Kabanata 9

554 27 8
                                    

Kabanata 9

Ang bilis ng panahon. Kasalukuyan akong nakatingin sakaniya na nagpeperform sa stage. Nililibot ko yung paningin ko doon sa mga fans. Sobra silang nag-eenjoy sa nakikita nila, yung iba naka-video at kumukuha ng larawan. Yung iba naman kahit naiinitan, pinagpapawisan at nasisiksik eh Masaya padin yung mga mukha nila. Naalala ko tuloy yung sarili ko, bilang isang fan—alam ko yung saya na nakukuha sa pagfafangirl.

Nilipat ko yung tingin ko kay Sejun, sabay buntong hininga. Huling linggo ko na pala bilang assistant niya, kailangan ko na siyang iwan. Babalik na ako sa dati kong buhay, estudyante at isang fan girl. Kung kailan naman napapalapit na ako sakaniya, saka naman kailangan tapusin na. Ganon naman siguro lahat no? Kapag mali, dapat hangga't maaga itigil na.

Magsisinungaling ako kung hindi ako aamin na, oo, nagugustuhan ko na siya. Like hello? Sino ba naman ang hindi mahuhulog sakaniya? Matalino, maalalahanin, magaling sumayaw, magaling kumanta, magaling magsulat at gumawa ng kanta, mabait, malambing, sobrang jolly—as in yung mga bagay na makikita mo lang sa isang perpektong lalaki yung mga katangian niya. Kaya ayon, aminado akong nahulog ako. Naalala ko tuloy yung tinuruan niya akong magluto ng itlog, sobrang proud siya non.

"Dapat lalagyan mo ng tubig bago mo takpan para yung pula sa loob maganda..." aniya sabay kuha nung pantakip sa kawali. Tapos nung triny ko nagsitalamsikan yung mantika sakin at sa pisngi ko tumama 'yon. Grabe yung kilig ko that time kasi bigla niya akong hinila paharap sakaniya at inilapit niya yung mukha niya sakin. Pigil na pigil yung paghinga ko, sobrang lapit. Konting galaw lang eh mahahalikan ko na siya.

"Masakit ba?" tanong niya. Hindi ko alam kung tatango ako o magsasalita dahil sa sobrang lapit niya saakin. Ang ginawa ko nalang eh umiwas ako at dumistansya ng kaunti para makahinga.

"H-Hindi... O-Okay naman na ako. Ako na gagamot nito!" sabi ko. Alam kong namumula ako nung time na 'yon.

"Buti na lang at maliit lang, ako na lang dito. Antayin mo nalang ako diyan." Sabi niya. Promise, habang sinusuot niya yung apron—hindi ko alam kung ano yung gagawin ko. Yung paghagod niya sa buhok niya, wala—sobrang—uh! Basta di ko mapaliwanag eh. Kikiligin ka talaga!

Naalala ko din nung pumunta ako sa apartment nila ng 1 AM. Napangiti ako bigla habang inaalala yon. Paano kasi, ang loko, madaling araw na hindi padin tulog at ginising pa ako. 
Nagrereview ako that time tapos nagulat ako ng nagriring na yung phone ko. Nakita ko kaagad yung name niya sa caller ID, kaya naman sinagot ko. 


"Oh? Madaling araw na ah." bungad ko.

"Hazel..."

Parang paiyak na yung boses niya kaya nagworry ako. "Hala! Anong nangyayare sayo?"

"Punta ka sa dorm. Please tapos daan ka ng 7/11 bili ka doon ng hotdogs or big bites. Nagugutom ako and I am craving for hotdogs tapos wala na pala kaming stock sa fridge."
paliwanag niya.

That time hindi ko alam yung gagawin ko. At the middle of the night? Gusto ko sanang sabihin na, Naglilihi ka ba? Daig niya pa yung buntis. Pero dahil isa lang naman akong PA, eh lumabas ako ng bahay at nag-angkas. Binilhan ko siya ng sandamakmak na hotdogs and big bites, bitbit ko pa yung libro ko na Seeley, wala akong nagawa. Habang siya gumagawa ng kanta, ako naman nagrereview for my online test. Mabuti na nga lang at di ako hinanap ni mama, mga 3 AM umuwi na din kasi ako. Hays, yung kumag talaga na 'yon. 


Pero mukhang hanggang doon nalang lahat ng masasaya naming alala. Pagkatapos ng linggong 'to, kailangan ko na siyang kalimutan at isipin ang propesyon ko. Kailangan ko nang harapin ang bukas na wala siya. Mukhang magiging fan girl nalang niya ako.

Kasabay ng pagtapos niya ng pagpeperform ay natapos na din yung pagrereminisce ko. Bumaba sila sa stage at agad na dumiretso sa tent nila. Hindi din ako nagtagal sa pwesto ko at sinundan ko na din sila. Nakatayo lang ako sa labas, nagdadalawang isip ako kung papasok pa ba ako o hindi? Pero watdaheck! It's my joooob. Kaya kahit nagdadalawang isip ako, pumasok padin ako sa loob at tinulungan siyang mag-ayos ng mga damit niya.

This will be my last week for this job. Kailangan may magawa ako to thank him. Gusto ko, yung linggong 'to ay hindi ko malilimutan.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Sejun.
"Oo naman, may iniisip lang ako." Sagot ko habang nagpapatuloy sa pagliligpit ng gamit niya. Pagkatapos ko non ay hinarap ko siya, "Pagkatapos nito may gagawin ka ba?"

Kita ko siyang natigilan sandali, nakipagtitigan ako sakaniya. Yung maamo niyang mukha, yung buhok niyang makapal, yung awra niya na kala mo laging naka busangot at bugnutin—lahat yon mamimiss ko. Ilang saglit lang ay sumagot siya, "Wala naman."

I smiled, "Tara, gala tayo. Libre ko?"

He smiled, we both smiled. Ngiti na sana hindi na mawala pa.

----------
Author's note: Salamat sa pagbabasa! Na-eengayo akong mag-update kapag nababasa ko po yung mga comments ninyo. Nga pala, more characters to come from Sejun stans!

BE WITH SB19 SEJUN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon