Kabanata 27

346 24 10
                                        

Kabanata 27

Shuta. Kainis. Ayoko na.

Pagod na pagod na yung katawang lupa ko. Alas syete na ng gabi at ang ginawa lang namin sa loob ng halos pitong oras ay manuod ng romantic movies sa sinehan. Okay sana eh, sweet date din sana 'to kahit one sided lang pero hindi niya tinatapos yung kwento. Inuunahan niya na agad.

Aamba siyang bibili ng ticket ulit pero pinigilan ko na siya. Humarang ako sa ticket booth.

"No way! Hindi ka na bibili. Tama na." inis na sabi ko. Humarang talaga ako sa harapan niya. Walang gaanong tao kaya di siya namumukhaan.

"Pero hindi ko pa nararamdaman yung dapat maramdaman ko eh." aniya.

"Ako may nararamdaman na. Init ng ulo at kumukulong dugo." Umiling ulit ako. "No way! No. No. No! Sejun, nakaka-tatlong pelikula na tayo—"

"―Apat."

At talagang kinorrect pa nga ako nang loko. "Ah basta bahala ka, wala akong pake kung gusto mong paabutin ng ilang pelikula. Uuwi na ako, na-iistress ako sa'yo. Nagugutom na ako! Wala pa tayong dinner ah."

Saktong pagkasabi ko nu'n ay tumunog yung tyan ko. Yung mga bulate ko nagwawala na. Napatingin siya sa tyan ko sabay angat sa mukha ko. Nagmake-face nalang ko. Nakakaimbyerna, wala pa akong dalang gaanong pera ngayon para kumain sa fast food. Magdudunkin donut nalang ako at pepsi mamaya.

Akmang tatalikuran niya ako nang biglang hilahin niya ang braso ko paharap muli sakaniya. "Aray! Ano ba?"

"Wag ka muna umalis. Kain muna tayo, sagot ko." sabi niya. Emotionless, typical sejun na-minsan tahimik, seryoso pero minsan kalog. Hays. "Saan tayo kakain?"

"Tara, samgyup!" yaya ko. "Sagot mo ah. Pag di mo binayaran, di ako papasok bukas."

"Edi wag kang pumasok. Ikaw naman ang pagagalitan."

Aba't― "Ah talaga?"

"Biro lang. Sagot ko nga, pajulit-julit? Tara na nga, nagugutom nadin ako eh." sabi niya.

What? Pa-julit-julit? Saan niya natutunan 'yon?! The heck.



Pagkarating naming doon ay agad din kaming naservan ng pagkain. No joke, sa sobrang gutom ko hindi ko alam kung gaano karami yung nakain ko. At until now, kumakain padin. Grabe, ginutom talaga ako nang kumag.


"Ang takaw mo ah? Mukhang kulang pa ata lahat ng 'yan sayo." sabi niya saakin. Saka ko lang narealize na hindi siya gaanong kumain at mukhang kanina niya pa ko tinititigan. Kaya naman nag-angat ako ng tingin sakanya.


"Gutom ako Sejun. Hindi ako nag-agahan tapos tanghalian . Kinain lang natin ay pancit so tomguts talaga ako." sabi ko sakaniya sabay balik sa pagkain. "Ikaw, kumain ka na. Iinom ka pa ng gamot mo." paalala ko sakaniya.


"Dala mo mga meds ko?"

Tumango ako. " Yup, nurse ako. Yun pa ba ang makakalimutan ko? Kaya kumain ka na diyan nang makainom ka na ng gamot at makauwi na tayo. Baka mamaya may makakita pa satin dito eh."


Naramdaman ko ang pagtango niya na sinundan ng pagalaw ng kubyertos at pagkuha niya ng pagkain. Busy na busy kami sa pagkain ng bigla siyang magsalita.

"Alam mo may naisip ako! Alam ko na kung saan tayo dapat pumunta!" aniya.

Napa-angat ako ng tingin sakaniya sa gulat. Kumuha ako ng tubig at ininom. "H-Ha? Hindi pa tayo uuwi? Hindi ka pa ba napapagod?"

"Nope. At sasamahan mo ko para makainom ako ng gamot. Hindi ako iinom pag hindi mo ko sinamahan."

Agad tumayo ang loko at nagsuot ng mask at cap. Aba't! Hindi pa ako tapos kumain. Hoy!

Hindi pa ako tapos kumain at di pa ako nasasatisfy eh. Tumayo agad ako at sinundan siya sa kotse. Mabilis siyang naglakad dahil baka may nakasunod sakaniyang fan or whatsoever. Kaya naman ganoon nadin yung ginawa ko.

Nang makarating kami sa kotse ay agad siyang nagmaneho. He's looking at his phone while driving. Mukhang nag-wawaze siya. Nanahimik nalang ako dahil medyo nabusog ako sa mga kinain ko eh dinalaw ako ng antok.


Nagising ako ng isang hospital. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko dito pero napansin kong maraming reporters sa labas kaya naman pumunta ako doon sa pinagkakaguluhan nila. Napansin kong nakatayo yung manager ni Sejun sa harap ng mga reporters. Hindi ko marinig yung mga sinasabi nila. As in wala akong marinig. Hindi ko alam kung bakit. Nilapitan ko yung manager niya na nagsasalita. Kinakalabit ko 'to pero hindi niya ako pinapansin. Gusto kong malaman kung anong ginagawa ko dito? Kasama ko lang si Sejun kanina eh.

"Ma'am... Asaan si Sejun?" pilit at panay kong tanong doon sa manager niya pero tila ba hangin ako. Nakakapagtaka na nagsasalita siya pero di ko siya naririnig. As in wala akong naririnig. Ano bang nangyayare?

Binalak ko ulit magtanong pero napansin ko si mama at Ruth na sabay naglalakad papasok sa hospital. Umiiyak. "Anong nangyayare?" bulong ko sa sarili.

Sinundan ko sila mama at Ruth. Tinatawag ko sila pero hindi nila ako marinig. Nang marating ko ang pinuntahan nila mama. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang sarili ko.

"Hazel..."

"Hazel..."

"Hazel.."

"Hazel... huy"

"AHHHHHHHHHHHHHHHH!"

Napabangon ako bigla. What the fuck? Ano 'yon? Anong nangyari? Anong ginagawa ko doon? Andami kong tanong. Agad akong napalinga sa paligid ko.

"Nasa loob ako ng kotse?" bulong ko.

"Ayos ka lang ba? Syempre nasa kotse kita." Ani Sejun. Tinignan niya ako kaya tinignan ko siya. Napabuntong-hininga ako at napahawak sa dibdib ko. Panaginip lang pala.

"Ano bang nangyari?" tanong ko.

"Ginising kita. Tinatawag mo kasi ang mama mo eh at yung Ruth. Hindi ko alam kung sino sila pero ayun yung pangalang binabanggit mo." aniya.

Panaginip lang. "Ganoon ba? Masama lang yung panaginip ko." paliwanag ko. "Nga pala, saan tayo ngayon?"

"Sa condo. Bukas nalang tayo pumunta doon sa sinasabi ko. Mukhang pagod ka na eh." sabi niya.

Ngumiti nalang ako at tumango. "Sige."

BE WITH SB19 SEJUN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon