Kabanata 12

640 33 17
                                    

Kabanata 12

"Ateeee! Oh my gosh. Tignan mo 'to! Ni-like nung idol ko tweet ko sa Twitter! Tignan mo ate, dali!" boses ng kapatid kong si Ruth ang nagpagising saakin.

Parang sira yung kapatid ko kasi nilalapit niya talaga yung phone sa mata ko para makita lang na ni-like nung idol niya yung tweet niya. Bibihira lang kami mag-abot sa bahay ni Ruth. She's my 18 years old sister at isang senior high student. Pag gising ako, tulog siya. Pag-uuwi ako, tulog na siya. Pag-gigising ako sa umaga, tulog padin siya. Kaya asar ko sakaniya aswang eh, wala kami masyadong interaction kasi laging tulog. Kaya lang kami nagkatagpo kasi di ako pumasok, badtrip ako kay Sejun. Bahala siya!

Tumihaya ako para makita ko ng maayos yung pinapakita niya saakin. "Oh my gosh ate! H-Hindi ako maka—AHHHHHHH! Ate, na-notice na ako! Di na ako sawi." Tuwang tuwa na sabi niya.

Tinignan ko ng maayos kung ano 'yon pero di malinaw since kagigising ko lang. Kahit di ko masyadong nakita yung nakalagay sa phone niya ay tumango nalang ako, "Nice, magaling 'yan. Berigud." walang gana kong sabi, syempre kagigising ko lang eh. "Ipagpatuloy mo lang 'yang kaka-kpop mo..." na nakakapagpaloka saakin.

Nagulat ako ng hinampas ako ni Ruth. "Ate naman eh! Hindi 'to kpop. Sa tingin mo ba maiintindihan nila yung tweet ko? Ate PPOP 'to, may boyband na tayo. SB19!! Ni-like nung bias ko yung twee—"

"—Ha?! What?" Bigla akong napabangon at napa-upo. "S-Sinong bias mo doon ha?" Hindi naman siguro si ano 'yon diba?

Pinaningkitan ako ng mata ni Ruth. "Ikaw ate ah... fan ka din pala huh?" asar niya pa. "Ayaw kong sabihin! Mamaya agawan mo pa ako ng bias eh."

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Sino nga? Bibigwasan kita!" inis kong sagot.

"Ayaw! Di ka nalang matuwa para saakin ate. Ni-like niya oh! " umiling siya at nilayo ang phone niya sakin. "Kay kuya Lyle na nga lang ako! Bahala ka diyan!"

Bumuntong-hininga ako. Ayan na naman siya, hahanap ng kakampi kay kuya Lyle. Palibhasa ini-ispoil ni kuya eh. Tatlo kami kaya kapag hindi makahanap ng kakampi saakin si Ruth eh kay kuya Lyle siya pumupunta.

"I am so happy for you kaya nga sabihin mo na!" pilit ko.

Sumimangot ang bata. "Bakit ang big deal nito sayo ate! Oo na! Si Sejun po bias ko—diyan ka na nga, pupunta nalang ako kay kuya Lyle." sabi ni Ruth sabay walk-out.

Oh no! Paano kapag nalaman ni Ruth na personal assistant ako ng idol niya—bias niya pa. Di pupwede! Kinuha ko yung phone ko at pinower on ko. There, I saw almost 100 missed calls and text. Yare! Karamihan ay kay Sejun 'yon, yung iba sa manager tas sa ibang staff. They're looking for me. Inisa-isa ko talagang binasa 'yon.

From: Sejun

Hey, sorry...

From: Sejun

I'm really sorry. Napaka-insensitive ko lang talaga kahapon, sorry na.

Insensitive? Oo talaga! Hmp.

From: Sejun

Wag ka nang magalit, gala tayo?

'yan tayo eh, palibhasa alam na alam mo kung paano ako masusuyo. Bahala ka diyan! Nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa ng message niya.

From: Sejun

Please answer my calls, are you okay?

Okay mo lolo mo! Sayang yung reservation ko kahapon, kainis ka.

BE WITH SB19 SEJUN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon