Kabanata 1

1.7K 45 1
                                        

KABANATA 1

Ayoko na. Naiiyak na naman ako. Feeling ko wala na naman akong ganap sa mundo. Alam niyo bang ako na ata ang pinakamalas na tao sa mundo. Yung 10,000 na pambayad ko sana sa internship ko ay napunta lang saw ala. As in wala! Alam niyo kung bakit? Kasi ganito 'yon, gustong-gusto kong pumunta doon sa concert ng favorite KPOP group na gusto ko tapos nagchat saakin yung kakilala ko na may nagbebenta daw ng ticket, VIP mamsh with free visit sa backstage sa halagang 10,000 pesos.

Mamsh! Sino ako para tumanggi diba? 10k, isang araw man yan o hindi. Bibihira lang sila makapunta dito sa pilipinas tapos ganyan lang kamura yung VIP ticket?! Eh ako naman si tanga sakto na binigyan ako ng pera ng magulang ko para sana pambayad sa pag-iinternan ko na hospital dahil graduating na ako BS Nursing. Alam niyo naman ang gastusin ng mga pre-med courses, pamatay ng bulsa.

At ito na nga, pinagkatiwalaan ko yung kakilala ko. Yung pera na pang-intern ko sana eh pina-LBC ko at binili ko 'yung ticket. We still have communication before the even pero walang hiya! Nung concert na mismo hindi ako pinapasok.

"Ma'am, hindi po kayo pwedeng pumasok!" ani nung guard.

Bigla akong kinabahan. I wore my best fangirling outfit for tonight tapos yung galing Korea pa na inorder ko na lightstick ay bibinyagan ko ngayon ang bitbit ko.

"Ay! Bakit po kuya? Wala naman po akong deadly weapon na dala. Wala po akong big cameras na dala. Fangirl na fangirl naman po ang outfit ko? May ticket naman po ako—.."

"Ayon po ang problema ma'am. Invalid po ang ticket niyo. Ibig sabihin po fake ma'am. Sa cardboard lang po ata ipinrint ito ma'am eh!"

Halos gumuho yung mundo ko nang marinig ko yung sinabi saakin nung guard. Hala?! Imposible, di ako lolokohin nung kakilala ko. Gusto ko mang makipagtalo kay kuya gurad ay hindi ko na nagawa pa dahil puro bulyaw at reklamo ng mga fans na nakapila sa likuran ko ang naririnig ko.

Hala uy! Walang nagsisink-in saakin. Kinuha ko kaagad ang phone ko at kinontak ko yung pinagbilhan ko ng ticket maski ang kakilala ko, pero bullshit hindi ko na sila makontak. Natumba ako sa kinatatayuan ko at nanlumo. Yung pera na pang bayad ko sa hospital para makapag-intern ako ay ginastos ko para lang sa isang scammer?!

Kanina pa ko umiiyak. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kila mama ang nangyari. Hindi kami ganoon kayaman at saan ko naman kukunin uli ang ganoong kalaking pera. Dahil sa wala na akong matakbuhan eh agad kong kinontak yung kaibigan kong si Juls. Kailangan na kailangan ko ng makakusap ngayon. Tanginaaa!

"Juls. Asaan ka? May masamang nangyari saakin ngayon!" sabi ko sakaniya sa telepono.

"Hala be. Nasa Concert ako ngayon nung KPOP group na gusto natin—teka be, AHHHH!! AYAN NA SILA!! Be kita nalang tayoo AHHHHH!"

Pinatay ko na kaagad ang cellphone ko. Anak ng kamote naman, Hazel! Kapag minalas-malas ka nga naman talaga.

Dahil nga wala akong nagawa, 500 pesos nalang ang laman ng wallet ko. Sa Muntinlupa pa ako nauwi, wala pa akong kakilala dito. Isa lang naman ang gusto ko eh, syempre matupad ang pangarap ng isang fan girl. Yung makita ang mga oppa nila pero mukhang hinding-hindi saakin umaayon ang tadhana. Ako na ata ang pinaka-malas na fangirl sa buong mundo.

Tumayo ako at napag-isipan na umuwi nalang sa bahay tutal wala naman na akong magagawa dito. Invalid ticket ko, wala akong kaibigan at kasama ngayon. Uuwi nalang ako. Naglakad ako papuntang terminal ng mga SUV papuntang Sucat. Oh baka naman malasin pa 'ko dito ah!

Habang nag-aantay ako sa sasakyan, hindi ko magawang buksan ang cellphone ko. Even my social media sites ay ayaw kong buksan dahil paniguradong mga updates lang sa concert ang makikita ko na paniguradong ika-puputok ng butchi ko.

Halos isang oras na ang nakalipas ni isang SUV walang dumaan— "Ano na? Malas ka talaga Hazel! May balat ka ata sa pwet!"

Ayoko nang umiyak. Na-iscam na nga ako, ayaw pa ata akong pauwiin. Siguro umulan ng kamalasan kanina nasalo ko ang lahat! Ayoko na! Namomroblema na nga ako saan ko kukunin 'yung sampung libo eh.

"Ay ma'am magandang gabi po. Nag-hahanap po ba kayo ng part-time job?—"

PART TIME JOB?!

Agad akong napalingon doon sa nagsasalita. "Anong sinabi mo po kuya?"

"Ah eh! Part time job po. Naghahanap po kasi kami ng mga talents and staff sa kompanya, ma'am. Akala ko po kasi naghahanap kayo ng trabaho kasi kanina pa po kayo naka-tulala sa tarpaulin namin."

Napakisap mata ako sa sinabi ni kuya. Medyo bata pa ang itsura ni kuya pero mukha namang mapapagkatiwalaan. Ayun kasi ang problema ko, madali akong magtiwala!

"Ay-oo kuya! Kanina pa po ako naghahanap ng part-time job po! Ano po bang hinahanap niyo?" tanong ko kay kuya.

"Ay ma'am. Baka estudyante pa po kayo at baka busy masyado ang schedule niyo ma'am baka di ninyo kayanin." ani ni kuya.

Ta mo 'to si kuya. Pa-approach-approach pa saakin nalalaman kanina tapos paaasahin lang pala ako. "Dali na kuya. Keri ko 'yan basta hindi magbebenta ng laman at hindi scam."

Ngumiti ng malawak si kuya saka tumango. "Ay oo ma'am. Hindi po kami ganon. Ito po—" Inabutan ako ni kuya ng isang flyer. "We're looking for a part timer and regular pero sa kaso mo po mukhang part-timer ka lang po. So we are offering personal assistant pos a mga part-timers. Okay ka lang po ba doon ma'am?"

Napakunot ang noo ko. Okay lang naman siguro 'to eh. "Magkano po ba bigayan nito?"

"10k ma'am sa loob ng isang buwan.'"

Agad nagpantig ang mga tenga ko. Hindi na pala ako minamalas ngayon. HAHAHA binabawi ko na. Nako hulog ka ng langit kuya!

"Nako, kuya. Game ako dito! Kailan ba ako mag-iistart?"

"Ay ma'am. Bukas po pumunta po muna kayo sa opisina ho naming. Nakalagay pos a flyer yung address para mainterview na din po naming kayo then syempre prepare po yung inyong documents para mabilis na po ang proseso."

Kung kanina mugtong-mugto ang mata ko kakaiyak dahil sa kamalasan ko kanina, ngayon naman halos mapunit ang labi ko kakangiti dahil sa mabilis na sagot sa problema ko. The best ka talaga G!

BE WITH SB19 SEJUN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon