Kabanata 38

4 0 0
                                        

"What did you do?"

Napakunot ang noo ko sa naging tanong niya.

Bakit siya nagtatanong sa 'kin kung ano ang ginawa ko? Ibig bang sabihin, hindi niya alam ang nangyari kagabi?

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"C'mon, Sab. Stop acting as if you don't know what I'm talking about. Alam natin parehong may ginawa ka. Kailan mo pa lulubayan si Dominic, hah? After what you did to his family, hindi ka pa ba nahihiyang kulitin siya?"

Right. Ano pa nga ba'ng maaasahan ko? Syempre alam nadin nitong si Xyrine ang issue ko sa pamilya ng boyfriend niya. Either Dominic or Jennifer told it to her.

"Please stop talking about that, Xy. Inayos ko na 'yan kaya kung pwede kalimutan nadin natin."

"Then stop doing things to my boyfriend! Dati no'ng may nagawa akong mali, ako din naman ang umiwas sa inyong dalawa. Now I guess it's your turn to do the same. Pabayaan mo na ang boyfriend ko."

Ilang segundo din akong natahimik bago tuluyang magsalita, "Don't worry. I'll stop. I'm sorry if I offended or angered you."

"That's a word, Sab. I hope you'll abide with that word of yours." Pagkatapos ay tuluyan na siyang umalis na hindi man lang nagpaalam sa 'kin.

Lumipas ang araw na sinimulan ko nang tuparin ang sinabi ko kay Xyrine. I stopped talking to Dominic. Well, in the first place hindi naman niya ako kinakausap kaya mas madali sa 'king tuparin ang sinabi ko kay Xyrine.

Minsan napapatingin padin ako sa kaniya pero pagnaalala ko ang usapan namin ni Xyrine, agad ko din namang inaalis ang tingin ko mula sa kaniya.

I admit it'll be hard for me to stop noticing him and to stop caring about him but I guess it's fine for now as long as I'll stop talking to him and I'll stop sending him messages.

Plano ko din next academic year na kausapin ang adviser namin para itranster ako ng section.

Alam kong pareho padin kami ng building kasi magka-course kami pero okay na 'to kaysa naman na magka-classroom kami at minsan seatmates pa.

The moment I thought about the word 'seatmates', biglang may naupo sa tabi ko na kumuha ng atensyon ko.

I don't know. Alam ko namang si James na palagi ang seatmate ko pero 'tong umupo ngayon sa tabi ko, parang hinihila ako na tingnan siya.

Nang mapatingin ako sa kaniya, bumungad sa 'kin ang lalaking dahilan kung bakit ako nagpaplanong mag-transfer ng section.

Damn this guy! Bakit siya nandito? Pa'no ko matutupad ang sinabi ko sa girlfriend niya kung ngayon ay tumabi na naman siya sa 'kin?

I looked at him frustratedly but then he just ignored me.

Tsk. Maybe he just wanted to return to his original seat here at the back but he doesn't have any intention to talk to me.

Mabuti nga 'yon. Wala siyang pakialam sa 'kin kaya madali lang sa 'king tuparin ang sinabi ko kay Xyrine.

Habang naghihintay sa teacher ay pareho lang kaming tahimik. Maya-maya pa'y inatake na ko ng awkwardness at ng hiya nang maalala ko ang nangyari no'ng isang gabi.

Shit! Kung pwede lang sumigaw dito kanina ko pa ginawa.

What I did was just so embarrassing! I confessed to him but he just rejected me.

Nakakahiya na nakakasakit.

Mabuti nalang ay dumating na ang teacher namin kaya kahit papano naibsan din ang awkwardness na nararamdaman ko dahil sa lalaking 'to.

Sana Pwede PaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon