Kabanata 7

11 0 0
                                        

"Sigurado ka magaganda ang mga dala mong bikinis diyan? Dala mo ba 'yong bigay ko sa 'yong pulang bikini? Dalhin mo 'yon, Sabrina. Maganda 'yon. Paniguradong pag nakita ka ni Eson na suot 'yon, 'di na 'yon makakaayaw sa 'yo."

Ito ako ngayon at nag-aayos ng sarili samantalang si Mama naman kuda ng kuda. Mas excited pa ata 'to kaysa sa kin e. Siya nalang kaya ang sumama kay Eson papuntang Dumanggas no?

"Okay na lahat, Ma. Kumalma ka nga," ani ko sa kaniya.

"Basta observe ka muna, hah? Baka ikaw ang lapit ng lapit sa kaniya pagkatapos ayaw naman pala niyang makipagmake out sa 'yo."

Natawa ako ng kaunti sa tinuran niya. "Sino'ng lalaki ang ayaw sa make out?"

"Siya malay mo."

For the last time, I checked my wrist watch and when I saw that it is quarter to ten already, I grabbed my bag and head towards the door. Imbes kasi alas otso, alas dies nalang ang napag-usapan namin. "Ma, alis na ako. Siguradong kanina pa 'yon si Eson sa labasan."

"Gusto mo hatid na kita?"

"No need. Ako nalang po ang lalabas don." Tinahak ko ang pagitan namin ni Mama pagkatapos ay hinalikan siya sa pisngi. "Bye, Ma. Alis na ako."

"Mag-ingat ka, hah? 'Wag kalimutang gumamit ng protection."

I let out a small laugh then answered, "Okay po." I waved my hand at her pagkatapos ay lumabas na ng bahay.

Dali-daling akong naglakad papuntang labasan. Nakakahiya naman kasi baka kanina pa naghihintay si Eson don.

Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad nang magring ang cellphone ko. Tiningnan ko ito at nakitang si Eson na nga ang tumatawag.

"Hello?" I answered immediately.

"Nandito na ako, Sab."

"Palabas na ako. Kanina ka pa ba diyan? Sorry, hah?"

"No. Kararating ko lang. I'll just wait for you here. Ingat ka."

"Sige."

Nang maibaba ko ang tawag ay mas binilisan ko pa ang mga hakbang ko. Makalipas ang ilang minuto, nakarating na din ako sa labasan. He's looking so hot wearing a white top with black maong pants while leaning on his white Mitsubishi.

Nang makita niya ako ay agad siyang ngumiti. Ramdam ko na naman ngayon ang mga paru-parong nagliliparan sa tiyan ko. Nakalimutan ko na atang may atraso 'to sa 'kin kahapon.

"Hey, beautiful," he said before kissing my right cheek.

Damn! He really knows how to make my heart flutter.

"Nainip ka ba kakahintay? Sorry."

"Kararating ko lang dito, Sab. No worries. Pa'no? Tara na? Para pagdating natin don lunch na agad tayo."

"Sure."

"Akin na maleta mo. Ako na maglalagay sa likod."

Ibinigay ko naman sa kaniya ang maleta. Nang makuha na niya ito sa 'kin, agad niyang binuksan ang pinto ng kotse. Nginitian ko siya bago pumasok sa loob.

Matapos niyang mailagay ang mga gamit ko sa likod, pumasok na din siya sa kotse at binuhay na ang makina nito.

"Dumangas, here we come." Halatang sabik na sabik ito base sa tono ng boses niya kaya nagpakawala nalang ako ng isang ngiti.

Maya-maya pa, nakikita ko nalang ang mabilis na pag-iba ng mga tanawin dahil sa tulin ng takbo ng kotse.

"Can I connect my phone on your radio?" pagtutukoy ko sa radyo ng kotse niya.

Sana Pwede PaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon