Ito ako ngayon nakaupo kaharap ang computer, nakasuot ng headset at nakatingin sa kawalan.
Sa totoo lang, wala akong ganang gumawa ng kahit ano ngayon pero kailangan kong magtrabaho. Masakit parin ang mata ko dahil sa pag-iyak kanina at nakakaramdam nadin ako ng gutom dahil sandwich lang ang kinain ko bago pumasok dito.
"Miss!"
I was disturbed from my deep thoughts upon hearing the loud shout of the person on the other line.
"Yes, Sir? This is Inspiro Center of BDO. How may I help you?"
"I've been calling you for how many times already. Why's that no one's answering me?"
"My apologies, Sir. Can you please voice out your concern this time for me to help you?"
"No need!" he shouted angrily. "It seems like you still have more important things to do." And without any hesitations, he ended the call.
Napasapo ako sa ulo ko dahil sa nangyari. Pangalawang beses na 'to ngayong gabi.
I am trying to put my focus on what I'm doing but I just can't.
Naramdaman ko nalang na may tumapik sa balikat ko. Napalingon ako para makita kung sino ito at bumungad sa 'kin ang galit na mukha ng head namin. I immediately took my headset off after seeing her.
"Ano'ng problema, Manalo? Pangalawang beses ka ng inireklamo ng caller. Why aren't you doing your job properly?"
"I'm really sorry, Ma'am. Masama po kasi ang pakiramdam ko ngayon."
"I don't care. Just do your job right. That's what I only care right now."
"Yes, Ma'am. Aayusin ko na po. Pwede po bang makahingi ng limang minuto? Pupunta lang po ako ng mini-store."
Alam kong dagdag na naman 'to sa pagiging badshot ko sa kaniya pero kailangan ko lang talagang huminga kahit ilang minuto lang. Bibili nalang din ako ng biskwet para kahit papano'y maibsan ang gutom ko.
"Tsk. Ako pa ngayon ang pasasaluhin mo ng mga callers mo. Sige na. Dapat pagkatapos ng eksaktong limang minuto nakabalik ka na dito."
"Salamat po," wika ko pagkatapos ay mabilis nang naglakad papuntang mini-store malapit lang sa call center's area.
Ilang oras din ang naging pagdurusa ko sa call center. Kahit napagalitan ako ng head namin, hindi padin mawala-wala ang sakit at lungkot na nararamdaman ko dahil sa nangyari sa 'min kanina ni Eson. Mabuti nalang, natapos ang shift ko na wala nang nagreklamong caller.
As soon as my shift ended, I hurriedly walk outside the building and hop inside the jeep. Walang-wala na kasi talaga akong lakas na natitira ngayon.
Pakiramdam ko'y mahuhulog na ako sa pagtulog habang tumatakbo ang jeep pero nang makita kong nasa Jaro Plaza na kami, pilit kong binuksan ang mga mata ko dahil malapit nalang din naman ako sa bahay.
Maya-maya pa'y nakarating na nga ang jeep sa Tabuc Suba kaya bumaba na ako mula dito. I walked for few minutes then I finally reached our house.
Nang makita ko ang bahay namin, kahit papano'y gumaan ang pakiramdam ko. I hurriedly got the key from my bag and opened the lock.
I stepped back and gasped as soon as I opened the door because of the silhouette that scared me. "Ma?" tanong ko nang marealize na siya lang naman pala ang nakikita ko ngayon.
"Nak? Kakauwi mo lang? Ano'ng oras na ba?" sunud-sunod niyang tanong habang kinukusot ang mata. "Uminom lang naman ako ng tubig. Matulog ka na. May klase ka pa bukas."
BINABASA MO ANG
Sana Pwede Pa
Ficción GeneralSana Series #1 Sabrina Manalo, a wayward college student who is in search for true love, was caught up with a man she knew right from the very start she would never end up with because of their differing situations. Genre: General Fiction Language:...