Kabanata 21

440 31 6
                                    

Kabanata 21

Pikit padin ang mga mata ko pero naririnig ko yung mga ingay sa palagid ko.

“Dalhin na kaya natin si Hazel sa hospital?" rinig ko sa boses pero sigurado akong si auntie Lindy iyong nagsalita.

Baka dala lang ng pagod sa hospital ate...”

Unti unti akong bumuntong hininga at dahan-dahang iminulat ang aking mga mata. Medyo malabo pa ang naaninag ko pero nakahulma na ang dalawang tao sa harap ko na mukhang ang dalawang auntie ko.

Pikit-dilat-pikit-dilat ang ginawa ko para magkaroon na nang linawa ang paningin ko at luckily luminaw din.

Kita ko sa mga mukha nila auntie na kinakabahan sila. “Auntie...” bulong ko.

Medyo nanghihina pa kasi ako. Sinubukan ko na maupo pero agad din akong inawat nila auntie.

"Hazel, wag mo na munang subukang maupo, humiga ka muna diyan at magpahinga. Napapansin namin ng auntie Luna mo na napapadalas ang hilong nararamdaman mo. Sinubukan mo na bang magpatingin?" ani auntie Lindy.

"Auntie, dala lang po ito ng pagod sa hospital. VIP po kasi ang pasyente ko so kinakailangan doble effort po. Isa pa minsan nasa ER din po ako." paliwanag ko.

Sila Auntie Lindy at Luna na kasi ang kasama ko dito simula nung manirahan at mag-aral ako dito sa California. Kumabaga parang sila ang naging nanay ko dito. Kapatid sila ni Papa.

Agad lumapit saakin si auntie Luna at abot ng isang basong tubig. “Inumin mo ito, Hazel. Baka sakaling nakukulangan ka lang sa tubig at pahinga. Sige na, magpahinga ka na muna sa ngayon. Dadalhan ka nalang namin ng makakain dito mamaya. Mabuti na lamang at naidala ka kaagad dito ng kapitbahay natin bago ka matumba sa sahig sa harap ng pintuan.” paliwanag ni auntie.


Tumango ako at ininom ang inabot niya. “Salamat po mga auntie. Ako'y magpapahinga na po. Salamat po!”

Agad akong humiga. Kailangan kong maging okay para bukas. Bumuntong-hininga ako kasabay ng unti-unting pagusbong ng saya saakin. Napangiti ako bigla.

Makikita ko na siya, mahahawakan at malalapitan.

Habang nakapikit ako at nagiimagine ng mga bagay kasama siya eh parang bigla akong naalimpungatan bigla. Unti-unti kong iminulat yung mga mata ko.

Para na talaga akong fan nila? Kasi dati, di ko kailangan makipagsiksikan, maki-usap, makipila para lang malapitan siya. Pero ngayon? Iba na. Kailangan kong maki-usap sa nakakataas sakin at mag-ingat ng sobra para lang malapitan siya.

“Ang layo na nang agwat natin Sejun. Ang taas mo, tapos ako ni wala pa sa kalahati mo.” bulong ko sa sarili ko.

Napakamot nalang ako sa ulo dahil sa mga naiisip ko. “Ang OA ko na.”

Ipinikit ko nalang uli yung mga mata ko para makatulog na at hayaan ang sarili na makapagpahinga na.

Kinaumagahan, maaga akong nagising dahil sa malakas na ingay ng alarm clock ko. Hindi naman dahil sa excited ako pero yung aura ko today. Ganado akong pumasok sa trabaho dahil alam kong makikita ko siya.

Habang nasa byahe ako ay tinetext ako ng head nurse, tinatanong na daw ng mga staff ng SBT kung nasaan na daw yung magiging Personal Nurse ni Sejun.

“Yes ma'am, I'm on my way. I won't be late I swear." sagot ko sa tawag bago ito ibaba. Hindi mawala yung ngiti ko sa mga labi ko.

History repeat itself. I am his personal chuchu again. Malapit-lapit na ako sa hospital at yung saya na nararamdaman ko ngayon ay sobra-sobra.

Malalapitan ko na siya ulit nang kagaya dati, maaalagaan ko na siya, mababantayan at kung ano ano pa. Napailing ako ng marating ko ang hospital.

Tinitigan ko ang hospital mula sa labas. “Finally, be with SB19 Sejun is the best decision I made. I won't give up this time. Hindi na ako tatakas, aalis at susuko. I will fight my love for him—even if it will hurts me.”

While I am entering the hospital, nagtext saakin si head nurse “I am already inside of Mr. Nase's room. I'll wait you here, we are just waiting for you.”

Yes ma'am, I am already inside the elevator.” Kinakabahan pero masaya. Ibinaba ko ang tawag at agad na pumunta sa kwarto ni Sejun.

Nang nasa tapat na ako ng pintuan ng kwarto ay walang pagdadalawang isip na itinulak ko iyon. Halos maluwa ang mata ko nang makita ang mga staffs noon, ang manager nila at ang boys. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng ilibot ko ang mga mata ko.

“Oh she's here. It's her. This is nurse Lopena, she'll be responsible for Mr. Nase's health monitoring and all. She will be his personal nurse.” Lumapit saakin ang head nurse at ipinakilala ako sakanila. Everyone was shocked. Of course, they knew me and I knew them as well.

Pero hindi iyon ang rason kung bakit ako natigilan. Ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon ay dahil nakita ko si Sejun, hindi tulog kundi gising na gising. Parehas na nagtama ang aming mga mata.

“S-Sejun?”

BE WITH SB19 SEJUN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon