Kabanata 34

7 0 0
                                        

Kinabukasan, pumasok ako sa school na magaan ang loob. Ang sarap lang kasi sa pakiramdam na kahit papa'no ay nabawasan ang mga alalahanin ko.

Maaga din akong nakarating ng school kaya iilan palang ang mga classmates ko na nandidito ngayon sa classroom.

I am anticipating for Dominic to arrive. Ngayon kasi na okay na kami ng Daddy niya, umaasa din akong magiging okay na kaming dalawa.

Ilang minuto din ang hinintay ko nang makarating na nga si Dominic pero laking gulat ko nang nag-aalab na mga tingin ang ipinukol niya sa 'kin. Hindi nadin siya ulit umupo sa tabi ko.

My forehead creased because of so many questions.

Bakit hindi na uli siya umupo sa tabi ko? Bakit parang galit na naman siya sa 'kin? Akala ko ba kahit papa'no nagiging okay na kami?

Pilit akong nag-isip kung bakit parang galit na naman siya sa 'kin at iisang rason lang ang pumasok sa isipan ko. Nagkita kami ng Daddy niya kagabi. Baka nalaman niya tas namisinterpret na naman niya ang lahat?

Napasapo ako sa noo ko nang maisip na baka nga namisinterpret niya naman ang pagkikita namin ng Daddy niya.

I immediately stood up and walked towards him. Sa unahan kasi siya umupo.

"Dom," tawag ko sa kaniya sabay mahinang tinapik ang balikat niya.

Napatingin siya sa 'kin at nang makitang ako na naman ang nangulit sa kaniya, bumalik ulit ang galit sa mga mata niya.

"Dom, akala ko ba bumalik ka na ulit don sa upuan mo? Bakit ngayon–"

Hindi niya ako pinatapos nang magsalita na siya, "Umalis ka nalang, Sabrina."

I was hurt and at the same time shocked when he called me by my full name. It just feels so wrong hearing him call me by full name.

"Dahil ba kagabi? Dom, hindi naman kasi–"

"Sabing umalis ka na e!"

Halos lahat kami sa loob ng classroom natahimik nang marinig namin ang pagsigaw ni Dominic. Hindi naman kasi siya 'yong lalaking palasigaw at higit sa lahat, never kong in-expect na masisigawan niya ako.

Napatingin halos lahat ng classmates namin sa 'ming dalawa dahil nga sa sigaw niya.

Suddenly, I felt embarrassed and hurt.

Bago pa ako maiyak sa harap niya, mas pinili ko nalang tumalikod at maglakad pabalik ng upuan ko.

Nagsimula ang klase namin na ako parang lutang padin.

Pakiramdam ko sinaksak ako ng ilang libong beses sa puso ko nong sigawan niya ako. Pakiramdam ko kahiya-hiya ako. Pakiramdam ko wala na talaga siyang pakialam sa 'kin.

Dalawang klase ang lumipas at lunch break na namin nang napagdesisyonan kong kausapin ulit siya. Bahala na kung magalit na naman siya sa 'kin total nasigawan niya naman ako.

Ayoko kasi na mamisinterpret niya 'yong pag-uusap namin ng tatay niya. Ayoko na bumalik na naman kami sa dati na tuwing tinitingnan niya ako ramdam ko ang pagkamuhi niya sa 'kin.

Nang makalabas siya ng classroom ay agad ko siyang sinundan pagkatapos ay hinila papasok sa pinakamalapit na classroom na walang tao.

"What the hell, Sabrina?" He blurted out.

"Just please hear me talk, Dom. Pakinggan mo naman kasi muna ako. Ayokong bumalik ulit tayo sa dati na parang hindi mo ako kilala. Ayokong hindi mo ako pinapansin. Please pakinggan mo muna ako," sunod-sunod kong salita kasi pakiramdam ko kahit ano'ng oras iiwan niya naman ako at hindi papakinggan.

Sana Pwede PaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon