Kabanata 16

12 0 0
                                    

Ito kami ngayon nina Xyrine at Dominic, lupaypay na nakaupo sa loob ng West Side kaharap ang aming mga pagkain. Katulad kasi namin ni Dominic, may long quiz din sina Xyrine dahilan ng pagkaubos ng mga lakas namin.

"Feeling ko sasakit ang ulo ko. Ang hirap ng Stats," nanghihinang wika ni Xyrine.

"Ako din. Feeling ko hindi na ako makaka-attend ng next class namin," sagot ko.

"Ang hirap ng Physics. Nag-aral naman ako pero ang mga inaral ko halos wala sa exam," dagdag din ni Dominic.

Napatingin kami pareho ni Dominic kay Xyrine nang marahas niyang inilapit ang upuan patungo sa lamesa at ipinatong dito ang mga braso. "I need something to look to at the end of this week. I won't survive this week without an inspiration."

Napakunot ang noo ko sa tugon niya.

"Guys, what if pa-Boracay tayo sa Friday? Wala namang activity, 'di ba?"

Friday kasi ang araw para sa mga activities namin like Intramural o kung ano pang programs pero kapag walang activity, edi wala ding klase.

Pero teka nga... Boracay?!

"Guys?" she asked again.

"Pwede din. We can stay there until Saturday or Sunday if we have nothing to do," ani Dominic habang nagpapatuloy na sa pagkain.

"Sab?" Ngayon ay ako naman ang hinaharap ni Xyrine.

"Sorry, guys. Hindi ako pwede. May trabaho ako."

I saw how both of their faces went disappointed because of my response.

"Kahit hanggang Saturday lang tayo tas Friday night ka lang absent?"

"I'm really sorry, Xy. Hindi talaga ako makakasama sa inyo. Isa pa, wala akong budget para gumala sa Boracay."

"My treat!" she immediately said while raising her hand, "I mean, travel, rest house, food are all on me. Just go with us please."

She's pouting again. She really want me to go with them huh?

"I really can't, Xy. Kayo nalang kayang dalawa ni Dominic?"

Dahil sa naging tanong ko ay pareho silang natigilan. Naging awkward pa tuloy ang paligid namin kasi hindi din ako nakapagsalita agad sa pag-aakalang may nasabi akong mali.

"I... I'm-" I was about to say sorry when Dominic cutted me off.

"You can ask a workmate to cover your shift for one or two nights. Minsan lang naman 'to e."

Natigilan uli kami ni Xyrine sa sinabi ni Dominic. Ewan ko pero parang may mali ata sa sinabi niya pagkatapos kung itanong 'yon.

"Seph's right, Sab. Go with us please," Xyrine said again while clasping both her hands.

"I'll try, guys, but please don't expect. Mukhang hindi talaga ako makakasunod sa inyo."

"I wish you can find a workmate to cover your shift and I wish your boss would let you off even just for two nights."

Hindi nalang ako sumagot sa sinabi ni Xyrine. Maya-maya pa'y naging tahimik naman din kami at nagpatuloy na sa pagkain.

After our lunch, we went back to our own classrooms- Xyrine on the Nursing Building while I and Dominic on the Quezon Hall.

We just have our discussion for our last class and it only lasted for an hour so here I am now with Dominic, walking towards the main exit of West.

"M-may gagawin ka?"

Napatingin ako sa kaniya nang bigla siyang magsalita.

"Matutulog sa bahay," sagot ko.

He just nodded as a response.

Sana Pwede PaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon