"Ang ganda-ganda naman talaga ng anak ko," ani Mama habang pinapanuod niya akong nag-aayos ng sarili ko.
Sabado na kasi ngayon. Ibig sabihin, ngayon nadin ang birthday ng kapatid ni Dominic na si Johanna.
I am now wearing my maroon deep v-neck dress. Abot ang sahig ng tela nitong damit. Medyo expose din ang cleavage ko dahil nga v-neck at hanggang hita ko ang slit.
"Ang tagal ko nadin atang hindi nakakasuot ng mga ganito. Hindi na kasi ako nagmo-modeling."
Palagi din kasi ako sa mga parties dati kasama ang mga co-models ko pero ngayong huminto na ako sa pagmo-modeling, huminto nadin ako sa pag-aattend ng mga engrandeng parties tulad nitong kina Dominic ngayon.
"Naku. 'Wag ka ng bumalik don. Okay ka naman na sa pagiging call center, 'di ba?"
Nginitian ko nalang si Mama kasi hindi naman na talaga ako babalik sa pagmo-modeling. May nangyari kasi na nagpahinto sa 'kin para gawin 'yon.
Last time nagtanong si Dominic tungkol dito pero hindi ko sa sinabi kaniya ang totoo na muntik na akong ma-rape ng naghire sa 'min ng mga kasamahan ko sa isang event. Ewan ko sa matandang 'yon. May asawa't anak na pero nakuha pa akong pagsamantalahan.
May pera 'yon kaya napaalis niya ako sa agency namin. Hindi na ulit ako sumubok pagkatapos non kahit matagal ng nangyari 'yon.
"Hindi na talaga ako babalik don," ani ko habang naglalagay ng pulang lipstick sa labi ko.
"Maiba ako, kailan mo ipapakilala sa 'kin 'yang mga kaibigan mo?"
Mga kaibigan. Hindi niya pa pala alam na tumigil na sa pagsama sa 'min si Xyrine.
"Bakit na naman, Ma?"
"Mukhang mababait e. Tsaka halatang yayamanin."
"Ay naku. 'Yan na naman tayo."
Sabi ko na nga ba e. Nakuha na naman ang atensyon niya kasi nga mayaman.
"Hindi! Hindi ganon anak," aniyang tunog defensive. "Kasi nahahalata ko ang babait nila sa 'yo. Gusto ko lang talaga sila makita ng personal. Papuntahin mo naman dito minsan."
"Ewan ko sa 'yo, Ma," I teased her even more. "Kaya siguro okay lang sa 'yo na um-absent ako ngayon sa call center, no? Kasi yayamaning party din naman ang pupuntahan ko."
"Hindi naman sa ganon, anak. Grabe ka sa 'kin."
Natawa nalang ako ng tuluyan dahil sa pagiging defensive niya. Maya-maya pa'y natapos na ako sa pag-aayos kaya tiningnan ko ulit ang buong itsura ko sa salamin.
"I'm sure wala na talagang kawala 'yang si Dominic kapag nakita ka niya ngayon."
Hindi ko napigilang tingnan ulit siya ng masama dahil sa biro niya.
"O relax," agad niyang wika. "Nagbibiro lang ako, nak. Dali na. Ayusin mo na clutch bag mo tas sumakay ka na ng taxi papunta sa bahay nila. Doon ang venue, 'di ba?"
Iniba nadin naman niya ang usapan kaya napatango nalang ako bilang sagot.
Inayos ko na nga ang clutch bag ko tulad ng sinabi niya. Pagkatapos ay napatingin ako sa maliit kong wrist watch at nakitang quarter to 6 PM na nga at kailangan ko nang makarating sa bahay nila Dominic kasi magsisimula na ang party.
Actually, 8 PM pa naman ang program proper pero advise nila na dumating ng 6 PM para makapag-socialize chuchu pa daw ang mga bisita.
Alam mo naman, mga business man at mga doctor ang andon mamaya.
"Ma, aalis na ako. Hindi naman siguro ako matatagalan don. Baka 11 PM nandito na ako."
"Oo na. Kahit hanggang ano'ng oras ka pa don. Pwede ngang don ka nalang matulog e," hirit ulit ni Mama na may nanlolokong ngiti.

BINABASA MO ANG
Sana Pwede Pa
General FictionSana Series #1 Sabrina Manalo, a wayward college student who is in search for true love, was caught up with a man she knew right from the very start she would never end up with because of their differing situations. Genre: General Fiction Language:...