Kabanata 18
Shocked. Still. Shaking.
Ayan ang reaksyon ko ng makita si Sejun sa stretcher, duguan at walang malay. Maraming tumakbong nurses sakaniya—isa na dapat ako doon pero hindi ako makakilos. Parang naparalisa ako.
Maraming dugo ang nasa damit niya papunta sa kamay. Wala akong idea kung anong nangyare sakaniya pero hindi ko din alam kung anong gagawin ko. Ayoko siyang hawakan, hindi ko kayang makita siyang nakahiga at puro dugo...di ko kaya...
Inihakbang ko ang mga paa ko papalayo sakaniya. Sa pangalawang pagkakataon, tatakasan ko na naman siya. Iiwas na naman ako sakaniya. Tumalikod ako at nagsimula ng umalis at pumunta ng Nurse Station. Doon ako naupo at naglabas ng damdamin. Kanina wala akong naririnig kundi... BP 70/40... CT scan... MRI...
Hindi ko alam kung anong nangyare pero mukhang sa ulo siya tinamaan. Hindi ko alam ano ang pwede kong gawin. I am shocked, ngayon ko lang napagtanto na nagiging walang kwenta ang propesyon ko kapag siya na yung nasa peligro.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo. "I need to do something..."
Umalis ako sa Nurse Station at pumunta sa isang lugar na alam kong matutulungan ako. Siya nalang ang makakapitan ko... I went to Hospital's chapel sa may ground ng hospital. Pagpasok ko palang ng chapel ay bumuhos na agad ang mga luha ko.
Lumuhod ako agad at nagsimula ng magdasal. "Parang awa niyo na po... Iligtas niyo po siya. Hindi ko po alam kung anong gagawin ko kapag may nangyaring masama sakanila, diyos ko po." Sa bawat dasal na sinabi ko ay may pagitang paghagulgol.
Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag malala ang lagay niya...
"Please po, h'wag naman po sana malala ang lagay niya. Pangako po, kapag po iniligtas niyo po siya hindi na po ako lalayo sakaniya ulit. Aalagaan ko po siya, pangako." dagdag ko.
Ilang oras ang makalipas ay wala padin akong balita. Hindi ko na muna sinubukan na pumunta doon dahil wala din naman akong maitutulong at isa pa kailangan ko din kumalma. I've been freaking out here for hours. Syempre di padin tapos ang shift ko kaya nag-aasikaso din ako ng mga pasyente.
Papalabas na ako ng isang room ng biglang makasalubong at makita ako ni Josh. Gulat siya ng makita ako at ganon din ang nangyari saakin. Kinapalan ko na ang mukha ko, I won't be able to find an answer if di ako magtatanong at ang magandang mapagtanungan ay yung mga malapit sakaniya.
"It's been a long time, Hazel..." ani Josh. Tipid akong ngumiti, habang siya ang pilit na ngumingiti saakin. I know hindi niya magawang maging masaya dahil sa nangyare ngayon.
"Yeah. It's nice to see you... you guys..." awkward kong pagkakasabi.
"I don't want to make this awkward for us. I know what you want from me. Go on, ask... Di din ako magtatagal dito." aniya. Josh became stoic. Well, I need to get straight to the point.
I took a deep breath. "How is he? Anong nangyare? B-Bakit siya nagkaganoon?" My voice is shaking. Bigla kasing naging malinaw saakin ang mga pangyayari kanina. Naalala ko na naman ang itsura niya na puro dugo kanina.
"Nagkaroon ng incident kanina while we are performing. Kumalas ang isa sa mga ilaw na nakakabit sa bakal sa taas at biglang bumagsak sakaniya. It wasn't our fault, walang may kasalanan sa aksidenteng iyon. Sana...okay lang siya..." Josh shifts his mood. Ramdam ko na kaagad ang kaba sakaniya. Nakikita ko na din na maiiyak na siya anytime and nararamaman ko din iyon. Lahat kami ay pare-parehas ng nararamdaman.
Mahigpit ang hawak ko sa clipboard ko para pigilan na magbreakdown sa harapan niya ngunit ng dahil sa sinabi niya. Nagimbal ulit ang mundo ko at tuluyan na ngang bumagsak ang hawak ko.
"...and he suffered from Retrograde Amnesia." Malungkot niyang sabi.
Naluha ako. "R-Retrograde Amnesia? Ilang taon ang n-nawala?" Hindi naman ako tanga, alam ko yun. Alam na alam ko 'yon! Bakit naman ganito, wag naman sanang nakalimutan niya ako...
Umangat ng tingin saakin si Josh. "2 years ago. Kasama ka sa nawala..."
Tangina. Paano pa ako babawi kung nakalimutan niya ako? Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang ingay sa pag-iyak ko. Wala na ba akong pag-asang bumawi at makasama siya? Talaga bang mahirap na maging kaming dalawa ulit?
"I'm sorry Hazel... Alam kong masakit sa'yo ito pero di ba pabor naman kay Sejun 'to ngayon? Nakalimutan ka na niya, mas madali na sakaniyang magsimula ulit ng wala ka. Sana naman pabayaan mo na siya, hayaan mo na siyang magpatuloy na hindi ka iniisip." ani Josh. Nag-angat ako ng tingin, galit at lungkot ang nakikita ko sakaniya. "Siguro paraan nadin ito para makalimutan ka niya, para sumaya na ulit siya nang hindi ka naalala..."
Kasabay ng pagbitaw ng mga salita na 'yon ni Josh ang pag-alis din niya. Malalim ang tagos ng bawat salita.
Siguro paraan nadin ito para makalimutan ka niya, para sumaya na ulit siya nang hindi ka naalala...
Siguro tama siya, pero di ko na gagawin 'yon ngayon. Babawi ako, maling-mali na iwan ko siya noon at di ko na uulitin uli 'yon ngayon.

BINABASA MO ANG
BE WITH SB19 SEJUN (Completed)
FanfictionUnexpected story, a roller coaster ride of emotion. A story of an idol who signed a contract that he wouldn't go into a relationship, but things got out of hand when he fall in love with his personal assistant.