Kabanata 2

908 35 6
                                    


KABANATA 2

"Oh anak, saan ka pupunta at bihis na bihis ka?" tanong ni mama saakin. Shit! Nahuli ako.

Napatayo ako ng tayo at napasuklay sa buhok. Agad kong kinuha ang body bag ko. "Pupunta po akong school ma, papasa po requirements for internship po."

Hala ma, sorry kailangan kong magsinungaling. Hoy! Masama ang magsinungaling ah. Wag niyo akong gagayahin. Pero sa kaso ko kasi ngayon, baka paluin ako at patigilin pa ako. Dinala ko nadin ang med kit ko para talagang pupunta akong school.

Tinalikuran ko si mama, pero bigla niya akong tinawag uli, shit! "Hazel!"

"Yes ma?" hinarap ko kaagad siya. "Pinapatanong ng papa mo kung nasaan daw yung resibo doon sa pinagbayaran mo ng 10 thousand?" tanong ni mama.

Hala lagot na. Anong ipapakita ko? Yung resibo ng binili kong punyetang fake na ticket? Uh-oh! Hindi pupwede, lalo akong malalagot nito. "A-Ah ma, sige po tatanungin ko po kung may OR na po."

Big big liar, Hazel. Para hindi na ako ma-corner ni mama ay agad akong umalis na, yung karipas ko parang hinahabol ng sampung cheetah. Sinearch ko kaagad ang lugar na pupuntahan ko, I brought all the documents needed. PARA SA 10 THOUSAND! LABAN!

Pagod, stress, problema at halo-halo lahat ang iniisip ko kaya di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Tulo laway pa nga ako eh, sana walang nagvideo at nagpicture saakin baka mag-viral pa ako. Mabuti na lang at tamang lugar ang binabaan ko pero di ko alam saan mismo dito yung saktong building eh. Kaya naman pakapalan na ng mukha, lumapit ako kay kuya na mukhang nagtatricycle.

"Manong, pwede pong magtanong?" magalang na wika ko.

"Ay ano po 'yon ma'am?"

Inilabas ko ang aking mapa. Ey! Dora is in the house! Charooot! Yung brochure yung inilabas ko at itinuro ko yung address. "Saan poi tong lugar na 'to kuya?"

"Medyo may kalayuan pa po 'to kung lalakarin niyo po." Sagot ni kuyang nagta-tricycle. Bagka bogus ka din kuya ah! Hmp.

Napakamot ako sa batok ko. "Wala po bang jeep na masasakyan na dumadaan dito?" tanong ko. Umiling si manong drayber. "Wala ma'am. Diretso po kasi ang mga dyip dito at hindi po sila lumiliko kada kanto. Pero ma'am gusto niyo po ihatid ko kayo doon? Singkwenta lang po (50)!"

WHAT?! FIFTY?! Naknampusang gala oh! Ito din si kuya eh makakuha lang ng pasahero eh. "Baka naman kuya pwedeng bente-singko (25) nalang. Di ka na ata lugi non kuya."

Tinignan ko muli ang drawing, mukha naman nang malapit 'to. Nagdadalawang isip pa si kuya. Ayaw pa atang patusin, pektusan ko 'to eh. "Dali na kuya!"

"Pero ma'am. Special po kasi eh—" aniya. Umiling ako, kaya pala mahal eh.
"Nako kuya, 'wag na po kahit mag-antay pa po tayo ng isa o kahit ilan pa basta mapapamura yung pamasahe ko go lang po."

Walang nagawa si kuya. We waited for almost 2 to 4 minutes bago kami naka-alis dahil okay lang naman saakin, wala naman silang sinabing call time eh. Nang maihatid ako ni manong ay agad ko siyang binayaran. Pagbaba ko ay bumungad kaagad saakin ang malalaking letra na may nakasulat na SHOWBT PHILIPPINES. This is it pancit! The 10k is here! Isang buwan lang Hazel. Kaya mo yan!

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, pumasok agad ako at nagtanong as front desk. "Hello po, I'm here for an interview."

"Good morning ma'am. Just go straight then left po, yung 1st room po ang for interview." sabi ng babae. Bago umalis ay ngumiti ako at nagpsalamat. I love the ambiance here!

Kagaya ng sinabi ng babae, dumirederetso ako saka lumiko sa kaliwa. Huh? Saan dito? Eh paano naman kasi, pagkaliwa ko eh lobby tapos may apat na kwarto dito. Saang pintuan ang bubuksan ko? Pero sabi ng babae kaliwa daw yung 1st room daw. Sige na nga, yung first door daw sa kaliwa.

BE WITH SB19 SEJUN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon