"I'm sure mamahalin 'to. Okay nalang palang gumastos ka sa taxi. Bawing-bawi naman tayo e. Pwede natin 'tong masangla kapag walang-wala na talaga tayo," ani Mama habang tinitingnan ang kwentas na ibinigay sa 'kin ni Eson kagabi.
"Mukhang pera ka talaga, Ma."
"Hindi ko naman ipinagkakaila 'yon, anak. O eto na," aniya't ibinigay sa 'kin ang kwentas, "ingatan mo 'yan."
"Iingatan ko talaga 'to no."
"Boba. Hindi 'yan ang tinutukoy ko, si Eson. Ingatan mo 'yong lalaking 'yon. Yayamanin e. Pero teka nga... ano ba talaga ang kumpletong pangalan niyan? Paniguradong palayaw lang 'yang Eson e."
"Wala na kayo don. Takot ko lang na malaman mo ang buong pangalan niya. Baka hingan mo ng pera e."
"Nadali mo!" Natawa siya sa sinabi ko pero hindi nagtagal ay sumeryoso din naman siya. "Pero 'di nga... ano'ng pangalan niyang bago mo?"
"Ma, ano'ng bago? Magkaibigan lang kami nito."
"Magkaibigan? 'Wag mo kong lokohin, anak. Hindi ka aayain ng kakakilala mo lang para magdinner at hindi ka niya bibigyan ng kwentas na 'yan kong hindi ka non type. Nililigawan ka ba niya? O friends with benefits lang kayo?"
"None of the above, Ma. Magkaibigan lang talaga kami ni Eson. Tsaka kakabreak ko palang kaya kay Michael."
"Ano?!" Napataas bigla ang boses niya. "Halos magdadalawang buwan na kayong break ni Michael tas hindi ka padin nakakamove on don?"
"We lasted for almost a year, Ma. Sa lahat ng mga naging boyfriend ko, siya lang ang tumagal. Usually kasi hanggang ilang buwan o ilang linggo lang tumatagal ang relasyon ko sa iba. You can't blame me kung hanggang ngayon may nararamdaman parin ako sa lalaking 'yon."
"Ay ewan ko sa 'yong bata ka. Nagpapakatanga ka padin don sa Michael na 'yon? Tigilan mo na nga 'yan. Kung ako sa 'yo dito nalang ako sa Eson na 'to magpo-focus."
Tamad na akong makipagsagutan kay Mama kaya nagpaalam nalang ako sa kaniya. "Kwarto muna ako. Magpapahinga lang."
Tinanguan niya lang ako kaya naglakad na ako patungong kwarto. Subalit nakailang hakbang palang ako nang magtanong uli siya sa 'kin, "Ano nga ulit totoong pangalan nong Eson?"
I sighed deeply before answering her, "Jason." Pagkatapos ay tuluyan na akong pumasok sa kwarto.
Agad akong humilata sa kama at pinagsusuntuk-suntok ang unan. Ang totoo kasi niyan, alam kong wala na akong nararamdaman para kay Michael. Natatakot lang talaga akong aminin na may nararamdaman na ako para kay Eson.
Hays. Bahala na.
Panibagong araw at ito na naman ako, naglalakad sa hallway ng CAS building. Hindi ako nagmamadali ngayon kasi hindi pa naman ako late.
Nang makapasok sa classroom, napakunot ang noo ko matapos makitang nag-aayos na ang mga kaklase ko.
"Ba't pumunta ka pa dito? Dapat dumiretso ka nalang sa Cultural Center," ani Dominic nang makasalubong niya ako sa pintuan.
"Hah? Bakit? Ano'ng gagawin natin don?"
"Hindi mo nabasa sa GC?"
"Ang alin? Ni-mute ko kasi 'yong GC kaya wala akong idea sa sinasabi mo."
"Bakit mo ni-mute?"
"Ang kulit kasi ng mga kaklase natin e. Chat ng chat puro naman mga nonsense na bagay ang pinag-uusapan."
"E pa'no kung may importante na palang gagawin? Sana hindi mo nalang ni-mute."
I rolled my eyeballs at him. Para siyang nanay kung mangsermon. "Oo na. Unmute ko na mamaya. May ano ba tayo ngayon? Ba't kailangan nating pumunta sa Cultural Center?"
BINABASA MO ANG
Sana Pwede Pa
General FictionSana Series #1 Sabrina Manalo, a wayward college student who is in search for true love, was caught up with a man she knew right from the very start she would never end up with because of their differing situations. Genre: General Fiction Language:...