Kabanata 25

9 0 0
                                        

Birds loudly tweeting, flowers swaying on the rhythm of the wind blowing, and the light of the sun that kisses my skin-- these are what I'm experiencing right now here at the Maiven Gardens.

Apat na araw na ang nakalipas simula ang birthday ni Johanna at ngayon, nandito ako sa Maiven Gardens para tuparin ang pangako ko kay Eson. I'm currently waiting for him while sitting at the picnic mat.

Mag-aalauna palang ng hapon pero hanggang 11:30 am lang naman ang klase namin kanina at siya naman aabsent sa trabaho kaya napagdesisyonan naming ngayon na magkikita.

In all honesty, I am very excited to see him. I am feeling again the butterflies wildly flying in my stomach. I can't even calm my heart from beating this fast.

I'm excited to see him. Yes, I do. I won't be ashamed with that anymore because I really do miss him.

Ilang minuto pa akong naghintay sa kaniya nang sa wakas ay dumating na nga ang lalaking pinakahihintay ko.

Walking towards me is a man wearing his suit-and-tie. It's because he just left work. His fit screams perfection!

"Sab, kanina ka pa? I'm sorry I'm late," agad niyang bungad sa 'kin.

"No, you're not. We're supposed to be meeting at 1:30. Napaaga lang talaga ako." I smiled and pat the space beside me.

Una'y nagtaka pa siya sa kung ano ang ibig kung sabihin pero sa huli'y nakuha niya naman ito.

He took off his suit, which is so hot of him, leaving him with his plain white polo. Then he awkwardly sit beside me. I guess he became not use to this because we haven't talk to each other for how many months now.

"Kamusta ka na?" tanong niya.

"Okay lang naman. Wala nadin naman kaming madaming gagawin kasi magki-Christmas break na. 'Yon nga lang, pagbalik namin after break midterms agad namin. Ikaw ba? Kamusta ka na?"

"B-busy padin sa trabaho. Kahit magki-Christmas na madami pading gagawin."

I can noticed that he's still stuttering. Maybe he's still nervous thinking that I'll go hard on him again?

"Ang ganda dito, no?" tanong ko ulit sa kaniya. Mas maganda sigurong ako nalang muna ang mauna sa pagkausap sa kaniya para kahit papano'y mawala ang kaba niya.

"Y-yeah."

Tumayo ako na nagpagulat sa kaniya pagkatapos ay nagsalita, "Bibili lang ako ng makakain natin. Mas magandang magmasid-masid dito habang may kinakain."

Akmang maglalakad na ako paalis nang magsalita ulit siya, "Sab, wait! Ako na. Ako na ang bibili ng pagkain natin."

"No, Son. Ako na." Pagkatapos ay hindi ko na hinintay ang sagot niya sa halip ay umalis na ako. Sinadya ko 'tong gawin para maayos niya ang sarili at tumigil na sa pagiging kabado.

May mini-store dito sa Maiven at dito ako bumili ng dalawang chicken sandwich, dalawang coke in can, at kung anu-ano pang tsitserya.

Sana sa pagbalik ko don ay maging okay na siya.

Nang mabayaran ko na lahat ng binili ko ay naglakad na nga ako pabalik sa pwesto namin.

I smiled at him from afar and I'm glad that he also smiled back. Nang makarating ako ay nilapag ko na sa picnic mat ang plastic na puno ng pagkain.

Naupo ulit ako sa tabi niya at inumpisahan nang kunin ang mga pagkain sa plastic pagkatapos ay ibinigay sa kaniya ang iba.

"Salamat," wika niya matapos tanggapin ang sandwich at coke.

Sana Pwede PaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon