyrine:
Padating ka na, Sab?Me:
Yeah, sorry if I'm late. Huhu. Traffic kasi.
BINABASA MO ANG
Sana Pwede Pa
Fiksi UmumSana Series #1 Sabrina Manalo, a wayward college student who is in search for true love, was caught up with a man she knew right from the very start she would never end up with because of their differing situations. Genre: General Fiction Language:...