Kabanata 32

3 0 0
                                        

Hwebes at ilang araw na ang nagdaan simula nong makausap ko si Dominic at ang pamilya niya pero ito ako, namomroblema pa din.

His family is still angry with me and I still wasn't able to figure out what he said to me last Monday.

Ni-message ko siya pagkatapos non para mangulit na naman na paniwalaan niya ako pero never kong itinanong sa kaniya 'yong tungkol sa mga huling sinabi niya sa 'kin.

Ewan ko. Baka kasi namisinterpret ko lang 'yong sinabi niya. Baka ang ibig niya talagang sabihin ay gusto niya ako bilang kaibigan.

Kung may mabuti mang nangyayari ngayon, 'yon ay ang paglubay sa 'kin ni Eson. Hindi na siya pumupunta dito sa bahay. Hindi narin siya nagtetext kaya hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari sa pamilya nila.

"Nak, ilang araw nadin ang nakalipas," ani Mama pagkatapos na umupo sa tabi ko dito sa sofa. "Kalimutan mo nalang muna ang mga nangyari. Magki-Christmas na mamaya pero ikaw puro padin busangot."

"Ewan ko, Ma. Hindi ko magawang kalimutan ang mga nangyari. Nag-aalala padin ako kasi siguradong hanggang ngayon galit padin sila sa 'kin."

Hinawakan ni Mama ang kamay ko pagkatapos ay hinarap ako. "Humingi ka nadin naman ng tawad e. Nilayuan mo nadin si Eson. Sabi mo nga hindi ka na niya kinukulit. Siguradong nagkakaayos na 'yon sila. Kay Dominic naman, alam kong mapapatawad kadin nong batang 'yon. Base sa mga naririnig ko sa kaniya mula sa 'yo, mabait naman 'yong batang 'yon. Mahirap lang talaga sa parte niya kaya sana mas habaan mo pa pasensya mo."

Kahit papano ay gumaan ang loob ko dahil sa sinabi niya. Nagpapasalamat talaga ako na dito palagi si Mama para sa 'kin.

"O sige na. Magluluto pa ako dito ng maliit na handa natin mamaya. Diyan ka na muna, hah?"

"Sorry kung hindi ako makatulong sa 'yo, Ma, hah? Ang bigat parin kasi talaga ng nararamdaman ko."

"Nak, okay lang." Binigyan niya ako ng isang malapad na ngiti. "Magpahinga ka na muna diyan. Kaya na 'to ni Mama."

Nginitian ko din siya bago siya umalis. Gusto ko naman kasi talaga tumulong kaya lang mukhang lutang pa ako ngayon. Baka imbes makatulong ay perwisyo lang don magagawa ko sa kusina.

Nagpasa nadin ako ng resignation letter sa call center. Sunud-sunod na kasi ang absent ko at pinapagalitan na ako ng Team Leader namin. Isa pa'y si Mama mismo gusto na akong patigilin don. Mabuti nalang ay pinakawalan nadin naman ako ng kompanya. Wala nang naging madaming issue pa.

Pagkatapos kong mag-isip-isip sa living room namin ay dinalaw na naman ako ng antok kaya dito na ako nakatulog.

Nagising nalang ako na amoy na ang bango ng mga niluto ni Mama.

"Nak, gusto mo nang kumain? Luto na pancit natin dito. Meron nadin tayong spaghetti. Kumain ka na dito kung gusto mo," aniya nang makitang gising na ako sa wakas.

I smiled and then walked towards her at the dining table. Binigyan niya ako nang pinggan kaya agad ko itong tinanggap at nilagyan ng pagkain.

"May lulutuin ka pa, Ma?"

Itinango niya ang ulo pagkatapos ay nagsalita, "Gagawa ako ng salad. 'Yon lang din naman tsaka okay na tayo."

"Tutulungan kita," ani ko pagkatapos isubo ang pancit.

"Sigurado ka? Kaya ko naman na nak e."

"Tutulungan kita, Ma."

"Sige. Ikaw bahala," sagot niya bago uli kami bumalik sa katahimikan.

Nag-iisip ako ngayon kung dapat ko ba sabihin sa kaniya ang mga huling sinabi sa 'kin ni Dominic. Nakapag-usap nadin naman kami tungkol sa pagpunta ko kina Dominic noong Lunes. Naikwento ko din na nagkita kami ni Eson pero 'yong buong pag-uusap namin ni Dominic hindi ko naikwento sa kaniya.

Sana Pwede PaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon