Kabanata 8

622 27 6
                                        

KABANATA 8

Sunday morning. Rain is falling, charot. Kinakabahan ako sa totoo lang, di ko alam paano ko sasabihin sa bata na "Hana, nakausap ni ate si Sejun. Hindi ata sila makakapunta kasi busy" diba? Baka mamaya magtampo yung bata. Nakakaawa naman, ang tagal ko na ngang nawala tas ganito pa yung paramdam ko? Hays.

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga ng makita ko yung itsura ko sa salamin na nakaharap sa kama ko. Human size mirror pa 'yon kaya kitang kita yung mukha ko.

"WHAT THE FUDGEE BAR! BAKIT GANITO ITSURA KO?"

Umalis ako ng kama at lumapit sa salamin. Doon ko nakita yung dark circles under my eyes huhu. Hindi kasi ako masyadong nakatulog dahil binabagabag ako ng konsensya ko. Tumawag kasi ako kila sister kagabi para makausap si Hana tas ganito pa sinabi saakin nung bata...

"Ate! Excited na ako bukas. Makikita ko na ang mga idols ko. Sabi ni sister pupunta daw si Sejun!"

Napasapo ako sa noo. Sister naman, bakit naman ganon? Kawawa yung bata huhuhu.

"H-Ha? Talaga? Sinabi ni sister 'yon? Pupunta talaga si Sejun or lahat sila?" jusko pong Hazel. Di ko na alam gagawin ko para bukas.

"Opo ate! Eksayted na ako! Kahit wag ka na po magregalo ate, dahil sa tulong mo po makikita ko na ang idol ko."

Ayon yung usapan namin kagabi. Nalulungkot ako kasi kapag nalaman niya na hindi makakapunta si Sejun—YARE KA TALAGA HAZEL.

HALOS isang box yung dala kong regalo kay Hana ngayon. Bumili din ako ng cake for her pampalubag loob. Kumausap din ako ng clowns para pumunta ngayon para kahit papano maging masaya yung bata.

Nang ibaba ako ng grab driver sa gate ng RRDC sinalubong agad ako ni Mang Kanor.
"Magandang umaga po!" bati ko. Pero mukhang nagmamadali ata si mang Kanor.

"Ma'am Hazel, bakit ngayon lang po kayo—tara na po sa loob at magsisimula na po ang party para kay Hana!" aniya. Kinuha niya ng bitbit kong paper bags at hinayaan niya naman akong magbitbit ng cake.

Habang naglalakad ako papalapit ng papalapit sa Hall ng RRDC para akong kinakabag sa sobrang kaba. Nahihiya ako sa bata, nahihiya ako kila sister, nahihi-


"AY TRAGIS!"

Halos maitapon ko yung cake na bitbit ko dahil sa sasakyang bumusina na itim na van sa likuran ko. Badtrip naman! Yung kaba ko kanina halos dumoble dahil sa ginawa ng van na 'to. Umalis ako sa daraanan nila at naglakad sa gilid. Naiiyak na ako, bakit ba pag kamalasan nauuna ako.



Nanlaki yung mata ko nung nakita ko na marami nang bata sa loob ng hall. Maganda yung setting ng party at talagang pinaghandaan, mas lalo tuloy ako kinabahan. Nang makita ako ni ma'am Cez ay nilapitan niya agad ako. Ngumiti na lang ako ng pagkalapalapa, kumalma ka Hazel.

"Oh! Andyan ka na pala, Hazel. Sakto! Kararating lang nung guest mo. Tuwang tuwa ang mga bata..." ani ma'am Cez. Ha? Sinong guest?

Gulong-gulo ako at hindi ko maintindihan yung sinasabi ni ma'am Cez. Wala naman akong ibang guest maliban kay Sejun na hindi tutuloy ngayon. Maliban nalang kung—

"Ma'am, sino pong guest?"

"Sino pa ba? Edi yung winish ni Hana sayo last time." Sabi ni ma'am Cez sabay turo sa pwesto ni Sejun.

Lumingon ako sa gawi niya... Doon ko unang nakita na ngumiti ng ganon ka sincere. Marami siyang kasama na mga bata at nakikipaglaro siya doon. Parang nag-slow mo yung paligid, yung sentro ng atensyon ay siya lang. Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na ganito si Sejun sa mga bata, ibang iba yung ipinapakita niya na lagi siyang seryoso at tahimik sa camera.

"Alam mo, kararating lang niyan at mukhang pagod kanina. Pero nung nakita niya yung mga bata, parang bigla na lang nawala yung pagod niya. Tinanong ko nga siya kanina kung saan siya galing tapos sabi niya sa Cavite pa daw." Sabi ni ma'am Cez.

Napalingon ako kay ma'am Cez at biglang nakaramdam ng awa. Ibinalik ko yung tingin ko sakaniya at nagulat ako ng maabutan ko siyang nakatingin din siya saakin. Kaya tumingin din ang mga bata saakin.

"Ate Hazel!!" sigaw ng mga bata. Dali dali silang nag-unahan papunta saakin at iniwan si Sejun, kaya wala din siyang nagawa kundi lumapit din saakin hawak hawak niya ang kanang kamay ni Hana.

"Ate, Salamat at tinupad mo yung promise mo saakin ah. Sobrang saya ko ngayon!" sabi ni Hana.

Ako din Hana, hindi ko alam bakit pero Masaya ako na nakapunta siya ngayon. Sabi ko sa sarili ko. Ngiti lang ang ibinigay ko sa bata, at agad kong nilipat yung tingin ko kay Sejun.

"Salamat!" I mouthed. Pinigilan kong wag maluha sa harap ng mga bata. Ngumiti saakin si Sejun and he also mouthed, 'Walang anuman.'

Nagsimula ang party ng lahat ay Masaya, syempre natapos din ang party ng ganon. Nagpasalamat silang lahat saamin pero dahil mag-aalas sais na din ay panay ang tingin ko kay Sejun. I can see that he's tired. Hindi ko na pinatagal pa ang pag-papaalam para maka-uwi na din siya.

"Maraming Salamat uli, Hazel at Sejun. Sobrang napasaya niyo talaga si Hana." Sabi ni ma'am Cez.

"Walang anuman ma'am Cez kaso hindi na din kami magtatagal ma'am at baka gabihin na din si Sir tsaka baka marami na din po siyang gawin. Papaalam nap o sana kami kay Hana."

"Ay! Sige sige. Hana!"

Habang tinatawag ni ma'am Cez si Hana ay hinarap ko si Sejun at nginitian. "Ikaw ha! Paano mo nalaman yung tungkol dito? Mind reader ka no?" biro ko.

Kahit pagod na siya ay pinilit niya padin na ngumiti. Pa-fall talaga, kaines. "Nakita ko kasi yung message nung bata sayo last week. Nakita ko yung pangalan ko so pinakealaman ko na."

"Ah.. Kaya naman pala. Sana sinabi mo saakin na alam mo na."
Sabi ko habang tumatango. May pagka-pakealamero din pala ang isang 'to. Siniko ko siya pero mahina lang naman. "Perpo salamat ha, sobrang napasaya mo si Hana."

Naramdaman ko ang pagtingin niya saakin. "Matagal ka na bang pumupunta dito? Pansin ko kasi malapit ka sa mga bata na naandito." tanong niya.
I smiled. "Oo, bata pa lang ako andito na ako. Scholar kasi ako ng mga madre dati sa kagustuhan kong mag-aral sa isang private science highschool para makapag-aral ng pre-med at maging doctor, kahit mahirap kinapalan ko na yung mukha ko. I seek help from them, maliit palang ako nun, at si Hana ang kauna-unahang bata na nakita kong iniwan sa harap ng gate nito. Kaya sobrang lapit ng loob ko sa bata na 'yon."

"Ate!"


"Gano—" Magsasalita pa sana si Sejun pero di niya na natuloy kasi dumating si Hana.

"Ate, Sir. Maraming Salamat po ah! Dahil sainyo masaya po yung birthday ko ngayon. Sir, salamat po at naisingit niyo po ako sa oras ninyo. Ate, salamat kasi tinupad mo yung pangako mo. Sana maging successful ka po para maging doctor ka na at magamot mo po ako. Alam kong matagal pa yung susunod nating pagkikita kasi busy kayo pero gusto ko lang sabihin na, salamat talaga sainyo."

That time, I saw how soft he is. Lumuhod siya para maging kapantay niya si Hana. Niyakap niya 'to at sinabihang... "Babalik kami... sa susunod."

Sa mga oras na 'yon. Yung taong inaakala kong masama yung ugali, nagbago at binago ang paningin ko. 

BE WITH SB19 SEJUN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon