Kabanata 31

0 0 0
                                    

It seems true when they said we cannot feel the presence of Christmas as much as before. Dati-rati kasi, September palang nagpapatugtog na sila ng mga Christmas songs at naglalagay ng mga Christmas decoration kung saan-saan.

Ngayon, nag-December nalang hindi ko parin naramdaman ang presensya ng pasko. O 'di kaya dahil marami lang akong pinoproblema sa buhay?

But today's an exception though. Lunes na kasi at sa Byernes pasko na kaya naririnig ko nadin kung saan-saan ang mga Christmas songs at kitang-kita ko nadin sa daan ang mga parol na nakasabit sa street lights.

It is supposed to be a good day to have a walk but then here I am now, might experience convulsion due to extreme nervousness. Malapit na kasi ako sa gate ng village nila Dominic.

Yeah, I will now personally talk to Dominic. I'll explain my side to him. I need to save our friendship.

"Ma'am, sa'n po tayo?" tanong agad sa 'kin ng guard nang makita niya ako sa labas ng gate. Sa tanong niya mukhang alam na niyang hindi talaga ako tagarito sa village na 'to.

"Sa Sandoval Residence po," sagot ko.

"Pangalan po ninyo? Check ko lang kung nandito kayo sa listahan ng mga confirmed na bisita."

Dahil sa sinabi niya ay mas nadagdagan pa ang kaba ko. Hindi naman kasi alam nina Dominic na pupunta ako sa bahay nila ngayon. Pa'no makikita sa visitors' list ang pangalan ko?

Hays. Ganito pala talaga ka-strikto dito sa village nila.

"Hindi po kasi nila alam na bibisita ako ngayon."

"Ay sorry po, Ma'am. Hindi kasi kami pwedeng magpapasok kung hindi confirmed ng nakatira dito 'yung bisita. Tawagan po nalang natin sila, gusto niyo?"

"Ay 'wag po!" I panic after hearing what the guard suggested. It's for sure that they will curse the hell out of me the moment they hear my name.

"Pa'no na po 'yan, Ma'am? Hindi kasi talaga ako pwedeng magpapasok 'pag wala sa visitor list."

"Kaibigan naman po kasi ako nang panganay ng mga Sandoval. Tsaka no'ng nagbirthday po 'yong bunso nila nakapunta nadin naman ako sa bahay nila."

"Sorry talaga, Ma'am. Kailangan po kasi ng confirmation nila bago magpapasok ng bisita.

Pakiramdam ko iiyak na naman ako dahil sa sinabi ng guard. Gustung-gusto ko na kasi talagang makausap si Dominic. Inipon ko lahat ng tapang ko tapos ngayon malalaman kong hindi ko naman pala siya makakausap?

I breathed for a while then talked with the guard again. Baka kahit papano'y mapilit ko pa siya.

Nagtagal din ako ng ilang minuto sa tapat ng guard house kaso ayaw talaga akong papasukin ng guard.

Napaisip akong sumuko nalang sana nang marinig ko ang isang pamilyar na boses na tinawag ang pangalan ko.

"Sab?"

My heart raced even more when I heard his voice.

"Sab? Why are you here?"

Wala akong nagawa kundi mapatingin sa kaniya at tama nga akong si Eson na naman ang nandito.

"Ikaw?" tanong ko pabalik sa kaniya. "Bakit ka nandito? Mangungulit ka na naman ba? Akala ko ba okay na na–"

"I'm here to see my... my family."

For a while, I was speechless because of his answer.

Oo nga naman pala. Dito pala sila nakatira kaya may karapatan siyang pumunta dito.

"How about you? You're here to visit Dominic?"

Mas lalong hindi ako nakapagsalita nang malaman niyang nandito ako para kausapin ang anak niya.

Sana Pwede PaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon