Kabanata 5

614 23 7
                                    

All smile akong pumasok sa kompaniya wearing my scrubsuit dahil may duty ako mamaya. Hays uwing iniisip ko yung duty naalala ko yung 10k na kailangan kong bunuin dito para sa internship ko. Pero bago ang lahat ng 'yon kailangan ko munang maging mabait sa boss ko para mapaki-usapan ko siyang bisitahin ang RDC para sa birthday ni Hana.

"Good morning sir Sejun!" masaya kong sabi sabay bit-bit at pakita sakaniya yung dala kong isang coffee at crossaint na nakasupot.

Nanlaki agad ang mata ko ng napagtanto kong hindi siya nag-iisa doon sa dressing room na una naming pinagkitaan. I saw other 4 mens sitting pretty doon at mukhang nag-uusap usap sila at nagtatawanan.

"O-Opps, di ko ko alam na may kasama ka dito... antay nalang ako sa labas sir." mahina kong sabi. Ang awkward kasi saktong pag-open ko ng pinto lahat sila tumigil sa ginagawa at sabay na napatingin saakin. As in SABAY!

"Hindi na miss, hindi naman importante yung pinag-uusapan namin." Bangit ng isa na blonde yung buhok tas mukhang baby face, siya yung pinakamaliit sakaniya. "Hindi mo naman sinabi saamin Sejun na may yaya ka na pala."

Medyo kumunot yung noo ko. Do I look like a yaya to him? Alam ba ng lalaking 'to yung scrubsuit at nanny's uniform huh? Konyatan ko 'to eh!

"Hindi ko siya yaya, Josh. She's my personal assistant." aniya. Napatingin agad ako sakaniya, our eyes met and again nahyhypnotize talaga ako tuwing tumitingin ako sa mata niya. Nakakaasar, yung mga salita ko biglang hindi ko na mahagilap. Tapos yung way ng pagtingin niya pa saakin ay yung tingin na papagalitan ka na naman niya. Feel me?

Una akong nag-iwas ng tingin kaya wala siyang nagawa kundi umiwas din, I heard his sighs after. "Anyway, she's Hazel Lopena my P.A. Hazel..." pakilala niya saakin doon sa mga kasama niya.

"Po?" napatingin agad ako sakaniya pagbanggit niya ng pangalan ko.

"This is Josh.." turo niya sa lalaking tumawag saakin ng yaya. Hmp! Josh pala ah.

"Hi, Hazel... sorry, kala ko yaya ka ni Sejun, pero alam ko namang imposible kasi ang ganda mo." Banat pa! Sasagot sana ako at babarahin siya ng biglang tumikhim si Sejun kaya nakuha na naman niya yung atensyon ko.

"This is Justin..." turo naman niya yung matangkad na mukhang bata pa. "Hello ate Hazel! Jah nalang tawag mo saakin since mukha namang magka-age tayo tas nursing student ka eh, alam ko din school mo." sabi naman ni Justin. Nanlaki yung mata ko at ngumiti nalang, napansin kong nakatingin si Jah sa logo ng uniform ko.

"I'm Stell, their heavenly voice, main vocalist ng grupo nice to meet you, Hazel." Sabi naman ni Stell, ngumiti ako ulit sakaniya.

"Hi Hazel, it's yo boy Ken ang sexiest main dancer ng SB19." pakilala naman nung isa na relax na relax lang at naka-earphones.

It's awkward. Tumingin ako kay Sejun at nahalata ko na medyo hindi din siya komportable kaya naman lumapit ako sakaniya at inabot yung food na binili ko. "Good morning ulit, inihatid ko lang 'to sayo kasi baka di ka pa kumakain eh. Antayin nalang kita sa labas, sir." bulong ko sakaniya, halata ko na nagulat siya sa ginawa ko.

"Hello sainyo, I'm Hazel Lopena graduating Nursing Student ng Makati U. and personal assistant ni sir Sejun po for a month, sana maging close tayo or kahit in good terms lang. Thank you!"

Narinig ko yung pagpipigil ng tawa at pagtikhim ng mga ka-grupo niya kaya naman nagpakilala at nagpa-alam na din ako sakanila matapos kong i-abot sakaniya yung binili ko. Nasapo ko yung noo ko matapos kong lumabas ng dressing room niya ay na-upo ako doon sa sofa. Hinawakan ko yung dibdib ko, gosh ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Normal pa ba 'to?

Ang bilis naman ng tibok ng puso ko, siguro nadadala lang ako ng mga panyayari. Hello?! Ni hindi ko nga makuha yung ugali ni Sejun kaya imposible na magustuhan ko siya. Hindi! Di pwede 'to! Umiling nalang ako at bumuntong-hininga ng paulit-ulit. Kailangan ko lang siguro na mag-aral para mawala 'tong kalokohan na 'to.

Kinuha ko yung bag pack ko at inilabas yung aking laptop. Earphones, med-surgs na libro, yung aking notepad at ballpen. After kong buksan yung laptop ko at ikinabit ko na yung earphones ko tapos nanood ng med-surgs videos. Inaral ko yung Cardiovascular System at syempre nag-notes nadin ako.

Focus na focus ako sa pinapanood ko dahil isa ang Cardio sa pinakapaborito kong lesson. For me, Heart is very important. Well if you're in my field, definitely your answer might be Brain but for me it's heart. That's why it is located in the center dahil may reason ito. Heart is responsible for pumping blood and somehow sending/receiving oxygenated and deoxygenated blood throughout our body. Marami ka talagang importanteng malalaman sa heart kaya sobrang interesado ako dito.

Sa sobrang tagal kong nakatutok sa laptop ako ay di ko namalayan ang oras. Nang matapos ako sa ika sampung video na napanood ko ay nabigla ako ng tignan ko ang oras. "Uy, hala! Shit!"

Dali-dali kong isinara yung laptop ko at niligpit yung gamit ko. It's already 11:35 AM, "Lagot ako kay Sejun nito..."

"Don't worry, kanina pa okay yung morning schedule ko."

Natigilan ako lalo nang marinig ko yung boses na 'yon. Agad akong nag-angat ng tingin sa nagsalita. Lagot na! Napalunok ako ng sarili kong laway ng di inaasahan. Our eyes met, and again nakaramdam naman ako ng kabog ng dibdib. His gaze sent shivers to my spines, and now I don't know kung bakit ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Is it because I'm worried dahil baka pagalitan niya ako or something else?

"S-Sorry... di ko namalayan yung oras." paumanhin ko, dali-dali akong nag-iwas ng tingin at tumayo. "P-Punta na tayo sa next schedule mo sir..."

"Para saan pa?" medyo galit ang tono niya. Dahil doon ay napatingin ulit ako sakaniya at kinunutan ko siya ng noo. "Ang simple lang ng trabaho mo Ms. Lopena pero hindi mo magawa, sabihin mo lang kung nahihirapan ka so we can replace you immediately. Hindi yung kami ang mag-aadjust ng schedule for you. Don't you know na I'm here for 3 hours, I cancelled our dance practice para lang mapansin mo na kanina pa kita inaantay tapos hindi mo manlang ako naramdaman?"

Huminga ako ng malalim. Nakakaramdam na ako ng hindi magandang mangyayari ngayon dito. Hinarap ko siya. "Sir, di ko naman po sinabing i-adjust niyo yung schedule niyo para saakin. Tapos di ko naman alam na kanina ka pa andyan eh. Hindi ko naman sinabi na antayin mo po ako..."

"Aba't—"

"Atsaka sir, kung nagpapansin ka pala sir sana kinalabit mo ko diba?"

Biglang naging hindi komportable yung mukha niya. "E—Eh paano kasi naka-earphones ka! T—Tapos mukhang seryoso ka sa pinapanood mo. Oo! Atsaka boss mo ko diba? Bakit parang kasalanan ko pa?" medyo awkward niyang sagot.

Napahawak ako sa noo ko. "Sir, hindi naman po porket boss kita ay dapat ikaw na lagi ang tama. Mali yun boss! Wag dapat ganon sir... Paano kung mali ka naman pala, ipipilit mo parin ba yung mali kahit alam mo yung tama? Dapat kapag mali ka, tanggapin mo 'yun kasi hindi naman nakakabawas ng  pagkatao 'yun eh. In fact it can help you to be a better one."

Natigilan siya. "A-Alam mo ang daldal mo! Samahan mo nalang ako para may kwenta ka naman!"

Aray. Ang sakit naman magsalita nito! Hmp! Hinawakan niya yung wrist ko at natigilan ako kaya di ako nakagalaw agad. Tinignan niya na naman ako and this time, nagiging abnormal na naman ang tibok ng puso ko, looks like I'm having tachycardia.

"Oh? Tutunga-nga ka na naman diyan? Sasayangin mo na naman oras ko?"

Umilling ako. Kinuha ko ang bag ko at hinayaan na ang sarili ko na magpadala sakaniya.

BE WITH SB19 SEJUN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon