Kabanata 11

605 29 3
                                    

Kabanata 11

Day 4. May lakad sila ngayon at kailangan nilang mamili ng mga gamit at damit nila kaya naman hindi ko alam kung anong magandang gawin ngayon. Mag-mamall lang naman kami magdamag eh. Paano ko kaya magagawang espesyal 'yon? Kasi paniguradong after mag-mall eh magpapractice sila at wala na kaming time para gumala.

"Bahala na nga..." bulong ko habang inaantay siya sa labas ng van.

"Okay okay. I'll be there, just give me an hour... Yes... Okay okay..." ani nung manager nila. Napatinggin ako doon. Nakita ko yung manager nila na may kausap sa phone, nung napansin niyang nakatingin ako sakaniya eh tinignan niya din ako.

"Oh, ikaw sasama sakanila ngayon diba?" tanong niya saakin. Ngumiti ako, "Yes po ma'am, hindi po ba kayo sasama?"

She shook her head, "I had an emergency, ikaw nalang muna sumama sakanila ngayon."

Nanlaki yung mata ko. A-Ako? Ako lang mag-isa? Y-Yung limang 'yon yung babantayan ko ngayon?! Isa nga lang feeling ko magiging puti na yung buhok ko, lima pa kaya?

"Nope, may dalawa ka pang kasama tas yung driver. Don't worry mag vovlog lang naman ang mga boys eh. Hindi naman sila magpapasaway." aniya.

Napa-buntong hininga ako. Yare, o-okay? Ilang saglit lang ay lumabas na nga sila ng building at bumungad saakin si Stell na may dalang cellphone na paniguradong nagvovlog na nga siya. Nang makita niya ako ay ibinaba niya ang camera at binati ako, ganoon din naman ang ginawa ng iba maliban kay Sejun na nasa huli.

"Hi Hazel! Ganda mo ngayon ah." puri niya. Ngumiti ako sakaniya at, "Salamat! Ikaw din, ang gwapo mo ngayon..." nahihiya ko pang sabi.

Tumawa si Stell, "Ay, ngayon lang ba?"

Umiling ako at "H-Hind—", hindi ko pa nga natatapos yung sinasabi ko ng biglang may sumingit na isa.

"Ang landi mo talaga, Stell. Kakaharot mo baka bukas pa tayo makakaalis." sabi ng killjoy na si Sejun.

Ngumiti si Stell na para bang nanunukso. "Lolo mo, selos ka lang eh." aniya kay Sejun saka siya pumasok sa loob ng van. So naiwan kami ni Sejun sa labas, tinitigan ko lang siya pero ang sama ng tingin ng kumag—ayaw patalo.

"Di ka pa sasakay? Ikaw nga may sabi, baka bukas pa tayo makaalis pag di ka pa pumasok..." sabi ko sakaniya. Pero hindi siya nagsalita kaya naman nauna na akong pumasok. "Bahala ka diyan..."

Di rin nagtagal eh sumunod na siya. Habang nasa biyahe kami ay sumusulyap ako sakaniya, at nakikita ko sa rear mirror na di siya masyadong nakikisama sa vlog nila. Ang tahimik ng kumag, masama ata ang gising or gutom ata. Hmmnn... Alam ko na!

Humarap ako sakanila at nagsalita. "Guys, papalaro ako. I-vlog niyo 'to, ang mananalo lilibre ko ng hotdog sandwich!"

"Ha? Weh?" ani Justin.

"G ako!" ani Ken.

"Seryoso? Go ako!" ani Stell na tuwang tuwa habang nagsasalita sa harap ng camera. "So ayon nga A'TIN, may palaro yung kasama namin kasi traffic so cheer niyo ko mga mahal! Asaan ang mga stellberries ko?" ani Stell habang umaacting sa harap ng camera niya.

"Mukhang si Sejun lang ang mag-eenjoy sa prize eh." ani Josh. I cleared my throat, actually nagpalaro talaga ako for him. Mukhang wala sa mood.Tinitigan ko si Josh, mukhang nagets naman niya yung gusto kong sabihin. "Sumali ka na dre, saying yung hotdog oh."

"Asaan ang mga hotdogs ni Sejun?! Mag-ingay!" ani Stell sa harap ng camera na parang may kausap doon.

Tinignan ko si Sej and I saw him gulped. "Sige na nga, pasalamat kayo gutom ako."

BE WITH SB19 SEJUN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon