Kabanata 17

13 0 0
                                        

[Disclaimer: Hindi pa po ako nakakapunta ng Boracay kahit medyo malapit lang sa 'min kasi nga homebody po talaga ako. I'll try my best to do these Boracay scenes well kahit 'yong ibang detalye ay imagination ko lang. Thank you po!]

-----

"Sigurado ka kompleto na gamit mo diyan?" tanong sa 'kin ni Mama habang umiinom ng tubig.

"Oo, Ma. Na-check ko na 'to kagabi. Aalis na ako. Bumalik ka na muna sa pagtulog. Alas kwatro palang."

Yes, it is finally Friday and now's the day that we will go to Boracay. I've already asked permission from my boss that I'll have my leave just for tonight. May magco-cover naman ng shift ko kaya pinayagan niya ako.

"Sigurado ka okay na lahat?"

"Yes, Ma. I've texted both Dominic and Xyrine last night. Susunduin nila ako sa labasan."

"Mag-iingat ka don, hah? Gawin mo ang best mo para ikaw ang mapansin niyang Dominic na 'yan."

Tinaasan ko siya ng kilay dahil naloloka na naman ata 'tong nanay ko.

"Bakit? Malay ba natin ma-fall sa 'yo 'yong Dominic. Kahit hindi ko pa siya nakikita, sigurado akong mabait 'yong batang 'yon. Ang tagal mo na kayang hindi pinapansin 'yong si Eson na. Oras na para maghanap ka ng iba."

"Ma, pakiayos ng utak mo. 'Wag si Dominic please."

She grinned and afterwards teased me, "Uyyy. Protective kay Dominic."

I rolled my eyes at her then get a grip of my luggage. "Aalis na ako. Bumalik ka na don sa pagtulog mo."

"Okay, nak. Fighting! Para kay Dominic!"

Sa huling beses ay sinamaan ko ulit siya ng tingin. Tumawa lang siya pagkatapos ay nagmadaling bumalik sa kwarto niya.

I shook my head because of my mother's craziness. Pagkatapos ay binuksan ko na ang pintuan at dinala ang maleta ko palabas. Maliit lang naman na maleta ang dala ko kasi bukas ng hapon ay uuwi din naman agad kami. May shoulder bag din akong dala para sa phone ko at make up.

Sabi ni Dominic kahapon ay Honda daw na itim ang dadalhin niya.

Yep! Dominic will drive for us. Ang loko marunong palang magdrive pero mas piniling magjeep araw-araw papuntang school.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa pagkatapos ay tiningnan ang notification. Mensahe agad ni Xyrine ang bumungad sa 'kin.

Xyrine:
We comin, Sab!!!

She sent it 16 minutes ago kaya sigurado akong malapit na sila dito sa 'min.

Gaya nga ng iniisip ko, matapos ang ilang minuto ay may huminto ng itim na Honda sa harap ko.

I was smiling from ear to ear not until I saw the first person who got off from the car.

WTF?!

"Jen, bakit lumabas ka pa?"

Boses ni Dominic ang narinig ko.

"Hello, Sabrina," nakangising turan sa 'kin ni Jennifer. Kitang-kita ko siya ngayon dahil sa tapat lang kami ng street light.

I was still schocked after seeing her but I got devastated even more when I saw the second person who got off from the car.

"Sab, you ready?" tanong sa 'kin ni Xyrine nang huli siyang makalabas ng kotse.

The fudge? Why am I seeing four persons right now? Sila Xyrine at Dominic lang dapat ang nandidito ngayon, 'di ba?

"What's with that facial expression?" maarteng turan ni Jennifer. "Why does I feel like you don't want me here?"

Sana Pwede PaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon