Nagising ako kinabukasan na mabigat parin ang nararamdaman. Natulog nga ako pero pakiramdam ko pagod na pagod padin ako.
Agad kong kinapa ang maliit na orasan sa side table ko at nakitang pasado alas nuebe na pala.
Hindi ako nakapuntang trabaho kagab-i kasi pakiramdam ko hindi ko talaga kaya pero gustuhin ko mang matulog ng maaga kagabi, hindi ko parin nagawa. Ala una na ata ako nakatulog kagabi kakaisip ng mga nangyari. Idagdag pa ang konsensya at hiya na nararamdaman ko.
Gustung-gusto kong kausapin si Dominic pero natatakot ako. Natatakot akong marinig mismo mula sa kaniya na kinamumuhian niya ako.
I opened my phone and see again bunch of text messages. Some are from my father, some are from Eson, and few texts are from my workmates asking me why am I absent.
I was scared to see a text message from Dominic and Jennifer but I sighed in comfort when I didn't see their names on my notifications.
Pinatay ko na ulit ang cellphone ko kasi takot din naman akong mag-online. Sa ugali kasi na meron si Jennifer siguradong nasa online na ang pagmumukha ko at madami na'ng nakakaalam na kabit ako ng tatay nila.
For sure pagpipyestahan na naman ako ng tsismis ng mga kaklase ko.
After returning my phone on its original spot on my side table, I stepped out of my bed. Hindi ako nagugutom o ano, kailangan ko lang mag-CR.
"Nak?"
Nang makalabas ako ng kwarto, nabigla ako nang marinig ko ang boses ni Mama kaya napalingon ako sa kaniya.
"Gising ka na pala. Gusto mong kumain?"
"Bakit ka nandito, Ma? 'Di ba dapat may trabaho ka?"
She avoided her gaze from me.
"Ma?" tanong ko ulit.
"Hindi na muna ako papasok ng trabaho."
"Bakit?"
"Kailangan mo ako dito, Sabrina."
"Ma, kaya ko na ang sarili ko," I complained with my two brows furrowed. "Sana pumasok ka nalang."
"'Wag na matigas ang ulo, Sab. Sige na. Kumain ka na dito." Parang wala lang siyang narinig mula sa 'kin.
"Hindi ako nagugutom."
"Kailangan mong kumain, Sab. Kahit pakiramdam mo hindi ka gutom kailangan mong kumain. Hindi ka din naman kumain kagabi. Tas ano'ng oras nadin ngayon. Kumain ka na dito."
I sighed heavily when I realized I have no option but to eat. Mapilit kasi si Mama. Well, lahat naman ata ng Nanay ganito.
"Sige na. CR lang muna ako."
At gaya nga nga sinabi ni Mama, pagkatapos kong mag-CR ay kumain na ako, kaunti nga lang kasi wala talaga akong ganang kumain.
She wasn't able to force me to eat more. Pagkatapos ng unti kong kain ay bumalik na ulit ako sa kwarto at dito na naman nagmukmok.
I didn't know how long I stared at the ceiling and think about things when suddenly, I got a call from someone.
Unknown ulit ang nakalagay sa phone screen pero dahil napapadalas na ang tawag niya sa 'kin ay nalaman ko na sino 'to.
"Hello?" bati ko pagkatapos kong sagutin ang tawag.
"Sab?" Halata sa boses niyang hindi siya makapaniwalang sinagot ko ang tawag.
"Bakit ka tumawag?" direkta kong tanong. Hindi naman kasi kami sweet ng tatay kong 'to kasi simula naman pagkabata ko hindi kami close.
"Did you read my messages?" Dahil sa naging tanong niya, naalala ko na naman ang mga nangyari.

BINABASA MO ANG
Sana Pwede Pa
General FictionSana Series #1 Sabrina Manalo, a wayward college student who is in search for true love, was caught up with a man she knew right from the very start she would never end up with because of their differing situations. Genre: General Fiction Language:...