Kabanata 28

6 0 0
                                    

We followed that girl's destination so here I am now with Jennifer, sitting inside a restaurant called Monique's Dish. This restaurant is already at Mandurriao.

Jennifer is busy covering her face with a menu book. Dito din kasi kami naupo malapit sa table no'ng secretary ng Daddy niya para marinig namin ang usapan nito kasama ang dalawa niya pang mga kaibigan.

Yep, she's with another two people. The other girl is also wearing formal clothes, sign that she also just got off from work. Their other companion is a guy who's wearing a plain black shirt and a maong jeans.

Magkatabi 'tong mga bagong taong nakita namin sa table. It looks like they are a couple.

"Ang tagal naman niya," malumanay na wika no'ng secretary ng Daddy ni Jennifer. Ang lapit kasi talaga namin sa kanila kaya rinig na rinig namin kung anuman ang mga pinag-uusapan nila.

"Relax, girl. He won't ditch you. Let's just wait for a little longer," ani no'ng kasama niyang babae.

Nabigla naman ako nang biglang lumapit si Jen sa 'kin tsaka bumulong, "O kita mo na? Si Daddy talaga ang hinihintay ng bruhang 'yan."

"Jen, hindi pa nga tayo sigurado e. 'Wag mo muna siyang i-judge."

Pero hindi siya nakinig sa 'kin sa halip ay tiningnan lang niya ulit ng masama ang babae.

Naghintay pa kami ng ilang minuto at sa ilang minutong paghihintay namin ay napa-order na si Jen. Nako-conscious daw kasi siya na umuupo lang kami dito pero wala namang in-order.

"Girl, um-order nalang muna kaya tayo?" ani ulit ng babaeng kaibigan no'ng secretary. "I'm sure padating nadin naman 'yon."

"Hindi naman siya nagre-reply sa mga text ko. Baka hindi na talaga 'yon pupunta dito." I can see how the girl is disappointed right now. Hindi ko naman siya masisisi. Kung ako sa lagay niya maiinis din ako. Big no talaga sa 'kin ang mga lalaking pinaghihintay ako.

Ilang sandali pa'y napa-order nadin silang tatlo at nagsimula nang kumain.

"I hope Dad won't come here. I wanna let that girl feel that she is not Dad's priority," wika ulit ni Jennifer.

"But how can you find out that she really is your Dad's mistress if he will not come here?"

"Oh, you're right so I'm gonna go for that now. I just really need to know if Dad really has a mistress."

Hindi na ako sumagot at naghintay nalang na dumating na nga ang taong hinihintay namin.

'Yon nga lang, mag-iisang oras na'y hindi padin dumadating ang tatay ni Jennifer o kung sinumang hinihintay ng kabilang table. My gosh! May duty pa ako!

Mukhang hindi lang naman kami ang naiinip ni Jennifer. Pati ang kabilang table ganon na din ang nararamdaman. 'Yong si Miss Secretary mukhang bad trip nadin.

"Sab, you're also tired of waiting, right? I'm really sorry. I know you still have a duty so I understand if you'll go now."

Hay salamat naman at siya na mismo ang nag-open ng topic na may duty ako. Baka kasi ma-late ako mamaya kapag hindi pa ako umalis dito. Kaya lang nag-aalala din naman ako sa isang 'to.

"Pero pa'no ka?"

"I can take care of myself, Sab."

Hindi agad ako nakasagot dahil hindi ko alam pa'no sabihing hindi ako naniniwala sa kaniya. Palaban din naman kasi 'tong babaeng 'to e. I can't expect that she will stay still after seeing her Dad with a girl.

"Sab, kaya ko na sarili ko. I know you have your job so I understand you. In fact, I'm really thankful 'cause you went with me here. Thank you, Sab." And then she gave me a small but sincere smile.

Sana Pwede PaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon